Chapter 22

32.4K 804 51
                                    




Nagising ako sa mabigat na bagay na nasa beywang ko. I opened my eyes and saw Christian lying next to me, his hand around my waist, and the other one was supporting my neck, my head pressing softly on his throat, my body was so close I could feel everything. The heat, his heartbeat against my chest. Oh this is so heavely beautiful. Saka ko naalalang sa unit ko pala nakatulog si Christian. Sobra akong apektado sa nangyari sa amin ni Alice kahapon kaya hindi niya ako maiwan-iwan. Pakiramdam ko lalong gumulo ang lahat kahapon pero lahat ng takot nawala ng dumating si Christian sa unit ko. Nag-angat ako ng mga mata at maiiging pinagmasdan ang mukha niya. He still was as handsome as he was when he was awake. At kahit nakapikit siya, sapat na ang mukha niya para mawala ang lahat ng sakit at pangamba sa puso ko. Aaminin kong natatakot pa ako sa magiging reaksyon ng ina ko kapag nalaman niya ang tungkol sa amin ni Christian. Pero alam kong maiitindihan ako ni Mama Agnes. Lalo na kapag sinabi ko sa kanyang bubuohin namin ni Christian ang pamilya namin sa America. Kagaya ko, wala ring ibang hiniling ang ina ko kung di ang maging masaya ako. I sighed and smiled. Kinantalan ko ito ng halik sa labi bago bumangon. Inabot ko ang roba na nakasabit sa towel hanger at isinuot iyon. Dumerecho ako sa bathroom para maghilamos at masipilyo. Pagkatapos ay bumaba rin ako agad para makapagluto. Mabuti na lang at may ilang pork and beef pa akong nakastock sa fridge. I wanted to cook something different today. Ilang araw din kaming puro isda sa Isla Palu kaya gusto kong magluto ng beef steak.

Kaagad kong inilabas ang baka sa fridge at ibinabad sa tubig. First time kong ipagluto si Christian kaya medyo kinakabahan ako. Tumingin ako sa orasan na nasa ibabaw ng refrigerator. It's almost six o'clock in the morning. Binilisan ko ang kilos dahil alam ko maagang nagigising si Christian. Shit. Marunong naman akong magluto pero bakit parang hindi ko na alam ang gagawin? Napakamot ako ng ulo.

"My God Janna! Beef steak lang 'to!" Sita ko sa sarili saka napailing. Kailangan kong i-research kung paano magluto ng beef steak dahil ayaw kong magkamali. Umakyat ako pabalik ng kwarto para kunin ang cellphone ko. Ayaw kong magising si Christian kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto. I wanted to surprise him with my cooking skills. Kahit medyo dadayain ko ng konte sa pamamagitan ng Google.

"So what's the problem?"

Natigilan ako sa may pinto ng marinig ang galit na boses ni Christian.

"Then tell him na utos ko, ano bang problema dun?" Matigas na sabi nito.

Mukha ngang galit ito kaya ipinasok ko ang ulo sa bahagyang nakabukas na pinto. Nakatalikod siya mula sa akin habang may kausap sa cellphone niya. He was standing in front of the glass window wearing only a pair of boxer briefs. I gulped. Damn his sexy back. My eyes dropped lower and stared at his perfect ass in front of me. Well, ilang ulit ko ng nahawakan iyon, ilang scratch na ang ang nagawa ko sa parteng iyon ng katawan ni Christian pero habang tinitignan ko siya, hell I just can't get enough!

"Just do it now, Helen. Do it now." He shouted saka ibinaba ang telepono. I flinched. Ganoon na lamang ang paninigas ko ng lumingon siya at nakita akong nakasilip sa pinto.

His face was so red. But his eyes looked worried as he stared back at me.

Nagdadalawang isip akong pumasok pero ginawa ko. "S-sorry, hindi ko sinasadayang makinig. Are you okay? May problema ba?"

I saw his adam's apple moved. Lalong gumuhit sa mukha nito ang pag-aalala habang pinag-aaralan ang mukha ko.

Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang mukha niya. "What's wrong?"

He looked down at me and searched my face. He was looking for something na hindi ko maitindihan kaya lalo akong nag-aalala.

"Baby, what's wrong?" I asked him again.

His Beautiful Revenge (The Annulment Book II)Where stories live. Discover now