NAKAKATAKOT

838 1 0
                                    

Takot ako.
Takot ako sa mga aswang na laging may balak kainin ang aking mga lamang loob.
Mga mata nila'y namumula na animo'y nag-uumapaw sa galit.
Lasog lasog ang buong katawan na halos kita na ang kanilang mga buto at laman.
Punong puno ng dugo ang kanilang mapupulang balat dahil sa anumang dahilan.
Pilit silang naglalakad at hinahabol ako upang gawing pagkain
Magmula sa aking atay, bituka at maging ang aking puso ay hindi nila palalampasin.
Takot ako.
Takot na takot ako.

Takot ako sa mga multo na bigla bigla nalang sumusulpot sa kung saan-saan at manghihingi ng tulong.
Sa kanilang buong katawan na nakalutang sa lupa ay hindi mo nanaising makita sila.
Mula sa kanilang mga paa hanggang sa kanilang ulo ay bakas na ang kulay puti o itim na kasuotan.
Hindi pa rin diyan mawawala ang mga duogng nagkalat sa buo nilang katawan.
Takot ako.
Takot na takot ako.

Takot ako sa mga diablo at engkanto na walang ibang ginawa kundi panghimasukan ang buhay ng mga simpleng tao.
Saniban ito guluhin ang kanilang buhay hanggang sa pagtulog nito.
Maaari mo rin silang mapanaginipan kung nanaisin nila.
Ang mga bangungot na tatatak sa iyong isipan ay maaaring maging dahilan ng iying pagkamatay.
Takot ako.
Takot na takot ako.

Takot ako sa mga dwende at anu pa mang elemento na hindi natin nakikita ngunit napakalakas ng kapangyarihan upang magbigay ng sumpa o sakit sa isang tao kung iyong magagambala.
Mahirap kalabanin ang mga tulad nila ngunit ang tanging kapalit ay ang pagbibigay ng anu mang alay.
'Wag mo nang tangkain pang pumunta sa albularyo dahil tiyak ay pipigilan ka nila at mas lalong pahihirapan.
Takot ako.
Takot na takot ako.

Takot ako sa mga mambabarang at mangkukulam na kaoag iyong kinalaban at inaway ay tiyak wala ka nang kawala.
May mabuti at masamang mangkukulam ngunit pareho itong makapangyarihan.
Siguruhin mo lang na hindi ang itim na kapangyarihan ang iyong babanggain dahil tapos na ang maliligayang araw mo 'pag nagkataon.
Sobra ang takot ko sa kanila.
Takot ako.
Takot na takot ako.

Ang magagawa ko nalang sa ngayon ay pumikit at ngatngatin ang mga dariling kanina pa nanginginig sa sobrang kaba at takot na aking nadarama.
Ang dilim ng buong paligid ay ang mas lalong nagpakaba sa akin na naging dahilan upang maghisterya ang aking labi, manlamig ang buo kong katawan, at manghina ang aking mga tuhod.
Ang malalamig na patak ng pawis na nanggagaling sa aking noo ay isang simbolo na hindi ko 'to kaya.
Hindi ko kakayanin.

Ngunit sa kabila ng mga elementong nabanggit ko.
Mayroon pang isang bagay ako na kinatatakutan.
Isang bagay na kinatatakutan ko sa lahat.
Wala ang lahat ng ito kumpara sa bagay na iyon.
Mangyari na ang lahat sa akin 'wag lang ang bagay na ito.
Makita o maranasan ko na ang lahat ng bagsik ng iba't ibang masasamang ispirito sa mundo 'wag lang ito.

Dahil takot ako.
Takot na takot ako.
NAKAKATAKOT na mawala ka sa piling ko.
At wala akong ibang bagay na maaaring magawa upang magbalik ka.
Takot akong mawala kita.
Sobra!

☆JanSan 13

MONOLOGOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon