DM: Nine

1.1K 46 11
                                    

TANYA

KANINA pa ako dito sa kwarto ko. Pasado alas dose na ng tanghali ngunit hindi pa ako bumababa para kumain. Wala namang nag aabalang tawagin ako para kumain na.

I am currently working on Gabby's homework. Since linggo ngayon at wala naman akong ginagawa, might as well gumawa nalang ng project ng kapatid ko.

"Ate, how's Mr. Black?"

"Sino Gabby?"

"Si kuyang nakaitim po." Si Dark?

"Okay naman ata sya Gabby, hindi padin kasi sya nagpapakita sakin, pero ayos na din yun, kailangan nya munang lumayo sakin para walang makahalata na may nagaganap samin." Sabi ko, napapaba naman ang balikat nito. "Ate may nalaman kasi ako, kaya siguro close tayo."

"Ha?"

"Ampon ako ate." Napaharap ako sa bata kong kapatid. "Ano bang sinasabi mo? Gabby kita ko na lumaki ang tiyan ng mama mo kaya alam kong anak ka na tunay."

"Mali ka ate."

"Gabby..."

"Narinig ko sa mommy, sabi nya dapat walang makaalam na peke ang pagbubuntis nya. Diba alam mo naman na halos wala si papa nung nagbubuntis si mama sakin, tapos nung pinanganak ako, tanging si tito andrew ang nasa tabi ni mama kaya alam ko na, ampon ako ate..."

"Gabby..."

"Ayos lang sakin ate, kasi kahit ganon hindi ko naman naramdaman na wala akong kasama, mahal naman ako ni papa kaya naman okay lang sakin pero..."

"Ano gabby?"

"Gusto ko po na---

Hindi na naituloy ni Gabby ang sasabihin nya ng mag ring ang telepono ko. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nakita ko na hindi nakarehistro ang numero kaya nag aalangan akong sagutin, pero sa isang banda wala namang masama kung aalamin ko kaya sinagot ko na.

"Hello?"

"Darling..."

"Dark..."

"You need to get out of that house NOW!"

"Huh? Ano bang ibig mong sabihin? Hindi ako basta pwedeng umalis dahil baka mapagbintangan nila ako. Alam mo naman na binabantayan ko din si gabby diba?" Narinig ko ang pag buntong hininga nya. "I know that, but the thing is, you need to be out of there, please darling, please."

"Sige, pero pwede bang bukas nalang?"

"Hindi pwede, you need to go out there, kailangan mo ng umalis dyan, pagkarating mo sa kanto dyan sa subdivision na yan, nag aabang na ang isa kong katiwala okay? Please darling, understand me."

Napatingin ako kay gabby na nakangiti sakin. She mouthed 'okay lang po' I smiled to her. "Okay mag eempake lang ako."

"His name is Morphine, ihahatid ka nya sa barrio. Morphine is black guy, itanong mo muna ang passcode bago ka sumama."

"Passcode?"

"Yes, the passcode is YOU."

"Ako?" Ang gulo? Pangalan ko ba? Ako? Ano?

"Pffft, nope, Y-O-U is the passcode."

"Ahhh. Okay gets ko na."

"Okay be quick, I got to go."

"Okay bye." Pinatay nya na ang tawag. Tumingin ulit ako sa pwesto ni gabby pero wala na sya. Wala na din ang ginagawa namin kanina.

Napapuntong hininga ako. Nagiging komplikado kung mananatili pa ako rito. Kaya siguro tama lang na sundin ko na ang utos ni Dark.

"Tanya..." May kumatok sa pintuan ko. "Sino sila?" Sabi ko bago lumapit sa pinto. "May naghahanap po ms. Tanya."

"Susunod na ako." Sabi ko. Aalis na sana ako sa kwarto ng biglang nag ring muli ang telepono ko.

Kinuha ko ito at sinagot. "I'm here sa bintana." Napasulyap ako sa bintana, pati so Gabby ay nagulat ng biglang lumitaw doon si Dark.

Bumaba ito sa bintana at dali daling lumapit sakin. "Sinabi ko na sayo na umalis ka diba? Ba't ba ang tigas ng ulo mo!"

"A-ano bang nangyayari?"

"I will tell you pag nakalabas na tayo dito. Kuhain mo muna ang kapatid mo, nandito na sila."

"Sino ba?"

"Miss tanya, may mga gustong kumausap sa inyo!"

"Shit."

Nagulat nalang ako ng biglang kinuha ni Dark ang phone ko at isinilid sa bulsa nya, mabilis na kinuha nya din si Gabby at ang kasunod at pinasan din nya ako bago pumunta muli sa bintana. "Hindi tayo tatalon diba?"

"Hold on tight."

Pagkasabi nya noon ay bigla kaming bumulusok pababa. Gustuhin ko mang sumigaw ay hindi ko magawa.

Akala ko mamamatay na kami pero perpektong nakalapag ang mga paa ni dark sa lupa. "We need to hurry, malalaman na nila na wala ka sa kwarto mo any minutes."

"Ano bang nangyayari?" Imbis na sagutin ang tanong ko ay binuhat nya muli ako at si gabby tsaka inihagis sa van na dumaan.

"Dark----"

"Bilisan nyo ang pag alis morphine, ako ng bahala."

"Opo."

Bago kami makalayo ay nakita ko na hinubad ni Dark ang kapang itim at bumalandra ang damit pag imbestigador nya. Lumingon pa ito at bumigkas ng mga salitang rinig na rinig ko. "I love you."

Dark's Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon