DM: Three

2.3K 67 1
                                    

TANYA

MALAKAS na pagdagundong ng pinto ng kwarto ko ang gumising sakin. Malalakas ito at sunod sunod. Papungas pungas akong bumangon at binuksan ang pinto. Natumba pa nga si Margs dahil aamba pa sana sya ng katok ng buksan ko ang pinto.

"Grabe ka! Juice ko naman aking pinsan, I'm super long na kayang nag na-knock-knock sa iyong door, my hand hurts na nga eh!"

"Tss, ba't ka ba kase kumakatok ha?" napakamot ako sa aking ulo ng nag pout sya, nakakabanas din pag may ganto kang pinsan ha! "Of course nag-aalala kasi ako." napataas ang kilay ko.

"Bakit ka naman mag aalala? Haler, natutulog ako ano!"

"Iniwanan ka naming tulog at nadatnang tulog parin? Hah! Insan alam mo bang seven pm na? Nakakabwisit ka! Ganon kaba kapagod at natulog ka ng halos one and a half day?" napamulagat ako

ONE AND A HALF DAY?

"Margs, isa't kahalating---"

"Oo Tanya, eexplain ko ha, kagabi yung half, tapos ngayon you one day! Oh, gets?" napabuntong hininga nalang ako.

Pumasok sya bigla sa kwarto at umaktong parang nagsisiyasat, napapansin ko pa nga na inaamoy nya ang amoy ng kwarto ko. Napaka talaga.

"Oh my God! Tanya look at this, why may bloodstains ha? Meron ka na ba? Diba next week ka pa?" napalapit ako sa kinaroroonan ni Marga, at yun ay sa kama ko. Nakahawak sya sa kobre kama at tinitingnan itong mabuti.

Napaisip ako, hindi kaya...

"Patingin nga ng likod mo." napatingin ako kay pinsan, papalapit na sya sakin pero bago pa sya makalapit ng tuluya "Margs, ahh ehh, napaaga nga ata ang dalaw ni japan, ahm labas ka na, nakakahiya."

Napataas ang kanang kilay nya "Nahiya? Kelan pa? Patingin nga!" pilit akong tumatalikod, wala kasing bloodstains. Arghh! Tsaka ko na pagninilayan ang lahat pag nakalabas na si Marga sa kwarto ko.

Pinipilit parin akong patalikurin ni Marga ng tawagin sya ni Tita na nasa baba "MARGA! BUMABA KANA RITO! WAG MONG GULUHIN SI TANYA DIYAN!" napairap si Marga at tinigilan ako.

"Hmp. Akala mo tapos na? Hah! Mamaya ka sakin! I smell something fishy kasi! Hala ipagpatuloy mo ang pagpapahinga. Mind as well, linisin mo nadin ang mga evidence, ciao!"

Pagkalabas nya ng pinto ay tsaka ako nakahinga ng maluwag, wengya! Muntik na yun. Napasandal pa ko sa pinto to let out my frustrations.

Pero, ano nga bang nangyari? Nangyari ba talaga yung nasa utak ko o panaginip? I can't imagine ha! I just have a sex in my own room and then i don't even know the man!

Isipin mo, magagawa ko ba talaga yun?

Dahan dahan akong umupo sa kama ko at tiningnan ang dugo. Pinakiramdaman ko rin ang sarili ko. Sa totoo lang, hindi ko alam ang nangyari. Basta ang alam ko nagising ako ni Marga, and that's it, I can't explain what the hell happened.

Naisipan ko na lamang na maligo nalang. Hays, ano ba kasing magagawa ko?

Nilinis ko nalang muna ang kama at ang iba kong gamit. Tapos ay pinaltan ko ang kobre kama, punda, kumot ko ng bago. Lalabhan ko nalang mamaya.

Pagkatapos kong maglinis ay kumuha ako ng damit ko sa tukador at pumasok na sa banyo.

Pagkasaradong pagkasarado ng pinto ko ay humarap ako sa salamin. Nanlalaki ang mata kong napatingin sa lalaking nakikita ko sa salamin.

Oh hindi ito maaari!

"AHHHHH---asgfk..." bigla nalang nyang tinaklubang ang bibig ko. "Wag kang maingay!" matigas na sabi nito.

Narinig ko narin ang kalampag ng pinto ng kwarto ko "Tans! Anong nangyayari diyan? Insan!" narinig ko pang sigaw ni Marga.

Pinakawalan ng lalaki ang bibig ko. "Make an excuse!" nanlalaking matang sabi nito saakin.

"Ano, Margs ayos lang ako, ano ah eh may ipis lang, haha" pagdadahilan ko, kagatin sana nya. Narinig ko nalang na wala ng kumakatok. Siguro ay umalis na ng malaman ang 'lame explanation ko.

Humarap ako sa lalaki na ngayon ay nakahubad baro. "Sino ka ba? Anong pang ginagawa mo dito at nandito ka pa?" pagalit na sabi ko.

Ngumisi lang sya."I like it when your mad but wait, kaya ako nandito kasi gusto ko lang patunayan na oo mayroong nangyaring maganda!"

"Bastos ka!"

"Hahaha, I know, but then, don't you recognize me?"

Maguguluhang tiningnan ko sya. Who you ba? Tae naman, madam auring naba ang peg ko?

"I think not, hmm, what about this."

Nagulat nalang ako ng halikan nya ako bigla!

"Hmmm..."

"Yeah, that's it, moan my darling."

Napabalikwas ako ng maramdamang nasa leeg ko na ang labi ko. Putris! Maisusuko ko pa ata ang bataan muli!

"Natatandaan mo na ba ako?" pilit ko syang inaalala. Ang mga halik nya sakin ay tunay na pamilyar.

Biglang nasagi sa isip ko ang nakaraan ko.

"Irah, my darling, I'm here now, don't you remember me darling? It's me, your Darkus, Dark Weinton Darling please don't cry, just look at me..." malungkot na pahayag ng lalaki habang pinapahid ang luha ko, hindi nga ako sa Irah nya eh!

"Iuwi mo na po kasi ako!"

"NO! You.will.stay!"

At muli ay hinalikan nya ako ulit. Napakapusok, bata pa ako ngunit bakit ito na ang kapalaran ko?

Nanlalaki ang mata kong tiningnan sya. Walang pinagbago, ganon parin. Ang mukha nyang napaka kisig at ubod ng tapang, ang mga mata nya, ilong at ang labi. Parang hindi sya pinaglipasan ng panahon.

"D-dark?"

Masayang napatango tango sya. Akala ko'y hindi nya na ko susunduin, akala ko hindi nya na ko kukuhain.

"Yes darling, I'm your Darkus! Oh my Irah, I really miss you" sabay yakap sakin.

Biglang bumukas ang shower, nabasa na kaming dalawa ngunit hindi sya umalis sa pagkakayakap sakin.

Ang lalaking hinihintay ko ay nagbalik na. Ang lalaking

Una kong minahal at minamahal, na sa murang edad ay natutunan kong mahalin.

Hindi ko alam pero, nakaramdam ako ng galak. Masaya ako! Oo.

Dark's Mine Where stories live. Discover now