Chapter 24

31.5K 899 105
                                    

My brain barely registered anything.

I lay shaking on the floor.

Crying silently dahil ayaw kong magising ang anak ko at makita niya kung gaano ako kahina. There's so much in my head. Ang daming katanungan na pakiramdam ko sasabog na utak ko. I needed answers. I fucking need them now. My hands gripped my phone with urgency, willing to call him again. I want this to be a mistake. Na baka hindi lang niya nasabi sa akin na umuwi na si Maggie or maybe that was his way of telling her about me, about us. Baka mali ang narinig ko. Baka...Shit. I pressed my lips tightly trying so hard not make any noise. A little anger pushed through the shock, sapat na para maglakas loob akong tawagan siya ulit. Kailangan makita ni Christian si Ulap at gagawin ko ang lahat para mangyari yon.

It was a heart-stopping move. Lahat pwedeng mangyari sa ginawa kong pag-tawag ulit sa kanya pero ano man ang magiging resulta ay handa akong harapin iyon. Hindi nga lang ako sigurado kung kaya kong hindi siya bawiin kay Maggie. Pamilya ko ang nakasalalay dito, kaligayan ng anak ko ang ipinaglalaban ko kaya kung ano man ang mga sagot sa lahat ng tanong na nasa isip ko, babaliin ko ang lahat ng iyon para sa anak ko.

Nasapo ko ang bibig habang pinipigilan ko ang humagulgol. Tears streaming down my face and I'm scared as hell. His phone rang. My heart was beating so hard I thought it was going to tear right through my chest, my breathing was so fast I was at a point of hyperventilation. Pero kinalma ko ang sarili. Kailangan kong maging handa sa kung ano man ang kalalabasan nito. Ilang ring pa ang narinig ko hanggang sa tuluyan nang naputol ang linya.

I could feel my whole body tightening. I wanted to cry my heart out. Pero pinigil ko kahit sobrang sakit na dahil ayaw kong magising si Ulap at makita akong wasak na wasak. Kailangan kong magpakatatag para sa anak ko. Kung totoo man ang nasa isip ko, kailangan kong lumaban, kailangan kong bawiin si Christian kahit kamuhian ako ni Maggie at ng buong mundo. Ayaw kong maulit nanaman ang nangyari noon na hinyaan kong matalo ako ng takot at walang ginawa kung di ang tumakbo at isuko siya. Hindi ko na hahayaang mangyari yon.

Huminga ako ng malalim at tumayo. Nangangatog pa rin ang mga tuhod ko pero tinatagan ko ang sarili. Pinahid ko ang luha at lumapit kay Ulap na mahimbing na natutulog. I fought my tears away. Pero hindi rin naglaon ay tuluyang nagsibagsakan ulit ang mga luha sa aking mga mata habang nakatingin ako sa anak ko. Magiging mahirap ito pero alam ko kakayanin ko 'dahil kasama ko si Ulap, at gagawin ko ang lahat para sa kanya.

"So do you want me to go with you later?" Narinig kong tanong ni Kyle sa akin. Wala sa sarili akong nakatingin sa labas at pinapanood ang mga sasakyang dumadaan habang hawak-hawak ang daliri ko kung saan nakalagay ang wedding ring na ibinigay ni Christian sa akin.

"Are you okay?" Untag niya.

I turned my face at him. Salubong ang mga kilay nito habang natingin sa akin. My head was so foggy, and I felt as if I were floating in another world. Alam kong kanina pa niya ako kinakusap, tungkol sa pagpunta ko mamaya sa San Rafael para ayusin ang problema namin sa lupa doon, pero hindi ko na alam kung anong nangyari at bigla na lamang nawala sa isip ko ang pinag-usapan namin. Ni-isa sa mga sinabi niya walang pumasok sa utak ko.

"Mommy! I want this one!" Ulap was running to our table. Hawak-hawak nito ang sample picture ng cake na nakamold sa mukha ni Sponge Bob, ang paborito niyang cartoon character. Saka ko naalalang nasa pagawaan kami ng mga cake para pumili ng magiging cake niya sa papalapit niyang kaarawan. Para akong sinampal ng malakas at nagising. Shit.

Agad akong tumayo at umupo sa harapan ni Ulap. Nilabas ko ang pinakamatamis kong ngiti at tinignan ang hawak niya.

"Wow, I like this one too." Pilit kong pinasigla ang boses.

His Beautiful Revenge (The Annulment Book II)Where stories live. Discover now