DM: One

2.9K 92 0
                                    

TANYA

MAINIT na umaga ang sumalubong sa akin ng makarating ako sa kusina ng Carinderya ng Tita ko. Dito ako nagtratrabaho kasama ang aking pinsan na si Marga.

"Huy! Late ka ata ngayon insan ah!" napatingin ako sa aking tagiliran, speaking of! "Eh kasi naman, di ako nakatulog kagabi pagkatapos mo ako gisingin! Say mo naman dun?"

Napairap ang pinsan ako "Tanya, Tanya, Tanya, ako pa pala ang sinisisi mo? Pasalamat ka at pinsan kita kung hindi your fired achuchuchu ka na!" napatawa nalang ako "Kaya nga thanks to God at pinsan kita, haha" nag apir kami at sabay na nagkabit ng apron sa aming katawan.

Tatlong taon nadin akong nagtratrabaho dito. Simula kasi na piliin namin ang tumira dito sa barrio ay napilitan akong umalis sa hotel na pinagtratrabahuan ko doon sa maynila.

Cook ako doon kaya naman tagaluto na lamang din ang naisipan kong trabaho pag punta dito. Sakto namang si Tiya Margarette o Tiya Rettie kung tawagin ko ay magpapatayo ng carinderya, na di naglaon ay lumago na, at medyo lumaki na.

"Pinsan, sa tagal na nating magkasama, daig pa natin ang samahan natin sa mga kapatid mo, eh hindi mo pa naikwekwento sakin kung ano ba yang panaginip mo na madalas kang dalawin" nakatingin lang ako sa niluluto kong gulay habang pinakikinggan sya.

"You know, I'm curious kasi. I mean unggol ka ng unggol, ano ba yan? Nakikipag sex ka?" napaubo naman ako "Ano ba naman yan Marga! Kung ano ano ang nasa utak mo, marinig ka ni Tiya." ngumiti lang ito at kumindat.

"Hay naku Tanya, kung di ko lang alam na NBSB ka! Yun talaga ang maiisip ko" tumawa nalang ako, kung ano ano talagang pumapasok sa utak nito. "Pumunta ka nalang sa kahera Marga! Duon ka gumawa, hindi kananaman naghihiwa, alalayan mo nalang si Tiya duon kesa ako ang pinepeste mo" pinalo ako nito ng mahina sa braso "Grabe! Peste talaga? Hmp. Diyan ka na nga" tumawa nalang ako at saka ko pinatay ang apoy sa kalan.

---

Pagkipas ng mga oras ay natapos narin ako sa gawaing kusina. Oras na para saaking paggawa sa labas ng kusina, mag wa-waitress naman ako.

Pagkalabas ko ay nakita ko ang marami pang mga taong pumapasok sa munti pa naming karinderya. Nakita ko din ang mga katrabaho kong di na manganda ugaga sa pag asikaso sa mga ito, lalo na sa mga turistang napunta dito sa barrio naming may mga magagandang tanawin na tyak mong mapapansin kaagad!

Tumuloy ako sa may pinto at agad na aasikasuhin sana ang isa lalaking turista ng bigla nalang itong kausapin ni Delia, isa sa katrabaho ko "Ako na dito Tans! Dun kana sa isa pang parating" tumago ako at tiningnan ang paparating pa.

Kaygwapo! Este ano, ah "Sir good day po, ano pong sainyo?" tanong ko, tumingin ito sakin. Di ko masyadong madescribe ang mukha nito.

Una, may mask itong suot, ngunit mapapansin naman na gwapo ito dahil sa tikas ng katawan at sa mga mata nitong halatang dayuhan.

"Ano bang pagkain dito?" nagulat ako, maalam itong magtagalog at hindi mo kariringgan ng pagka dayuhan "Ahm lumapit nalang po kayo sa buffet table na nasa may harapan, pili nalang po kayo roon, doon po may mag aassist na sainyo"

Tumango tango lang ito "Can you find a table for me? Kung pwede lang." tumango nalang rin ako.

Sa tabing side kasi ng karinderyang ito ang upuan for 1 to 2 persons only. Nakita ko naman na walang nakapwesto sa may pinakadulo kaya't nilagyan ko ito ng papel na may nakasulat ng 'Reserved.

Pagkaraan ay nakita ko si May na kasama yung lalaking customer at may dalang tray na may pag kain. Nilapitan ko sila

"Sir, doon po ang pwesto nyo" tapos tinuro ko yung table. Nagulat nalang ako ng hawakan nito ang kamay ko.

Dark's Mine Where stories live. Discover now