KARA

958 23 0
                                    

Bitawan nyo nga ako! Ano bang kailangan nyo sa akin.", saang lupalop ba ako naroroon, nakapiring pa ako at kinakaladkad ng kung sino, napasalampak na lang ako sa sahig ng itulak ako ay narinig ko ang pagsara ng pinto, agad kong inalis ang piring ko sa mata at tumakbo sa may pintuan, kinalampag ko ito..
"Hoy!, pakawalan nyo nga ako dito.",

Patuloy lang ako sa pagkalampag pero wala, wala man lang akong kahit na anong ingay na narinig mula sa labas, Nasaan ba ako?,nilingon ko ang paligid wala man lang bintana itong silid isang upuan lang ang nakita ko, kwarto ba ito?

Sa apat na sulok nito ay puro salamin ang nakapalibot at sarili ko lang ang nakikita ko, 'Lintik na!, baka si Tres ang may pakana nito sa akin", aiiiissssh! 😤,
Bangnita bakit kasi ang daldal mo doon sa hospital eh, Napasapo nalang ako sa ulo ko, bakit ba ngayon ko lang naisip yon?, imposibleng walang bantay yun, gag* ka talaga...
Paano ako makakaalis dito.

-----

Sa kabilang parte kung saan nakamasid lamang ang dalawang tao sa babaeng nasa silid

"Ang ingay naman ng babaeng yan,  kahit anong gawin nyang kalampag sa pintuan na yan hindi naman bubukas yan"

"Ano bang gagawin mo sa kanya , Thomas?" Malalagot tayo nito sa Blixx kapag nalaman nila ito, kumikilos ka ng sarili mo lang"

Thomas: Hindi nila ito malalaman unless sasabihin mo hindi ba?, ramdam kong may kinalaman sya sa insidenteng pagbaril kay ara
hindi pa kumikilos ang Blixx kaya alam ko iba ang may kagagawan noon at sigurado akong marami yang alam Jeron.

Jeron: Hanggang ngayon pala si Ara pa rin, true love ba yan pare? Haha

Thomas: Gag*!

Jeron: kinakalaban mo ang Blixx nyan at parang tinutulungan mo pa ang Oblivion sa pagprotekta kay Ara sa pagkakataong ito, nagbalik loob ka na ba?, baka nakakalimutan mo, Blixx ang tumulong sayo nung walang wala ka.

Thomas: Ang dami mong satsat, tutulungan mo ba ako o hindi?, kung hindi makakaalis ka na.

Jeron: Wag kang magalala bimby kasama mo ako dito. Ano nga pa lang balak mo sa babaeng yan?, dikit ng dikit pa naman yan kay Ara mo na Ex mo at Ex Girlfriend ni Tres hahaha

Thomas: May gusto lang akong malaman sa kanya at matagal ko ng tanggap na hindi na ako mahal ni Ara kaya tumahimik ka, hindi ka nga umubra kay Tres, naunahan kapa ,

Jeron: Bilib na ako sayo bimby, wag mo ng ibalik yan.. Alam mong hindi maaring mangyari ang bagay nayon dahil Agent sya ng Oblivion

Thomas: kaya hinayaan mong maging sila ni Ravena? Hahaha

Jeron: Wala na sila Pare, at mas mabuti na yon, wala akong tiwala sa mukha ni Ravena na yon, alam mo bang ako ang ipinatatao ni Boss sa kanya, sa tuwing may transaction sya sa black market.. Mabuti na lang nga at wala syang alam sa atin, kahit papaano ay tago ang identity natin sa iba.

Thomas: Naguumpisa pa lang, at sisiguraduhin ko kung may kinalaman man yang ravena na yan humanda sya sa akin.

Jeron: anong itatawag natin dito "Operation KARA?", hahaha

Thomas: ( kahit kailan talaga tong singkit na labanos na to)

Jeron: Oo nga pa la, hanggang kailan mo ikukulong ang isang yan dyan?

Thomas: Hangga't hindi ko nakukuha ang impormasyong gusto jong malaman dyan lang sya.





















Camille's POV

Maaga akong nagising, pagkatimpla ko ng hot chocolate ay naupo agad ako dito sa sofa sa may sala at ipinatong ang baso sa maliit na lamesa, bahay ito ni Tres pero halos bahay narin namin ni kambal.

Hide It ❤️ Feel It [Ara Galang - Mika Reyes] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon