Twenty-six

1.2K 45 1
                                    

8:30am.

"Aray!" daing ko pagkagising. Bahagya akong napahawak sa ulo ko. "Aray! Putang—"

"Inom pa kasi." pabigla akong napatingin sa pinto. Nanlaki ang mga mata ko ng may makitang lalaki na nakatayo sa pinto. Pabalikwas akong umalis sa kama.

"Hoy! Anong ginagawa mo dito sa apartment namin!" sigaw ko. "Aray." bulong ko at napahawak sa nabibiyak kong ulo. Ang sakit.

"What? Apartment nyo? Miss, balak ko sanang magtapon ng basura kagabi kaya lang bigla kang bumagsak sa harap ko. Bakit ka ba nasa tapat ng unit ko?!" saad nya. Napanganga naman ako. Hinawi ko yung mga buhok kong nakaharang sa mukha ko. Napatakip nalang ako sa bunganga ko.

"Talaga?!" sambit ko. "Anong unit ba 'to?" tanong ko at kinuha yung leather jacket kong pula.

"12th floor: 162." madiin nyang sagot. Napanganga akong muli.

"Pasensya na po talaga." sambit ko at lumapit sakanya. Gumilid naman sya para makalabas ako ng kwarto. Naglakad ako papuntang pinto habang syang nakasunod sa akin. "Salamat na rin." dagdag ko pa at binuksan yung pinto nya.

"Nakakahiya ka!" sigaw ko sa sarili ko. Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa elevator. Napahilamos nalang ako ng mukha gamit ang kaliwang palad ko.

"San ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap ni Auntie!" bungad sa akin ni ate Anna pagkabukas ko ng pinto. Napakagat labi ako. Lumapit ako sakanilang dalawa na ngayo'y nakaupo na para mag-agahan.

"Kumain ka na rin, iha." sambit naman ni Aunt Melissa. Umupo ako at agad na uminom ng kape.

"Teka, bakit? Amoy alak ka!" halos maidura ko naman yun kapeng iniinom ko ngayon. Tumingin ako sakanya. "Lintik na yan!" sigaw nya pa.

"Anna, nasa harap ka ng pagkain." kalmadong wika ni Auntie.

"Sorry po." sambit ko at napayuko nalang.

"Mag-uusap tayo mamaya." cold na sambit ni ate Anna.

Tahimik lang kaming nag-aagahan. Minsan ninanakawan ko ng tingin si ate. Kita sakanya ang bwisit na mukha. Napabuntong hininga nalang ako.

Napahinto naman ako ng maalala ang kagabi. Nakakahiya naman yun. Nakitulog ako sa ibang unit. Putakte! Napasapo ako sa sentido ko habang hinahalo yung kape. Malilintikan sa akin si Maddi. Sabi kasing Margaritas eh.

"Maiwan ko na muna kayo. Mag-aayos na ako." sambit ni Aunt Melissa at tumayo na. Pinagmasdan ko lang sya hanggang sa makapasok sya sa guest room.

Napalunok naman ako pagkatingin kay ate Anna. Nakatitig kasi sya sa akin. Face palm, emotionless. Hindi ko alam pero mas mabilis yung pintig ng puso ko kaysa sa kasalukuyang pintig ng ulo ko. Parang ginigiba yung ulo ko.

"Ano bang nangyayari sayo?" seryoso nyang tanong. Inilihis ko ang tingin. Ano ba dapat sabihin? Marahan akong napabuga ng hangin.

"Ate, wala. Namiss ko lang talaga yung lugar natin." sambit ko. Diyos ko, para akong kriminal sa nangyayari ngayon.

"Mary Jane," napatingin ako sakanya. "Sabihin mo lang kung anong problema?" tanong nya at ipinatong ang mga kamay sa lamesa. Napakagat labi ako.

"Homesick lang 'to. Namiss ko lang yung dating buhay ko." sagot ko sa tanong nya.

I miss how it used to be. I miss how my life turns.

Napansin kong nabigla sya sa sinabi ko. Well, hindi naman talaga yun ang dahilan eh. Napapikit sya ng mariin at napabuntong hininga.

"Okay. Naiintindihan ko." saad nya at ngumiti. "Magbihis ka na. Aalis na tayo mamaya." tumayo sya at inayos ang mga napagkainan namin. Napakunot noo naman ako.

Life begins at Night (EDITING! DONT READ YET!)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang