Ara's Flashback

894 27 2
                                    


Dinala ako ng mga paa ko sa isang tahimik na lugar sa park kung saan ko huling nakausap si Mika.
Sa katahimikang yaon ay nagbalik tanaw ang isipan sa buong nangyari sa pagkatao ko.

ang isang pangyayari sa buhay ko nung bata pa lang ako, puro experimento.. maraming tubes akong nakita, isang batang babae at kung ano ano pa..

Naalala ko noong 8 years old ako, kasama ko si Mama sa isang mall, ang daming tao, nalingat ako paglingon ko hindi ko na makita kung nasaan si mama,
dahil sa murang edad wala akong kaalam alam sa sobrang takot ko, nilapitan aq ng isang lalaki sinabi kong hinahanap ko si Mama ang sabi nya hahanapin namin si Mama ko kaya agad akong sumama sa kanya,
binilhan nya ako ng kung ano anong sweets noon.

tuwang tuwa ako, at sumama sa kanya sa kung saan nakalimutan kong pinagbawalan nga pala ako ni mama na makipagusap sa hindi ko kilala.

"Saglit lang tayo , marami kang makikita doon"

hawak hawak nya ako sa kamay ng pumasok kami sa isang lugar na may kung ano anong makinarya',

"Bakit po sya nandun sa may tube na may tubig",

may isang batang babae kasi akong nakita na maraming tubo sa katawan tapos nasa may tubig.."
isang tipid na ngiti lang ang nakuha kong sagot mula sa kanya, kung titignan mo ang itsura ng mamang ito, mukhang mabait, looks can be deceiving ika nga,

katulad nung batang nasa tube ay isa din ako sa batang pinagexperimentuhan.­. hindi ko alam kung ano-ano ang mga itinurok nila sa akin noon. 

"Wag po!, parang awa nyo na ayoko po!"

tanging sambit ko hindi ako nakapanlaban ano ba namang laban ng isang batang walong taong gulang at sa tatlong taong nakaputing damit,

"hindi naman masakit ito , kagat lang ng langgam,

Matapos nyang sabihin iyon ay itinurok nya sa akin ang isang may mahabang karayom ramdam ko ang pagdaloy ng likido sa katawan ko,

"ahhhhhhhhh!, "
sigaw ko ng maramdaman ko ang kung ano sakit ng turukan ako ng kung anong kulay berdeng likido,
unti unting nanlabo ang paningin ko "Mama"

hindi ko alam kung ilang araw na ang nakalipas, kung araw nga ba o buwan nakakarinig lang ako ng boses, boses ni mama..

"Mr. Brent kamusta na ang anak ko"

"Nasa mabuti nang kalagayan ang inyong anak,

nasaan na ba ako?, cno yun?, unti unti kong inaaninag ang paligid, ilang ulit akong pumikit dahil sa ngayon lang ulit  ako nakaaninag ng liwanag,
pagmulat ko ng mata ko , agad kong hinanap yung batang babae na nakita ko sa isang tube na siguro ay pinaglagyan ko rin, nakangiti si mama .. "Si mama" , akala ko hindi ko na sya makikita,

----
sa paglipas ng panahon hindi ko din inakalang makikita ko ulit si Mr. Brent sa isang coffee shop, dito sa lungsod. Ilang taon narin 21 years old na ako ngayon,  sa totoo lang may kakaiba akong nararamdaman sa katawan ko pero hinayaan ko lamang yun,
siguro pinagtagpo ng panahon na makita ko si Mr. Brent pagkakataon ko na ito para itanong sa kanya ang nangyayari sa akin.

MB: Ara, kamusta ka na?, ang tagal na nung huli kitang makita.. Isang batang musmos, aba isang sikat na volleyball player na, pinapanood kita,

isang ngiti ang itinugon ko sa kanya , "Oo nga po.. maraming salamat po pala sa lahat , "

MB: Maari ka bang sumama sa akin? mayroon akong mahalagang bagay na sasabihin

walang pagaalinlangan akong tumango at sumama sa kanya..
dinala nya ako sa isang lugar na tinatawag nilang Oblivion,

Hide It ❤️ Feel It [Ara Galang - Mika Reyes] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon