Ria Move (Part 1)

918 18 0
                                    

Jessy's POV (Flashback)

BF' sure ka ba dyan?, sa tingin mo ba kapag pumasok tayo dito.. Masosolve nito yung nangyari kay Ara?, aksidente yun BF', darating din yung time na makakaalala sya naniniwala ako, maalala nya tayo, lalo kana.. tsaka hello! Second year high school pa lang tayo, baka malaman ng parents natin to, patuloy lang ako sa pagsermon sa kanya habang naglalakad kami, Sabado ngayon , wala naman kaming practice sa volleyball kasi Summer na,

Napatigil lang ako sa pagsasalita ng mapansin kong nasa tapat na kami ng isang mataas ng building, tahimik lang si BF na nakasilip sa may gate gray yung kulay na ewan ko kung bakit ang taas naman masyado bawal makita ang nasa loob? May malaking Letra yung gate, "V" na kulay silver na nasa loob ng bilog, na may manipis na kulay itim. Ang weird ng kombinasyon.

Huy! , BF, ano ba gagawin natin dyan? Nakakatakot naman

Mika: kailangan ko to BF,

"Oh e bakit kasama ako? Ikaw na lang uuwi na ako' saan bang lugar to di ko naman inintindi yung naging byahe namin eh pano ba naman inaantok pa ako ng gisingin ako ni mama kasi nandun na nga sya,

Mika: bestfriend mo ko di ba, samahan mo ko dito,

Bigla na lang bumukas yung gate, eh wala namang pinipindot si Mika, hila hila lang nya ako papasok sa building na ewan ko kung gaano kataas nakakalula sa laki, hindi nya binitawan ang kamay ko kasi iiwan ko talaga sya dito, nagtatago ako sa likod nya, "BF umuwi na tayo please!, natatakot ako"

Lumingon lingon ako sa paligid, parang naiba na yung itsura , "ang ganda!", hindi mo aakalain na ganito kalaki ang lugar na to kung sa labas ay parang isang typical na building na my weird na logo,

Naramdaman kong tumigil si BF sa paglakad,

Mika: ganyan ka ba kabahan? Basa na yung kamay ko BF,

"Welcome, mabuti at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko," Aereen"

Napatunghay ako sa nagsalita, naka business attire sya , lalaki  pero nakamaskarang itim at mata lang kita, sosyal ng mata nya , hindi halatang fan sya ng anime na Naruto, hahaha.. Ano ba naman yan, Sasuke?

Yumukod naman si Ye sa kanya, at iginiya nya ang ulo kaya napayuko na lang ako,

" Ako nga pala si Brent",

Pakilala nya sa amin, at nagpakilala naman kami sa kanya. Sinabi rin ni BF na isinama nya lang ako dito, inikot namin ang buong lugar,  ang daming pasikot sikot sa lugar na to, lahat ng nakasalubong namin ay mga nakamaskara,
Iginiya nya kami una sa laboratoryo doon daw nireresearch ang madaming bagay, new technology / Armas /

Sa isang pinto naman ay napanganga ako ng madaming pinto pa,  tungkol sa martial arts naman ito, ang unang pinto ay ang sa mga baguhan mga nakagray suit ang mga nkita namin

Ang mga sumunod na pinto ay para sa pag gamit ng ibat ibang armas tulad ng baril / swords / bows & arrows /at iba pang gamit sa pakikipaglaban
white suit naman ang nakita naming suot ng mga tao doon
May Monitoring room pa sila kung saan lahat ng gadgets ay nadoon, malalaking screens at kung ano ano pa, ang ganda,

May dalawang room pa, yun daw ay para sa pagsasanay  (brown suit) at ang isa ay ang tinatawag nilang battle ground. (Black Suit)

at napat*nga na lang ako ng malaman ko kung ano tong pinasok namin, meron palang ganito sa pilipinas,

Patuloy lang sa pagisplika yung si Agent Brent daw iba't ibang mission ang sumusubok sa mga myembro dito hindi lang sa pilipinas kung hindi sa iba't ibang panig ng mundo sekretong organisasyon ito na madalas tumulong sa gobyerno ng palihim.

Hide It ❤️ Feel It [Ara Galang - Mika Reyes] Where stories live. Discover now