Verse 4

2.4K 177 9
                                    

Maine slept late.

Tumuloy muna siya sa bahay ng Tita niya sa Manila nang gabing iyon, dahil mas malapit ito sa condominium na nakita nila ng kaibigan niyang si Patricia. Plano niyang asikasuhin ang mga papeles bago niya sunduin si Patring kinabukasan-- pero, ayun nga, late pa rin siya nakauwi. Bukod sa traffic, dinaldal pa siya nang dinaldal ng pinsan niyang si Noreen na naging karoommate niya ng gabing iyon.

Marami itong tanong gaya ng may boyfriend na daw ba siya (wala), malamig ba sa New York (kapag autumn at winter lang), anong feeling ng sikat sa social media (keri lang), mamemeet daw ba niya si Patring (oo, uuwi din siya ng Pilipinas). May iba pa siyang tanong pero nakatulog na si Maine sa pagod.

Yung social media na tinutukoy niya, vlogger kasi si Maine. As in, video blogger. Minsan mga travelogues yung pinopost nila ni Patring, minsan food hopping, minsan love advices sa mga nagtatanong. Meron silang mga special week segments din like FriDares and Sunday Expose. Yung Wednesdays nila, All About Pag-Ibig. Nakakatuwa rin, kasi marami-rami ang nag-aabang ng videos nila.

Bright kasi si Patring, at malakas naman ang topak ni Maine-- swak na swak para sa mga bored.

That video thing helped her too. Now, makapal na ang mukha niyang humarap sa camera.

Sumunod na umaga, ayun, kinailangan ni Maine na gumising ng maaga. Bukod sa condo nila ni Patring, inaasikaso niya rin ang binili nilang pwesto para sa cupcakery nilang dalawa.

Pagkatapos maghilamos, dumiretso si Maine sa kusina para magluto ng noodles. Habang nakasalang ito, kinusot niya ang mata at kumurap nang makarinig ng ingay. Pagpunta niya sa sala, na pinanggagalingan nito, nakita niya si Noreen na nanonood ng TV. Hindi niya napansin na wala na ito sa kwarto kanina.

"Oy, Noreen, ang aga mo naman ata magising?" Tanong niya. "Wala pang alas siyete ng umaga ah."

"Ha? Ay, good morning ate Menggay! Ano kasi, may interview yung paborito kong singer sa Unang Hirit. Ikaw, ate, bakit ang aga mo magising?"

"Ah, may lalakarin kasi ako," sagot ni Maine, tsaka naalala ang niluluto niya. "Teka, kunin ko yung noodles. Gusto mo ba?"

"Wag na ate. Hindi pa gising taste buds ko. Ikaw na lang."

"Sige, sabi mo eh," Maine shrugged and headed back to the kitchen. She carefully pouted the contents on a bowl and brought it to the living room. Ayaw niya kasing kumakain ng walang kasama.

Nilapag niya ang mangkok sa lamesita at umupo sa sahig, tsaka kumutsara ng sabaw. Napangiti siya dahil biglang tumili ang pinsan niya, kaya mapang-asar siyang tumingin dito. "Sino ba yang inaabangan mo? Baka maihi ka naman niyan sa kilig."

"Nako ate, makikita mo! Mapapanganga ka dahil ang gwapo niya talaga! At hindi lang yun, talented pa! Shi-- ate! Ayan naaa!"

"--at siyempre, kasama natin ngayon, the Prince of Serenades, none other than, Alden Richards!"

Naibuga ni Maine lahat ng hinihigop niya nang makita ang isang lalaking biglang nagpakita sa TV. Matangkad ito, maputi, at may dimple kung ngumiti. She couldn't believe her eyes, that she followed his every move, from the way he smiled to the way he sat down and shook hands with Arnold Clavio.

Tumaba man siya, lumaki ang katawan, nagmature ang itsura, kuminis ang mukha, makikilala siya ni Maine kahit saan.

"No way," she murmured, her heart in her mouth. "No freaking way."

"Hi Alden! Kamusta ka na? Buti nakabalik ka dito," ngiti ni Mr. Clavio.

"Ayos naman po, tay. Masaya po ako't nakabalik ako. Hello po sa lahat ng audience tsaka lahat ng nanonood ngayon," the camera focused on him, and he smiled, making the live audience squeal.

Melodious Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon