Eleven

7.2K 133 1
                                    

Sinuklian nya agad ang halik ko pero agad din syang humiwalay.

"Uuwi na tayo." Sabi ni Renz ng hindi nakatingin sa mata ko.

"Ayoko pa." Matigas na sabi ko. Parang gusto ko ulit syang halikan.

"Kailangan." Mas matigas naman na sagot nya. Tiningnan nya ang paligid kung nando'n pa yung mga humahabol sa 'min pero mukhang wala na kaya hinila na ako ni Renz palabas.

"Ayoko pa. Nando'n pa sa loob si Bianca." Pagpupumiglas ko sa hawak nya sa braso ko.

Narating na namin ang parking lot at hindi pa rin ako nakakawala kay Renz. Nang makalapit kami sa kotse nya ay pinapasok nya ako. Hindi sya pumasok at may kinausap sa phone nya. Binaba ko ang bintana para makapakinig at malaman kung sino ang kausap nya.

"Hinahabol kami ng grupo ni Mike. Iuuwi ko na si Louisa." Sabi nya pero hindi ko pa din sigurado kung sino yung kausap nya.

"Hi—Hindi ko alam. Ba—Baka." Hindi ko naman alam kung bakit sya nauutal ngayon. Hinintay nya muna matapos magsalita ang kausap nya sa kabila bago nagsalita ulit.

"Kayo nang bahala kay Bianca. Iuuwi nyo na muna." Tinapos na ni Renz ang tawag at tiningnan ako ng diretso.

"Uuwi na tayo. Pumayag na ang kuya mo." Umikot na sya papunta sa seat nya. Tinaas ko na ulit yung bintana sa side ko. "Huwag ka na ding mag-alala kay Bianca. Ihahatid na sya ni Luke." Dugtong nya pagkapasok nya sa kotse.

Binuhay nya na ang sasakyan at saka nag-drive palayo. Ako naman ay hindi mapakali. Parang may gusto akong gawin. Naiinitan din ako. Pumikit ako para ikalma ang sarili ko kaso walang epekto.

"Bukas na ang..." Matagal bago nya sinundan ang sinasabi nya. "Bukas na ang alis mo diba?" Napatitig ako sa mga labi nya habang nagsasalita sya.

"Oo." Sabi ko at hindi talaga mapakali. Matutulungan ata ako ni Renz para mawala ang nararamdaman ko. Hindi ko alam, gusto ko syang halikan.

"Naiinitan ako." Sabi ko na lang at akmang tatanggalin ang suot ko.

"Anong ginagawa mo?" Medyo gulat pa ang tono ni Renz.

"Naiinitan nga ako." Medyo pasigaw na ang tono ko. Pagkasabi ko nun ay nakarinig ako ng sunod sunod na mura.

"Ininom mo ba ang ang inaalok nila?" Mabilis na sabi ni Renz na parang humihingi din ng mabilis na sagot.

"Oo. Ayaw nila akong padaan—"

"Hindi mo dapat ininom 'yon!" Sumisigaw na sya. "Alam mo ba kung anong laman nun? May halong pampaano." Humina naman ang boses nya sa huling salita nya.

"Kaya pala hinalikan mo ko kanina." Bulong ni Renz pero narinig ko pa din.

"Seryoso ako don." Sabi ko gamit ang seryosong boses at mukha. Napatingin sya sa 'kin pero agad nya ding nilipat sa daan. "Gusto ki—"

"I'm sorry. Hindi kita gusto, Louisa." Walang pagdadalawang isip na sinabi ni Renz. At masakit 'yon. Sobra. "Magkaibigan kami ng kuya mo. Kaya parang kapatid lang din kita."

Para na akong naiiyak sa mga sinasabi nya. Eh bakit parang nasobrahan ata sya sa pagka-sweet nya? Parang hindi kapatid eh.

"So lahat ng yun wala lang? Diba gusto mo tawagin kitang babe? Baby? Ano 'yon?" Sigaw ko dahil nasasaktan na ako.

"Sineseryoso mo ba lahat?" Tama na ang sakit na. Sa akin may meaning lahat pero sa kanya wala. Fuck. Ang tanga tanga ko.

"Bakit mo naman sinuklian ang halik ko kanina?" Tanga nga ako. Sa sinabi ko para akong nanghihingi ng pag-ibig sa kanya.

One Night Is EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon