KARA

934 32 8
                                    


"Nakarinig ako ng mga hakbang papalapit sa kinaroroon namin, sinubukan kong titigan ang direksyon pero wala akong makita"

"May paparating,,,?" 

Agad namang naging alisto si thomas maging si Ate Kim, ay hinila ako sa tabi nya, ang dami nyang sugat sa katawan ,
Napatingin ako sa harapan namin ng magsalita si Wafs.

Kim: anong ginagawa mo dito? Mela?

Hindi sya sinagot ni Mela at isang babae, hinihila nila ako palabas ng seldang pinaglagyan nila sa amin,

Thomas: san nyo sya dadalhin? Ky? Mela??

Mela: dalhin mo na sya Kyla ako ng bahala dito,


Nahihirapan man akong tumayo dahil siguro sa pagod "saan mo ko dadalhin?" Hindi nya ako sinasagot, mukhang bata pa sya , may takip ang ibabang bahagi ng mukha nya at mata lang ang kita sa kanya, mahaba din ang nakalugay nitong buhok, nakasuot din sya ng isang fit na damit at may kung ano anong armas ang nkasukbit sa katawan nya.

Binuksan nya ang isang pintuan isang maliit na laboratoryo ,

Makakaalis kana", utos nya sa teenager na nagngangalang kyla na nagdala sa akin sa harapan  ng isang lalaking hinding hindi ko makakalimutan ang itsura, kahit pa medyo kulubot na ang mukha nito at pumuputi na ang buhok nya,

Ang lalaking nageksperimento sa akin noon, ang tatay pala ni bang...

Kamusta kana?, ang tagal kong hinintay ang araw na muli kang makita, nagustuhan mo ba ang pagbabagong ginawa ko sayo?

"Ano bang kailangan nyo sa akin?, "
Unti unti rin syang lumalapit sa akin ngunit panay ang iwas ko rito,

Relax ka lang, Victonara ang pangalan mo hindi ba?,hmmm.. Wala naman akong ibang gagawin sayo,  mayroon lamang akong ipakikita sayo,  alam mo bang trinaydor ako ni thomas, kinalaban nya ako!

"Kaya ginulpi nyo sya,? Wala kayong awa pati sya pinageksperimentuhan mo! "

"Matapang kana ngayon?, haha.. Sigurado akong pupuntahan ka ng Oblivion at kusang lalapit sa akin ang agent na katulad mo hindi na ako mahihirapan pa,"Nais kong makita mo ang pinaghirapan ko ng ilang taon"

May pinindot sya at bumukas ang isang bahagi ng kwarto, nakita ko na naman ang isang tube, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng makita ko ang isang batang babae na nasaloob nito at maraming tubong nakakabit, dito,  malago na ang kulay itim nitong buhok, sa tingin ko ay napakabata pa nito mga tatlong taong gulang ,

"Ano bang napapala mo sa ganito,? Hindi ka ba naawa sa mga katulad nya,?

Titigan mo syang mabuti Ara,

Agad kong nilapitan ang tube at inilapat ko ang kamay ko sa tapat ng nakapikit na mukha ng bata, parang natutulog lamang sya, kamukha nya, si--- nagulat naman ako ng bigla na lamang parang napasok ako sa isang dimensyon, ng mailapat ko ang palad ko sa tube,

Madilim, pero unti unting naging kulay puti ang lugar, nakatayo lamang ako ng, biglang may marinig akong boses,

"Mama!,  gising kana..."

Hide It ❤️ Feel It [Ara Galang - Mika Reyes] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon