Chapter 40

30K 743 123
                                    

Ilang minuto akong nakakulong sa mga bisig ni Christian na para bang ayaw ko nang matapos ang mga sandaling ito. We're sitting on the floor, nakasandal siya sa paanan ng kama habang nakasandal naman ang ulo ko sa dibdib niya. Ang lakas ng tibok ng puso niya, kahit wala siyang sinasabi alam kong natatakot siya. Alam kong ang daming naglalaro sa isip niya ngayon. Pero masyadong mabigat ang bawat laman ng aming mga puso't isipan na hindi namin halos mailabas iyon sa aming mga bibig. Tumutulo ang luha ko. Aalis na kami bukas pero pakiramdam ko hindi ko kayang umalis. Hindi ko siya pwedeng iwan dito, hindi ko pwedeng gawin ulit ang kasalanang naging dahilan kung bakit kami naririto ngayon.

"Bakit ganoon? Bakit kailangan nating pagdaanan 'to?" Pabulong na tanong ko. Ang dami kong katanungan. Marami akong gustong malaman. Gusto ko namg kasiguraduhang sa huli lulubayan na kami nina Maggie.

Hindi siya sumagot. Bumangon ako mula sa pagkakasandal sa dibdib niya.
Tumingin siya sa akin. His tie loosen. Punong-puno ng kalungkutan ang malamlam na mga mata ni Christian. He's tired. He's lonely. Nasasaktan siya pero pilit na napapakatatag.

Matagal kaming natitigan na para bang binabasa namin ang isip ng isa't-isa.

"Hindi ko kaya..." I said. I looked down and shook my head. Tears falling on the floor. "Wag mo na lang siyang pakasalan, please..."

"Para mo na rin hiniling na patayin ko kayo."

Galit akong tumingin sa kanya. "Kung nakakamatay lang yong sakit na nararamdaman ko ngayon, matagal na akong namatay. Ano pa ba ang pinag kaiba doon?"

"Janna please. We're done talking about this."

"Sa tuwing naiisip kong ibigay ka kay Maggie, sa tuwing naisiip ko kung anong pwedeng mangyari kapag pinakasalan mo siya, para akong mamatay sa sobrang sakit Christian. Hindi ako makahinga. Hindi ko kayang iwan ka dito. Ayaw kong iwan ka. Ayaw kong isuko ang tayo para lang sa kaligayan ng iba kaya parang awa mo na, sumama ka na sa amin bukas."

Frustrated niyang isinandal ang ulo sa kama. He pressed the sides of his eyes.Ilang segundo siyang ganoon hanggang sa ibinalik niya ang mga mata sa akin.

"I can't." He said. Nanghina ako. Ilang ulit ko na iyong narinig sa kanya pero sa tuwing naririnig ko iyon, masakit pa rin. "Hindi pwede, Janna. I don't wanna risk -"

"Yes." Tumayo ako at kinuha ang aking telepono na nasa ibabaw ng kama. "I'll book you a ticket. Sasabay ka sa amin sa San Francisco bukas. Sa amin ng anak mo, Christian."

Tumayo siya. "Are you serious?" He's abit furious pero nanatiling kontrolado niya ang sariling emosyon. "Baby, please listen to me..." Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko. "Sandali lang 'to. Susunod ako sayo sa San Francisco. I promise susunod ako."

Pinahid ko ang pisngi at umiling. "Do you think they'll let you go that easy, huh? Paano kung hindi na? Paano kong hindi ka na pakakawalan ni Maggie at ni Tito Albert? Paano ako? Paano kami ng mga anak mo? Para mo na rin akong pinatay kapag nangyari yon, Christian." Itinulak ko siya. "and you want me to wait for you?"

Bumuga siya ng hangin. "What do you want me to do, Janna?"

"Sumama ka sa akin bukas!Aalis tayo dito! Magpakalayo-layo tayo!"

"Tangina." Agad siyang tumalikod.

"Mahal na mahal kita and I'm going to fight. I'm going to for you kahit anong mangyari. Gagawin ko yong bagay na hindi ko nagawa noon, Christian. Please hayaan mo akong gawin 'to. Please..."

Humarap siya sa akin. Namumula ang mga matang napatitig siya sa akin.

"Baby...Janna hindi mo ba naiintindihan ang sitwasyon?"

His Beautiful Revenge (The Annulment Book II)Where stories live. Discover now