Refrain 3

1.8K 144 6
                                    

Recap:

Maine found out that her missing notebook is in RJ's hands.

***

"Ayiiiieeee! Destiny!" Malakas na tili ni Valeen. Agad siyang nakurot ni Maine sa pisngi. "Ayan ka na naman! Ang ingay mo!"

"Aray ko naman," hinimas ni Valeen ang pisngi niya pero hindi pa rin mawala ang mapang-asar na ngiti sa labi nito. "Pero aminin, kinilig ka. Sa dinami-dami ng pwedeng makapulot, siya pa."

"Malamang siya yung makakapulot kasi siya yung humahabol sa atin nung tumatakbo tayo," pambabara ni Maine. "Alam mo ikaw, tigilan mo yung kakapanood ng mga romcom ah? Pumapasok sa utak mo eh."

"Asus, parang hindi ka mahilig sa romcom. Pero Menggay, seryoso nga, bakit di ka nagreply nung tinanong pangalan mo? Bakit di ka magpakilala?"

"Nakatulog na nga kasi ako nun."

"Maniwala ako sa'yo," inirapan siya ni Valeen. "Ang sabihin mo, ayaw mo magpakilala kasi kapag alam niya na kung sino ka eh di alam niya na rin kung paano ka pupuntahan. Tapos wala na kayo agad dahilan para maging textmates. Aww, sad."

Napatitig na lang si Maine sa kaibigan, bago umiling at sinamaan siya ng tingin. "Kaya ko siya i-text at sabihin kung sino ako. Nakatulog lang talaga ako kagabi. Wag ka ngang imbento." 🎵

Melodious Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα