DM: Twenty-Eight

165 5 0
                                    

TANYA

(Continuation...)

SIMULA ng gabing magkakilala kami ni Agustin ay nagbago na ang lahat saakin, saamin ni Darkus.

Nagpasya muna along umuwi ng barrio Maligaya para makapagpahinga. Walang nagawa si Darkus sa desisyon ko, iniwan ko rin muna ang aking anak sakanya.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, may mga bagay na bumagabag saakin ng makilala ko si Agustin, may kakaiba akong naramdaman na di ko maipaliwanag, para bang hinihila ako ng nararamdaman ko kay Agustin kahit na saglit lang kaming nagpangita.

Masama na ata ang toyo ko sa utak...

Makalipas ang ilang linggong pamamalagi ko kay tiya rettie ay nagpasya ako na bumalik na sa mag-ama ko, siguro ay dala lang ito ng aking panganganak sa isip-isip ko.

Good thing at hindi rin ako sinundan o binisita ni Darkus dito saamin, siguro ay na sense nya na kailangan ko ng space kahit naguguluhan ito.

"Surebels na yan Tans? Alis ka na ulit?" Napalingon ako sa pinsan ko na si Marga.

Nag-eempake na kasi ako. "Hmp, katampo naman, halos dalawang taon ka di nagpakita dito tapos 3 weeks lang aalis ka na agad, ano ka OFW?" Napatawa ako sa inusal nito.

"Pasensya na Marga, may mga kailangan akong asikasuhin, pag okay na ang lahat may papakilala ako sayo na siguradong magugustuhan mo."

"Hmm... Talaga?"

"Oo nga." Tumawa nalang ako sa reaksyon ng mukha nito.

Maya maya pa at umalis na ako sa bahay namin, nagpaalam na rin ako kay Tiya Rettie at nagpasalamat, ang sinabi ko nalang, may aabyarin ako sa syudad.

Ngayon nga ay nasa bus station ako papunta sa San Vicente, doon kasi ang sakayan papunta sa Sagada, kung saan nandoon ang mag-ama ko.

"Irah..."

Napalingon ako sa likod ko, si Agustin...

Dagli itong lumapit saakin at niyakap ako. "Kay tagal narin simula ng masilayan ko ang iyong kagandahan mahal kong Irah..." Napakahigpit ng yakap nito na animo'y mawawala ako sa piling nya.

Humiwalay ako dito. "Hindi kita kilala..." Naguguluhang tumingin ako dito.

Ito nanaman ang pakiramdam ko, animo'y ang dugo ko ay kumukulo sa di malamang dahilan, nakaramdam ako ng mainit na bagay na para bang bumabalot sa puso ko.

"Alam kong hindi mo pa naiintidihan mahal ko, pero kung sasama ka saakin, malalaman mo ang sagot sa lahat ng katanungan sa isip mo."

Tumingin ako sa mga mata nito. "Pero may pamilya na ako Agustin, may asawa at anak na ako."

Hindi natinag ang pag titinginan namin, walang makapag hiwalay sa aming mga titig. "Alam ko, pero kung sasama ka saakin, maliliwanagan ka."

Maliliwanagan ako, tunay bang mapapawi nya ang mga pangamba sa isipan ko? "Pangako ko sayo, siguradong mababago ang isipan mo."

Sa hindi malamang dahilan, tumango ako dito at sumama sakanya, ng hindi manlang inisip si Darkus o ang anak namin.

---

Nakarating na kami sa sinasabi ni Agustin, tama nga ako na isa itong lobo, at ito ay prinsipe sa kaharian nila, at ako...

Ako ang kanyang kabiyak. Simula pa lamang na ako ay maipanganak, nakaukit na sa aking puso ang pangalan nya, ang katauhan ni Agustin, dahil ako ay ang kanyang natatanging kabiyak at wala ng iba. Naalala ko ang mapaghinagpis na pagpapaliwanag nito saakin, kung gaano sya nasaktan na naagaw ako ni Darkus sa kanila.

Sinabi nya saakin na simula pa lang, simula pa lang sa aking great great grandmother ni si Irah, magkatunggali na sila laban sa aking lola. Ngunit dahil nga si Agustin ang itinadhana dito, siya ang nagwagi, kahit na nabuntis pa ang namayapang Irah ng isang mortal, masaya si Agustin na bumalik sakanya ang dating Irah.

At ngayon ngang nabuhay muli ang katawan at katauhan ng dating Irah, ganoon parin naman daw, ako parin ang kanyang kabiyak.

Naguluhan man ako ay maluwag na tinanggap ko ito sa di malamang dahilan. Ganito pala ang pakiramdam pag ang tunay na para sayo ang kasama mo, wala ka ng magiging pakialam sa mundo, tanging kayo lang dalawa ang umiikot sa buong sistema nyong parehas.

At ganoon kami ni Agustin, wala na syang pakialam kay Miranda na asawa nya ngayon, at dapat din daw ay ganoon ako sa bampira g si Darkus, ngunit...

Hindi ko maiwasang isipin ang anak ko, ang baby ko, hindi sya maalis sa aking isipan, siguro dahil ina na ako at may anak.

Pero dahil narin sa pamimilit saakin ni Agustin ay nanatili ako dito sa puder nya, nagplaplano na nga ito para makuha ang aking anak, para makapamuhay na kami ng matiwasay.

Limang buwan na ako dito sa kaharian ni Agustin, at kasama namin sa tahanang ito si Miranda, naawa man ako sakanya pero wala na akong magagawa, si Agustin ang masusunod.

Nakatanaw ako sa buwan ngayon, bilog na bilog ito, naalala ko bigla si Darkus.

"Tanya..."

Bigla akong nanigas ng parang narinig ko ang boses ni Darkus, isa itong bulong, bigla nalang din akong nilamig.

"MAY BAMPIRAAAAAAAA!!!!" Rinig kong sigaw sa ibaba, at sa pagkakatanaw ko nga ay nakita ko si Darkus kasama ang lima pang lalaki, bali anim sila sa malawak na kaparangan ng kaharian.

"Irah!" Napalingon ako sa pinto na bumukas. Iniluwa noon si Agustin. "Wag na wag kang lalabas naiintindihan mo?"

Lumapit ito saakin at hinawakan ang parehas kong braso at niyugyog ako. "Tanginang bampira yan, bigla nalang sumugod!"

Napatingin ako kay Agustin, nagbabago na ito ng anyo, kaparehas ng mga bampira, lumalakas din ang mga lobo sa kabilugan ng buwan. "Basta ipangako mo na di ka lalabas naiintindihan mo?"

Tumango nalang ako dito. Iniwan ako nitong naestatwa sa isang tabi habang isinasara nito ang mga de kahoy na bintana.

Nagtuloy tuloy na lumabas ito ay isinara ang pintuan. Napasalampak ako sa sahig. Ano bang kaguluhan ang ginawa ko?

Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi ko na alam ang gagawin, naprapraning na rin ako dahil hindi ko alam ang nangyayari sa labas, ang naririnig ko lang ay ang mga sigawan.

Bigla ay may nagbukas ng pinto, si Miranda ang pumasok. "Talagang mananahimik ka lang diyan hindi ba Irah?"

Halatang galit ito saakin at gusto na akong sakalin o di kaya ay sabunutan pero nagpipigil lang ito. Maya maya pa ay biglang pumatak ang luha nito. "Nakikiusap ako sayo Irah, mamili ka na sa dalawa, dahil papatayin ng bampira na yon si Agustin!" Nanlaki ang mata ko.

"Tama ka, nagpapatayan na sila sa ibababa, kaya kung mahal mong talaga ang isa sakanila, lumabas ka na at pakawalan ang isa, para matahimik na ang lahat."

Bigla nalamang din lumabas si Miranda. Natulala ako, nagpapatayan ang dalawang lalaking umiibig saakin.

Ngunit hindi ko alam kung sino ang pipiliin, naguguluhan ako! Bahala na.

Dali dali akong bumaba at ng makatungtong sa lupa ng kaparangan ay napatingin ako sa nangyayari.

Madami ng sugatang lobo, at ang limang bampira na kasama ni Darkus ay wala man lang galos, malalakas ang kasama nito.

Habang si Darkus ay nasa gitna ay may hawak ito na lobo, ang lobong yun ay si...

"Agustin!"

Dark's Mine Where stories live. Discover now