K3R8

1.2K 36 5
                                    

"Mama.... Ara"

"Mommy.... Ye"

Gising na po,

Napamulat ako ng mga mata , ng marinig ko ang boses na yun, babangon na sana ako ng maramdaman kong my sumiksik sa akin at niyakap ako ng mahigpit nakaunan sya sa kaliwang braso ko.

Nakatitig lang ako sa kanya,
totoo ba to?

Unti unting nagmulat sya ng mga mata at ngumiti sa akin,

Ara: morning.. babyLove'

Hinalikan ko sya sa noo, "morning..thomsy"

Tatlong sunod sunod na katok ang narinig ko at ang pagbukas ng pinto at ang malilit na yabag, na sumampa sa kama at pilit isiniksik ang sarili sa gitna
Kamukhang kamukha ko to ah.. pati yung pag ngiti akong ako,

"Goodmorning po, gising na po.. gutom na si Air.."

Sabi pa ng bata hinalikan nya kami sa magkabilang pisngi pagkatapos noon ay nakapout na ito, siguro mga nasa walong taong gulang na ito

Ara: good morning anak, oh. bangon na gutom na daw ang anak mo, tignan mo nakasimangot na..

Nakatulala lang akong nakatitig sa bata, napabangon pa ako ng marinig ko sa isip ko ang boses nya,

Mommy Ye, are you okay?

Maging boses ni Ara ay narinig ko sa isip ko,

Ara: Love.. okay ka lang ba?nanaginip ka ba ng hindi maganda?

Napaisip naman akong ulit bago tinignan si Ara na kita kong may pagaalalang nakatingin sa akin,

Totoo ba talaga to,? Kasama ko si Ara sa isang bahay tapos may anak pa kami na kamukhang kamukha ko?

Yes Mommy, totoo po and i'm your daughter Kara Vlair Reyes Galang at 8 years old na po ako, remember ako po yung batang nasa tube..

Sabi ng bata sa isip ko, nakababasa sya ng isip? 8? Limang taon na ang nakalipas?? Nananaginip ba ako

Opo mommy, nakababasa po ako ng isip matagal na, may iba pa nga po akong nagagawa na sayo ko lang po sinabi, kasi sabi mo po wag sabihin kay Mama kasi baka pagalitan nya po ako.

Sagot nyang ulit sa isip ko nagbago din ang kulay ng mata nya kung yung akin white, ang kanya.. light blue.. hindi ko nilingon si Ara, Napabangon nalang ako at mabilis kinuha ang cellphone ko at tinungo ang banyo,

Agad kong tinawagan si Camille,

Calling Cams.......

Cams: Hello?,

"Hello Cams, nasaan ka? nasa kabilang kwarto ka ba? Si Ciennang?"

Cams: Ha? Anong meron?

"Bakit kasama ko si Ara dito sa bahay?, yung bata sa tube 8 years old na daw sya,

Cams: kagigising mo lang ba?

"Oo at bakit ganito?"

Hide It ❤️ Feel It [Ara Galang - Mika Reyes] Where stories live. Discover now