'DI 'TULAD NG AKO AY MAY LOBO

1.8K 17 1
                                    

"Ako ay may lobo
Lumipad sa langit
'Di ko na nakita
Pumutok na pala
Sayang lang pera ko
Binili ng lobo
Kung pagkain sana
Nabusog pa ako"

Ahhh... Bakit ba kasi natin hinayaang lumipad ang lobo?
Alam naman pala nating lilipad ito.
Talagang lumalayo ang mga bagay na hinahayaan lang natin mawala.
Yung mga isinasantabi.
Yung mga pinapabayaan sa isang tabi!
Yung mga iniiwan nang basta basta...
Tapos ngayon, aasa kung nandyan pa.

Papaano kung naghintay pala siyang balikan mo?
Naghihintay na hawakan mong muli nang sobrang higpit gaya ng dati nang hindi na makawala pa.
At ngayong wala na siya, nanghihinayang ka kung bakit lumipad siya at iniwan ka?
Nanghihinayang ka kung bakit imbis na pagkain ang binili mo ay isang lobo?

Lobo na hindi marunong maghintay.
Lobo na hindi kayang humawak mag-isa.
Lobo na hindi kayang sumabit sa mga braso mong hindi rin naman nakakapit kundi nakapinid..nakasara.
Siguro'y inaasahan niya ring ipaglaban mo siya.

Oo! (tawa) Alam kong hindi magandang pakinggan.
Alam kong iba na ang iniisip niyo.
Alam kong iniisip niyo na rin sa ngayon na baliw ako...na hindi lobo kundi tao ang tinutukoy at pinagsasasabi ko.

At tama kayo! Patawad.
Pasensya na dahil hindi ko kayang mabuhay ng wala ka.
Ako na nagpakatanga at hinayaan kang lumisan ng mag-isa.
Ako na hindi rin tumakbo para habulin ka.
Ako na puro sarili lang ang iniisip at ang ikaliligaya niya.

Sana'y bumalik ka.
Sana'y magbalik ka na.
Sana'y bumalik na ang dating mayroong tayo.
Tayo na ikaw at ako.
Tayo na hanggang sa dulo ipaglalaban ko.
Tayo na tayo lang.
Walang epal. Walang panira. Walang siya.
Tayo lang.

Sapagkat 'di ko 'to kaya.
'Di ko kayang mag-isa.
Kailangan kita.
Sa lahat ng oras, ikaw lang ang minamahal ko, sinta.
Hindi ko alam na nanlalamig ka na.
Kung alam ko lang, 'di sana'y hindi na kita pinakawalan pa.

Ang pag-ibig ko sayo'y 'di tulad ng ako ay may lobo.
Hindi parang isang lobo na lumipad sa langit.
Na kapag 'di na nakita at pumutok na pala ay panghihinayangan ko.
Oo, nagsisisi ako ngunit'di gaya ng sa kanta...
'Di masasayang ang pera ko sa pagbili ng lobo dahil ang totoo maghihintay ako.

Hindi ako maghahanap ng pagkain na ikabubusog ko.
Maghihintay ako hanggang sa dulo.
Dahil giliw ikaw ang kailangan ko.
Ikaw lang ang kailangan ko.
Ikaw lang. Ikaw lang talaga.

Aking sinisinta, maghihintay ako.
Sana'y magbalik ka na sa'kin dahil 'di ko kakayaning mabuhay sa mundong ito nang wala ka.
Nang wala ang pag-ibig mo.

Pasensya na.
Magbalik ka na...sana...
Dahil ang pag-ibig ko'y 'DI TULAD NG AKO AY MAY LOBO...

☆JanSan 13

MONOLOGOWhere stories live. Discover now