Twenty-eight

1.2K 43 2
                                    

6:34am.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Ang sakit nga sa mata eh. Masasabi kong, it's a sunny day. Ito na rin ang pang-limang araw namin sa Rotts Platteville. Ang bilis ng araw, parang hahapon lang kami nakabalik rito. At, ayoko pang bumalik sa Owens Hainsburry.

Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para magsipilyo. Nang matapos ay dumiretso na ako sa pinto para lumabas.

"Do you see where the Smokey Mountain is?"

Napahinto ako sa paglabas ng kwarto ng may marinig na pamilyar na boses. Nanatili akong naestatwa at kinilabutan. Nakahawak lang ako sa door knob at tulala ng diretso.

"Yey! You found it!"

Nanlaki ang mga mata ko ng muli marinig yun. Dahan dahan akong lumingon sa sala. May nakikita ako ngayong babaeng nakaupo sa sofa at tutok na tutok sa TV.

"Come on, vámonos.
Everybody let's go.
Come on, let's get to it.
I know that we can do it."

Napangiwi ako ng marinig na sumasabay pa sya sa kanta. Dahan dahan akong lumapit sakanya at pinagmasdan ang nakangiti nyang mukha.

"Where are we going?
Smokey Mountain!

Where are we going?
Smokey Mountain!"

Napapikit nalang ako at napailing. Tignan mo nyo 'tong 19 years old na babae. Nanonood ng Dora. Umupo ako sa tabi nya. Parang hindi ako napapansin. Nasira na ata ang tuktok ni ate Anna.

"Where are we going?" pangaasar ko sakanya. Pabigla naman itong lumingon sa akin at tinignan ako ng masama.

"Walang choice! Yan lang palabas sa TV!" singhal nya sa akin. Pwe! Sinong niloko nito? Kinuha ko yung remote at nilipat yung channel.

"Akala ko ba Dora lang palabas? Bakit may HBO?" wika ko na may nakakalokong ngiti. Kinuha nya naman sa akin yung remote at nilipat-lipat yung channel.

Tumayo na ako para makakain ng almusal. Gusto ko sanang itanong kung nasaan si Aunt Melissa pero wag nalang. Kinuha ko yung tinapay na nasa lamesa at kumuha ng palaman sa loob ng ref.

Kasalukuyan akong taimtim na kumakain at pinagmamasdan ang kapatid kong nakasimangot at palipat-lipat pa rin ng channel. Napapabungisngis nalang ako kapag naaalala yung kanina. Dora pa talaga, huh?

Hindi kalaunan ay hininto nya na ang paglilipat-lipat. Meron na siguro syang nagustuhan na channel. Inialis ko ang tingin sakanya at kumain nalang. Habang umiinom ng mainit na kape, halos maibuka ko yung nasa bunganga ko ng marinig ang nasa TV.

"Adventure Time
Come on grab your friends
Well go to very distant lands
with Jake the dog
and Finn the human
The fun will never end
its adventure time."

Akala ko pa naman nasa Discovery Channel ang kapatid ko. Cartoon Network pala. Talagang kabisado nya. Kailan pa sya nahilig sa mga ganyan? Agad kong inialis ang titig sakanya nang mapansing titingin sya sa direksyon ko. Napapakagat labi nalang ako.

"Si Aunt Melissa pala, nasa mansion na ng Owens ngayon." bumaba ang tingin ko ng marinig syang nagsalita. I don't know how to respond. Para bang naubusan ako ng mga salita. Hindi ko rin alam kung bakit ako nakakaramdam nito.

"Ganun? Bakit raw?" I said, this time I'm blowing out an exasperated breath.

"May problema daw." sagot nya. "Base sa pagmamadali ni Auntie kanina, mukhang malaking problema yun." dagdag nya pa. Sinulyapan ko sya saglit. Nakatitig lang ito sa TV. Hindi na lamang ako nagsalita pa.

Life begins at Night (EDITING! DONT READ YET!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon