Kabanata 33

1.7K 77 12
                                    

Trauma

~•~

She woke up to the blaring sound of her ringtone. With eyes half-opened, she reached for her phone on the sidetable. It was her mother calling.

Sinagot niya iyon sa isiping may emergency sa kanila. Unang beses na tumawag ang ina gamit ang isang messaging app at talagang alas kuwarto pa lamang ng umaga. Alam nitong madaling-araw pa lamang sa Latvia.

"Ma? May nangyari ba?" her voice was hoarse as she greeted her mother. Sobrang bigat pa ng nga talukap niya kaya pumikit ulit siya.

"Fatima Grace Trinidad! Ano itong pinakita ng kapatid mo sa akin? Post daw ng boyfriend mo?"

Tila nawala ang diwa ng antok sa katawan niya nang marinig ang sunod-sunod na tanong ng ina. Bukod sa lakas ng boses nito, parang tumalon lahat ng muta niya sa sinabi nito. Boyfriend?! Napaupo siya sa gulat.

"Ma! Wala akong boyfriend!"

"Hindi iyon ang nakikita ko rito. Ang lawak pa nga ng ngiti mo! Nako Fatima, sinasabi ko sa‘yo..."

At tuloy-tuloy na nga ang sermon sa kaniya ng ina. Dinig niya sa background ang tawa ng kapatid na paniguradong nanulsol sa Mama niya. Arrrggh Bernardo!

"...kaka-selpon mo ‘yan!" her mother finally concluded. At anong bago? Siyempre sisi lahat sa cell phone.

Pabagsak siyang humiga, her feet were on the floor. "Ma... pakisabi kay Bernardo na ubos na ang mga sapatos sa America."

"Ate naman!" dinig niyang ungot ng kapatid niya sa kabilang linya. Pinatahimik ito ng Mama niya.

"Fatima, tandaan mo kung bakit ka nandiyan. Hindi naman kami tutol ng ama mo pero hindi namin makilatis ang lalaking ‘yan dahil malayo kayo. Kung sakaling saktan ka niya, wala kami sa tabi mo. Ayaw kong mangyari sa‘yo ‘yun, anak."

Seyroso ang kaniyang ina. Parang may humaplos sa puso niya sa sinabi nito. Teary-eyed, she replied, "Ma naman. Mas lalo ko tuloy kayong nami-miss." Pinahid niya ang nakatakas na luha. "Pero hindi ko po nobyo iyon. Nagpasalamat lang siya kasi binalik ko iyong panyo niya."

"Bahala ka. Sige na at mamamalengke na ako. Huwag kang magpapalipas ng gutom dyan."

The call ended right away. "Bye, Ma..."

Tumitig siya sa kisame. She never forgets the reason why she's here. ‘Wag kang mag-alala, Ma. Palagi iyong nakatatak sa isip ko.

Matagal niya nang sinabihan ang ina na bumili na ng bagong cell phone ngunit ayaw nito. Mas gamay raw kasi nito iyong basic lang. Mabuti't naroon si Ben kaya nakatawag sila nang libre. Sa pag-uwi niya, iyong latest na touchscreen ang ireregalo niya sa ina.

Bumangon siya at tinungo ang vanity table na ginawa niyang writing table. Binuksan niya ang ilaw doon at saka siya nagsulat. She's nearing the climax of her story and that's thrilling her. Hindi na siya makapaghintay na matapos ang sinusulat. Doon na siya inabutan ng bukang-liwayway.

Ilang araw ang lumipas at napapansin niya na may kakaiba sa boss niya. Hindi niya alam. Naputulan ba ito ng sungay o sadyang bumait na ito? Minsan siya nitong sinama sa pakikipagkita sa kaibigan nitong si Oliver. Hindi rin naman siya close dito kaya tahimik lang siya habang nag-uusap tungkol sa negosyo ang dalawa. She wished Esme was there. It was one of the longest two hours of her life. Although Oliver was a friendly man, they didn't get the chance to talk. Napaka-istrikto kasi ng boss niya kaya tumahimik na lang siya at pinagtuonan ng pansin ang frappe na in-order nito para sa kaniya.

"Where to, sir?" she asked while trying to catch up beside him. He slowed down. They have just parted ways with Oliver. Papunta na sila ngayon sa carpark.

Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon