Thirty-Nine

4.2K 72 1
                                    

Nag-unat ako pagkatapos ng ilang oras na trabaho. Nakapikit pa ako habang hawak ang batok ko nang maramdaman ko na nagvibrate ang phone ko na nakapatong lang sa mesa. Agad ko iyong kinuha.

Si Renz pala nag-text. Napanguso ako sa nabasa.

Kumain ka na, anong oras na. Mamaya pa ako.

Hindi na ako nagulat na ganun na naman ang sinabi niya. Gusto ko sana makabawi siya ngayon pero mukhang marami siyang ginagawa.

Dalawang linggo na ang lumipas matapos kong tuluyang sagutin si Renz. Sinabi namin agad iyon kina Mom at Dad na parehong natuwa sa ibinalita namin.

Ang unang linggo ay naging normal para sa aming dalawa. Kung ano lang ang ginagawa ng mga magkasintahan. Minsan nagsasabay kami ng dinner, may isang beses na pumunta sa bahay para don ulit kumain. Nang magweekend ay nagdate na halos hindi rin pala namin nagagawa noon dahil puro kami sa condo niya. Masasabi kong lalo akong naging masaya nitong mga nagdaang araw.

Nang pumasok ang ikalawang linggo ay dito nagsimula na maging busy kami pareho sa kanya kanyang trabaho. Ganito talaga siguro. Kaya nga nageexpect ako na sabay kami magdinner ngayong gabi pero mukhang hindi matutuloy yon.

Bitbit ang bag ay dumaan muna ako sa powder room para mag-ayos bago nagdesisyon na umuwi na lang. Iba na talaga ang buhay kapag nagtatrabaho na.

Pagkarating sa bahay ay hindi ako agad umakyat ng kwarto, dumiretso ako sa kusina at nagpahanda ng pagkain. Tapos na maghapunan sina Mom kaya mag-isa ako dahil medyo late na rin mula sa trabaho.

Hanggang sa lumipas ulit ang mga araw na naging busy pa kami pareho. May mga araw na ako ang pumupunta sa condo ni Renz para sumaglit at minsan naman siya dito sa bahay. Hindi rin pwede na tuwing hindi kami magkikita ay walang tawag sa gabi para kahit papaano ay magkwentuhan.

Nang sa wakas mukhang maaga makakauwi si Renz ay ako naman itong hindi pumwede. Kailangan ko makisama sa mga katrabaho ko sa pagkain sa labas dahil sa isang celebration.

Kumain at ngayo'y nag-iinuman na ang mga katrabaho habang ako ay nakaupo lang at busy sa pakikipagtext.

Siguro pwede ka na umuwi?

Hindi naman nga kasi ako iinom kaya ano pang gagawin ko. Sinaglitan ko ng tingin ang Head bago nagtipa ng reply.

Humahanap pa ako tyempo para mag-paalam.

Tumayo ako at nagpaalam na mag-ccr. Nahihiya ako magpaalam dahil ako rin yung katrabaho na agad ang uwi kung uwian. Kasundo ko naman sila pero may mas prioridad lang talaga ako. Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Hindi naman talaga ako magccr pero ngayon ako nakaramdam na naiihi ako.

Pagkatapos ay lumabas na  ako. Huminga ako ng  malalim. Hindi na ko didiretso sa upuan ko kaya dumiretso na ako kay Head. Sa kanya ako magpapaalam.

"Ma'am!" Pagtawag ko sa atensyon niya. Nasa kabilang table kami. Wala rin ako masyado kakilala sa table niya kaya hindi ko na pinansin ang ibang tao at nagpokus sa gagawin. "Mauuna na po ako."

Hindi yon tanong. Nagpapaalam na talaga ako. Wala na sila nagawa dahil mukhang desidido na talaga ako sa pag-uwi lalo at hawak ko na ang gamit ko. Sumaglit ako sa table namin at nakita na kulang kami. Nagvivideoke ata ang iba kaya kung sino na lang ang naabutan ko ay sa kanila na lang ako nagpaalam.

One Night Is EnoughWhere stories live. Discover now