Chapter 8

36.2K 892 79
                                    

This is pure business.

Nothing more.

Iyon ang paulit-ulit na bulong ko sa aking sarili habang nagpa-parking ng aking sasakyan. Kung hindi lang dahil sa pangalan ng M&L hindi na ako sisipot ngayong araw na ito.

Huminga ako ng malalim.

Ngayong araw na ito ang simula ng interview ko kina Christian at Maggie.

Ilang ulit akong tinanong kanina ni Alice kung itutuloy ko ba ito o hindi pero umu-o ako at hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ko nakuha ang lakas para bumangon at gawin ang trabaho ko today.

Ayaw ko rin namang isipin ni Christian na hanggang ngayon napakahina ko pa rin, na hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang panindigan ang mga bagay bagay sa buhay ko.

Mapait akong tumawa.

I'm not going to run, haharapin ko sila at tatapusin ko ang trabaho ko sa kanila kahit wala si Alice sa tabi ko dahil sinimulan na rin nito ang wedding gown ni Maggie.

Kaya ko 'to though I felt exhausted without her pero kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa sa pagkakataong ito dahil kung hindi, ako lang din ang mahihirapan sa trabaho ko.

Matapos makapag-park, hindi na muna ako lumabas ng sasakyan. Nasa harapan na ako ng restaurant kung saan kami magkita kita at ngayon pa lang, parang gusto ko nang magpahigop sa kawalan. I can't believe this is really happening. Ni sa panaginip hindi ko naisip na darating ang araw na ito na isa ako sa aayos ng kasal ng aking ex-husband!

Mariin akong napapikit, hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang pagkikita namin kagabi. Hindi ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Para iyong sirang plaka na pauli-ulit kong nakikita ko sa aking isip. Kung paano niya ako hatakin papalapit sa katawan niya. A shiver steals over me as I remember the way he touched me last night, so confident, territorial yet soft and intimate. I realized, for the first time in years, how much I really craved him, how much I needed his touch and the feeling of being loved by him. My body and my soul were starving frenetic; I had this compulsive need to smell the scent of his tempting masculine skin. Closed my eyes. Magkahalong sakit at pagsisisi ang namayani sa puso ko.

Shit. Mahigpit akong napahawak sa manibela. I remember every word he said...that he misses me.

Napasinghap ako.

God.

Gusto kong umiyak sa harapan niya, sa harapan ng lahat ng mga tao at sabihin kung gaano ako nagsisisi sa nagawa ko noon, how sorry I am that I left the way I did, that I doubted our future. And that I have to save him in a very painful way. I wanted to tell him that I still love him and I'm willing to wait. Kasi kahit noon pa man, alam ko sa puso ko na umaasa pa rin ang bawat parte ng pagkatao ko na may babalikan pa rin ako dito, na may isang Christian pa rin na nag hihintay sa akin at handa akong tanggapin sa kabila ng sakit na dinanas niya sa mga kamay ko.

But I was wrong.

Naglaho ang lahat ng pag-asang mayroon ako kagabi. Dumating si Maggie, at kinuha niya si Christian sa mga bisig ko. I felt sick thinking about it. God knows how much I wanted to hold on to his words that he misses me but when he let go of me at agad na inalalayan si Maggie na para bang bigla niya akong nakalimutan I was slapped in the face. Big time. Naiwan akong nakatayo lamang doon. Tuluyang nagsibagsakan ang aking luha.

His Beautiful Revenge (The Annulment Book II)Where stories live. Discover now