Twenty-Six

3.9K 68 2
                                    

Dumating ang araw ng kasal ni kuya at ni ate Max. Ilang araw bago ang kasal ay nakilala ko na rin siya sa wakas.

Totoo nga ang sinabi ni mom na mabait si ate Max. Doon ko lang rin nalaman ang nangyari sa kanila. Nabuntis lang pala ni kuya si ate Max at magiging Tita na ko! Iyon talaga ang pinaka hindi ko mapaniwalaan.

Nalamaan ko rin na napipilitan lang si kuya sa mga nangyayari. Naiintindihan ko na kung bakit ganun ang asta niya kahit noong unang araw na nakita niya ko ulit ay parang hindi naman siya na-excite man lang, yun pala ang dami niyang iniisip. May mabigat na siyang responsibilidad sa kompanya at sa pamilyang bubuuin niya.

Sana lang magawa ito ng maayos ni kuya. Nag-aalala ako sa kanya kasi syempre kapatid ko siya. Ang tanging magagawa ko na lang ay suportahan siya sa sitwasyon na ito. Pinaramdam ko naman kay kuya Luke yon lalo na noong palapit na talaga ang araw ng kasal. Nginingitian ko siya sa tuwing mapapatingin siya sa akin at minsan kung may pagkakataon ay niyayakap ko siya. Natutuwa naman ako na inaasar niya ko tuwing ginagawa ko yon.

Maganda si ate Max. Bagay na bagay sila ni kuya! Tuwang tuwa ako dahil alam kong kasundo ko siya at hindi nagtagumpay ang Kathy na yon sa kuya ko. Buti na lang talaga at dumating si baby para mailayo siya sa bwisit na babae na yon.

"Isa pa?" Biglang bulong ng katabi ko.

"Huh?" Tanong ko kay Renz.

Kasalukuyang kaming nakahiga and yes, kakatapos lang namin. Kakatapos lang din ng handaan sa kasal at ito kami nauna pa sa kinasal na maghoneymoon.

"Sabi ko, isang round pa." Sagot ni Renz habang nakatingin sa mata ko. Kitang kita ang pagiging playful ng mata at ngisi niya. Nageenjoy siya ah?

"Ayoko! Nauna pa tayo maghoneymoon sa kinasal!" Sabi ko at akmang tatayo na sana. Agad niya kasi akong diniretso sa condo niya para rito.

Tumawa muna siya bago sumagot. "Nauna na rin ang honeymoon nila, Louisa."

Nabigla ako ng pinulupot niya ang mga braso niya sa baywang ko bago pa ko tuluyang makatayo. Sa pagkabigla ay hindi ako agad nakapalag kaya naikulong niya ako agad sa mga braso niya. Ramdam ko ang init ng katawan niya. Nag-init tuloy bigla ang pisngi ko.

Nakatalikod ako sa kanya habang nakayakap siya sa akin sa likod. Ramdam ko ang matigas na braso niya na nakapulupot sa akin. Siniksik niya rin ang mukha niya sa batok ko kaya medyo nakaramdam ako ng kaunting kiliti.

"R—Renz!" Medyo pasigaw kong sabi. Ano bang ginagawa niya?

"Kung ayaw mo edi cuddle na lang!" Narining ko pa ang mahina at maikling niyang tawa. Lalo akong nakiliti nang maramdaman ang hininga niya.

"Kailangan ko na atang umuwi." Sabi ko na medyo seryoso ang tono.

Hindi siya gumalaw. Wala rin ako narinig na kahit anong salita sa kanya at hininga niya lang ang tanging naririnig ko.

"Hey," sabi ko ulit sabay galaw ng balikat para makuha ang reaksyon niya. "Baka magtaka sila saan ako nagpunta."

Ngayon ko lang naisip na hindi kaya mahalata nila na pareho kaming wala ni kuya pagkatapos ng kainan? Shit!

Dahil hindi naman siya nagsasalita ay sinubukan kong kumawala sa kanya. Bigla namang humigpit ang yakap ni Renz sa akin.

Bigla akong nagpasalamat na nakatalikod ako sa kanya ngayon. Hindi ko alam pero iba ang epekto ng yakapan namin na ito. Lalo at hindi naman namin ito madalas gawin pagkatapos magsex. Marahan kong inangat ang kamay ko at tinampal ng mahina ang pisngi ko, pagbabaka sakaling kumalma siya.

"Hindi yan."

Halos mangisay ako sa bigla niyang pagbulong habang nakasiksik pa rin ang mukha niya sa bandang batok ko. Halos paos na boses pa ang ginamit niya kaya nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan.

One Night Is EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon