Fourteen

1.8K 56 0
                                    

7:20am.

"Mary Jane," napapitlag naman ako ng may narinig akong tumawag sa akin. "Kung buhay lang yang kape, kanina pa yan nahilo at gugustuhing masuka. Kanina ka pa halo nang halo." napatingin naman ako kay ate.

"Sorry," ani ko at tinigilan na ang paghalo sa kape.

Narito kami ngayon at nag-aagahan. Maaga pang umalis si Aunt Melissa. Ika nga namin ni ate ay wag lalabas ng bahay dahil sa mga nangyayari ngayon. Dahan dahan naman akong humigop sa kape. Halos hindi ako nakatulog dahil sa ingay. Ingay na nagmumula sa mga ungol ng werewolves at iba pa. Napapikit nalang ako. Naramdaman ko naman ang pagtayo ni ate dahilan para mapadilat ako. Pinagmasdan ko lang sya habang lumalakad patungo sa lababo.

"Ibang klase talaga itong lugar na ito, ano? Hindi ako pinatulog kagabi." rinig kong wika ni ate Anna. Bahagya akong napangisi.

"Ako nga rin eh. Kaya siguro lutang ako ngayon." wika ko. "Ate," tawag ko sakanya at napatulala.

"Hm?" tanong nya.

"Ano yung coyote?" tanong ko sakanya. Ewan. Simula kahapon hindi na maalis sa utak ko yun. Gustong-gusto ko malaman. Rinig ko naman ang mga hakbang ni ate. Nakita ko nalang sa peripheral vision ko na binuksan nya yung ref.

"Hindi ka naman siguro bingi? Malinaw naman siguro yung sinabi ni Madame Catherine kahapon." ani nito. Napakurap naman ako. Humigop nalang muli ako ng kape.

Muli nanaman akong lutang. Napabalikwas naman ako ng may marinig na sasakyan. Kay Aunt Melissa iyun. Napansin kong lumakad si ate papunta sa pinto. Ganoon rin ang aking ginawa. Nang nasa labas na kami, nakahinto na ang sasakyan sa loob.

"Aunt Melissa," nakangiting tawag ni ate. Bumaba ito sa sasakyan. Bahagya akong ngumiti.

"Kumain na ba kayo mga, iha?" tanong nya. Tumango kami ni ate. Nauna na akong pumasok sa loob. Dumiretso ako sa kusina at inubos na ang kape.

Nakita ko naman na sumunod sila sa loob. Pinagmasdan ko lang silang dalawa. Nang mapansin kong titingin sa direksyon ko si Aunt Melissa, agad akong naglihis ng tingin. Inilagay ko na sa lababo ang tasa at hinugasan iyun.

"Akyat muna ako." wika ko ng matapos na sa paghuhugas. Hindi ko na rin hinintay pa ang sasabihin nila.

Habang umaakyat sa hagdan ay hindi mawala sa isip ko tungkol sa coyote at Hierarchy Dawn. Hindi ko nalang namalayan na nasa tapat na pala ako ng kwarto ko. Ako'y pumasok at dumiretso sa kama. Napabuntong hininga nalang ako.

"Tulong! Tulungan nyo po ako!" napatayo naman ako ng may narinig na sumisigaw.

Dumiretso ako sa bintana at sumilip sa baba. May nakita akong babae na puro dugo ang damit at binti nito. Patakbo akong lumabas sa kwarto ko at bumaba. Pagkababa ay palabas na ng bahay sina Aunt Melissa at ate Anna. Dali-dali narin akong lumabas.

Nang nasa gate na ako bahagya akong napahinto. Para akong maiiyak sa nakikita ko. Ang dami nyang dugo. Pansin ko rin na wala na yung kaliwang kamay nya, tila ba'y naputol ito. Napatakip nalang ako ng bibig gamit ang mga palad ko.

"Anong nangyari sayo, iha?" halos mangiyak-ngiyak na tanong ni Aunt Melissa. Nilihis ko ang tingin sakanya.

"Tulungan niyo po ako." wika nung babae. Napansin ko naman na maraming nagsilabasan sa kani-kanilang bahay. Nakita ko rin ang paglabas nila Luke at Greg. Lumapit naman sa akin si ate.

"Grabe yung nangyari sakanya." sambit nito. Muli kong tinignan yung babae. Umiiyak sya.

Ilang sandali pa ang inantay namin. Kinakausap lang sya ni Aunt Melissa at ng iba pang kapitbahay namin. Napahinto naman ang lahat ng dumating na ang Police department at ang ambulansya. Pinagmasdan ko lang kung paano sya inalalayan ng mga nurses.

Life begins at Night (EDITING! DONT READ YET!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon