Thirty-nine

1.2K 38 0
                                    

8:21am.

Tatlong araw ang nakalipas. Tatlong araw may nagbago. Matapos malaman ng lahat ng nasa mansion na ako ang Luna? May ibang mga kasambahay na hindi na gaanong nakikisalamuha sa akin. Dahil para sakanila, hindi tama yun.

Pero, may mga ibang kasambahay na hindi pa rin nababago ang turing sa akin. Lalo na sila Alice at Betty, pati na rin si kuya Lucas. Kahit si Senior Mauricio ay hindi nagbago sa pakikitungo sa akin.

"Tara na, bruha." singhal sa akin ni ate Anna. Tinignan ko naman sya na ngayo'y inilalagay na sa compartment ng sasakyan yung mga gamit namin.

Ito na kasi ang araw na uuwi ako, uuwi kami. Nakakalungkot nga't wala si Sebastian ngayon. Nasa kakahuyan raw sila kasama ang iba pang rankers, Royal Bloods actually. Kaya nama'y si Butler Marcus ang maghahatid sa amin pauwi.

"Ay, saglit. May kukunin lang ako sa loob. Nalimutan ko." sambit ni ate Anna at patakbong pumasok sa loob ng mansion. Napailing nalang ako. Hindi na nahiya. Kung makatakbo akala mo bahay nya.

Napadako naman ang tingin ko sa isang bukas na balkonahe. Alam na alam ko kung kaninong balkonahe iyan. Napangiti nalang ako. Miss ko na sya agad kahit mahigit labing-limang minuto palang ang nakalipas ng huli ko syang nakita.

Siguro nga ito ang tinatawag nilang Soulbond. Hindi ko mapigilan na hinding ngumiti ng maalala yung kahapon; Spiritual marriage. Para tuloy kaming mag-asawa. Napapikit nalang ako at napakamot ng pisngi. Ang landi ng utak mo, Mary Jane. Bulyaw ko sa sarili ko.

"Iha," napabalikwas ako ng makita si Catherine na papalapit sa akin.

Medyo nakaramdam ako ng kaba at awkward. Bahagya akong nag-bow upang magbigay galang sakanya ngunit agad nito akong pinahinto.

"Naku, huwag mong gawin yan." napakunot noo naman ako. "Ako dapat ang nagba-bow sayo, iha. Ikaw ang Luna ng bayan na ito." napakurap naman ako ng ilang beses dahil sa sinabi nya. Dahan dahan itong nag-bow sa akin dahilan para mapaatras ako.

"Aahh-wag-" sambit ko rito. Binigyan lamang ako nito ng matamis na ngiti.

"Masasanay ka rin." wika niya. Bumaba ang tingin ko at napakurap. "Gusto ko lang magpasalamat." natigilan naman ako ng marinig iyun. Dahan dahan kong ibinalik ang tingin sakanya.

"Para saan?" tanong ko. Bahagya itong ngumiti at hinawakan ang kamay ko.

"Sa pagtanggap kay Sebastian, sa pagmamahal sakanya. Maraming salamat." speechless ako. "Alam ko, kayong dalawa ang babago sa lahat. Maniwala ka, Mary Jane. Kayo."

Noong sabihin nya ang mga iyun. May kung ano sa loob ko na nagwawala nanaman. Gusto nyang kumawala. Para bang hindi sya sang-ayon sa sinabi ni Catherine. Para bang ayaw nyang maniwala at makinig ako.

Pinilit kong ngumiti bilang tugon sakanya. Kahit hindi maintindihan kung ano yung gusto nyang sabihin o ipahiwatig. Niyakap ako nito ng mahigpit at gumanti nalang rin ako. Hanggang ngayon hindi pa rin komportable ang pakiramdam ko kapag nandito sya o malapit sya sa akin.

"Mag-iingat kayo sa pag-uwi." ani nya at bumitaw na sa pagkakayakap sa akin. Tumango lang ako at ngumiti.

"Tara na!" rinig kong sigaw ni ate Anna. Natigilan naman ito ng makita si Catherine. "Hi po." bati nya at nag-bow. Ginantihan naman sya ng ngiti ni Catherine.

"Mag-ingat kayo." ani nito. Ngumiti lang si ate Anna at lumapit na sa akin. "Mauna na ako." pagpapaalam nya.

"Sige po." tugin ni ate Anna. Pinagmasdan ko lang sya hanggang sa makapasok ito sa loob ng mansion. "Ang ganda nya, ano? Alam mo, minsan na syang nakwento sa akin ni mama." napapitlag ako ng marinig yun. Pabigla akong lumingon sakanya.

Life begins at Night (EDITING! DONT READ YET!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon