Twenty

7K 115 2
                                    

Buong byahe walang nagsasalita sa 'min. Mabuti na din 'yon kaysa naman sungitan ko sya. Naiinis pa din kasi ako hanggang ngayon.

Nandito na nga pala kami sa harap ng gate. Ipapasok nya pa nga sana ang kotse nya kaso sabi ko huwag na.

"Baka magising sila Mom." Tapos malalaman nila. Syempre tatanungin din nila kung anong meron at bakit ako hinatid ni Renz ng ganitong oras.

Alam nya na naman siguro 'yon kaya hindi na sya umangal.

Binuksan ko na ang pinto at walang paalam na lumabas. Narinig ko din ang pagbukas at pagsara ng pinto sa side nya kaya alam kong sumunod sya sa 'kin. Binilisan ko ang lakad ko para hindi nya na sana ako mahabol kaso nahabol nya pa din talaga ako.

"Louisa." Malambing ang tonong ginamit ni Renz kaya hindi ko napigilang humarap sa kanya.

"Ano?" Medyo pagalit na sagot ko. Medyo na lang naman kasi talaga. Para kasing may humaplos sa puso ko at biglang nabawasan ang nararamdaman kong inis sa kanya nang marinig ko kung gaano kalambing ang boses nya. Parang gusto ko syang yakapin at halikan ulit.

"Sorry." Ayan na naman ang sorry nya. At bigla kong ngang naalala na hindi ko pa natatanong kung bakit sya nag-sorry kanina habang nasa kalagitnaan kami ng alam nyo na.

"Okay lang. Naiintindihan ko naman." Sabi ko at pinilit syang tingnan. Bigla akong nailang. "Bakit ka nga pala nag-sorry kanina habang nasa kalagitnaan tayo ng?" Tinaas ko yung balikat ko at nakuha nya naman yun agad.

"Ah yun ba..." Nagkamot sya sa batok bago ulit nagsalita. "Yung sa sinabi mo kasi." Napakunot ang noo ko.

"Diretsuhin mo na, Renz." Sabi ko dahil naiinip na din ako. Nabigla naman ako ng bigla nya akong hilahin palapit sa kanya at yakapin ng mahigpit.

"Nung umalis ka mas dumami ang mga babae ko." Sabi nya na hindi ko na masyadong ikinabigla. Hindi ako nagsalita kaya humiwalay sya sa yakap. Hinawakan nya yung mga kamay ko bago nagpaliwanag ulit.

"Nung umalis ka, hinanap hanap ko yung feeling habang nagse-sex tayong dalawa. I even fuck a girl na virgin din pero iba ka. Lust lang lahat ng 'yon, Louisa." Kahit hindi nya na masyadong ipaliwanag ay kuhang kuha ko na.

"Okay." Poker face lang ako kahit nasasaktan na ako sa loob loob ko.

"At ngayong nagbalik ka na, I promise, ikaw na lang." So gusto nya pa ng mas maraming rounds sa kama? Wow.

Tumango na lang ako. "Sige na, Renz. Inaantok na talaga ako." Halos makalimutan ko ang pagod ko na parang hindi ako ngayong araw dumating dito sa bansa.

"Ok. Magpahinga ka." He kissed me on the lips bago sinabi ang tatlong salita na nagpatulala sa 'kin.

"I missed you."

Sumakay sya sa kotse nya na may malawak na ngiti sa labi. Kahit wala na yung kotse sa harap ko ay nakatulala pa din ako. Hindi na naman ako nagulat sa paghalik nya sa labi ko. Mas higit pa nga ang kaya naming gawin dyan. Pero nang sabihin nya ang tatlong salitang 'yon ay kinilig talaga ako at nawala na lahat ng inis ko. Sisiguraduhin ko na lang na ipuputok nya 'yon sa tamang panahon.

Naglakad na ako papasok ng bahay. Dahan dahan lang ang pagpasok ko sa kwarto at baka may magising at mahuling bihis na bihis ako. Nagpalit na lang muna ako ng pantulog bago nahiga sa kama.

Ramdam ko ang pagod at sakit ng nasa pagitan ko pero hindi ako inaantok. Ang dami masyadong tumatakbo sa isip ko para makasingit pa ang antok na 'yan.

Lahat ng inis ko nawala dahil lang sa tatlong salita. Pero may selos akong nararamdaman. Kung umalis ba ako, ako lang yung gaganunin nya? Hindi na ba sya maghahanap ng ibang babae para lang mapunan ang pangangailangan nya bilang lalaki?

One Night Is EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon