Chapter 34

37.6K 1K 119
                                    

"Please..." I whispered against his lips. Hindi ko alam kung para saan yon pero gusto kong magpatuloy siya. Kahit malunod ako sa mga halik niya wala akong paki-alam wag lang siyang tumigil. I wanted more kaya mas lalo kong idiniin ang sarili sa matigas niyang katawan. He gently pushed me away but I grabeed his neck kaya nasama siyang napaatras sa akin. Naramdaman ko ang malamig na semento sa aking likuran. Palihim akong napangiti, he couldn't pushed me now. Ginamit ko ang pagkakataon iyon para mas lalong magkadikit ang aming mga katawan.

"Christian please..." I moaned. Dammit! Hormones ba ito o talagang nababaliw na ako ngayon?

I lowered my lips. Licked his neck, kinintalan ko siya ng ilang halik roon pero nasa control pa rin talaga si Christian. Bahagyang niyang inilayo ang mga labi sa labi ko. Namumungay ang kanyang mga mata. Lalo lamang uminit ang katawan ko nang makita ang pagnanasa roon. Ang nakakalasing niyang hininga ay tila isang gayumang nanuot sa kaibituran ng pagkababae ko. Shit.

"We can't..." He said. Kumunot ang noo ko. Ang nagbabagang apoy sa loob ko ay binuhusan ng malamig na tubig nang marinig iyon.

He pulld back a little. His face was so tense for moment.

I bite my lower lip and laughed. I waited for 8 hours. At ito ang sasabihin niya sa akin? Tangina. I looked down. I expected to much tonight. Kasalanan ko rin naman. Tensyonado lang siguro ako kaya gusto ko siyang makasama ngayon.

"Ang mabuti pa ay magpahinga ka na. Bukas na tayo mag-usap." Mahinang sabi niya. Parang akong matutunaw sa hiya. Ipinakita ko lamang kung gaano ako kahina pagdating sa kanya. Kita namang pagod pinilit ko pa talaga, kaya ito napala ko. At isa pa, hindi pa namin naayos ang tungkol sa amin. Iniiwasan lang siguro ni Christian na magiging kumplikado ang lahat. Tumalikod na ako dahil ayaw kong makita niya ang namumula kong mukha. Kailangan kong kontrolin ang sarili kong emosyon kung ayaw kong mapahiya ulit.

"Okay." Tanging iyon lamang ang nasambit ko. Hindi na ako humarap sa kanya. Baka maiyak lang ako ulit.

"Can I sleep here?" Aniya. Napalunok ako at hindi agad nakasagot. Hindi ko siya nilingon baka bigla kong sabihing 'Oo'. Nakagat ko na lamang ang pang ibabang labi. I swear pinigilan ko ang sariling hindi tumango pero nabigo ako. Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga.

"I'll take a shower na muna..." Aniya. Muli akong napalunok. Hindi na ako nakapagsalita nang nakita siyang pumasok na sa loob ng shower room. Mahina akong nagmura.

Hello kasal kayo. Eh ano naman ngayon?! Anas ng isip ko. I shook my head. Hindi naman siguro masama kung gusto niyang matulog rito.

Ilang minuto pa ay narinig ko na ang rumaragasang tubig mula sa loob ng banyo. Napatitig ako sa pinto ng banyo ng ilang minuto saka umiling-iling. We are all tired. I'm tired and he's obviously very tired. Kung ano man gustong gawin ng hormones ko with him kailangan kong pigilan yon.

I sighed. Masyado lang siguro akong napagod. Tama siya, bukas na dapat namin pag-usapan ang lahat. Bukas na rin niya makikita si Ulap. Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung paano at ano ang magiging reaksyon ni Ulap kapag nalaman niyang hindi ko siya ginawang mag-isa. Naalala ko nung four years old siya, he asked me how babies were made? Shit. I wasn't prepared at that time kaya ang laking tanga ko sagot na nabuo siya sa puso ko at bumaba sa tiyan ko. Tangina. Ganoon ako ka selfish na ipagkait siya kay Christian noon. Ganoon ako katangang itago siya sa mundo. Looking back, I ruined everything. Kung ipinaglaban ko sana siya kay Rona noon, siguro buo kami ngayon. Siguro masaya kami ngayon. Hindi ko siya masasaktan, hindi niya rin ako masasaktan.

"You're still awake?" Untag ng boses ni Christian. Una kong nakita ang basa niyang mga paa. I gulped and looked up slowly. Halos maubusan ako ng hininga nang makita siyang walang ibang saplot maliban na lamang sa puting tuwalyang nakabalot sa pang-ibabang parte ng katawan niya. Water dripping off his muscle. Ang bawat butil ng tubig na galing sa magulo niyang buhok ay tila sumisigaw na kailangan ko silang pahirin, patuyuin. Muli akong napalunok kasabay ng pagbaba ng mga mata ko sa matitigas niyang abs. Ilang mura ang ginawa ko lalo na nang pumasok sa ilong ko ang sabon na ginamit niya.

His Beautiful Revenge (The Annulment Book II)Where stories live. Discover now