NAIINGGIT, NAGSESELOS.

628 5 0
                                    

Maaari bang mainggit at magselos ng sabay?
Mainggit sa isang tao dahil sa kalamangan nito sa'yo at tila halos nasa kanya na ang lahat ng gusto niya.
Magselos sa isang taong nasa kanya na nga ang lahat ngunit pati 'yung mga gusto mo ay nasa kanya na rin.
Masama ba ito?
Masaba bang magselos at mainggit ng sabay?

Masama bang mainggit sa isang taong may sariling bahay at kotse.
May marangyang pamumuhay na kayang bumili ng mga mamahaling bagay na gugustuhin niya.
Masama bang mainggit sa isang taong may mga magagandang kadamitan at nakakabili ng anumang gadgets na makikita at kahuhumalingan niya.
Masama ba?

Masama bang magselos sa isang taong kaya na ngang bumili at makuha ang lahat ng bagay na gugustuhin niya ay hindi pa din nakukuntento.
Sa isang taong nabili na nga ang lahat ng nais niya ngunit pati ang bagay na gusto mo ay nakuha parin.
Correction pala! Hindi ito bagay, tao siya!

Masama bang mainggit sa isang taong lahat nalang ay nasa kanya na.
Lahat ng K sa mundong ito ay nasa kanya.
K as in Karangyaan o kayamanan, kagandahan ng pangangatawan at itsura at ang pinakamahalaga sa lahat, ang kagandahang-asal o kabutihang-loob.
Sino ba namang babae ang hindi mahuhumaling sa taong kagaya niya?
Kulang nalang ay bansagan siyang kaisa-isang taong perpekto na nabubuhay sa mundong ibabaw dahil sa pagiging perpekto ng lahat sa kanya.

Masama bang magselos sa taong kinahumalingan ng natatanging bagay na nais mong makamit o makamtan.
Ang mahalin ng taong mahal mo.
Ang maramdamang minamahal ka ng kaisa-isang taong kinabaliwan mo.
Ngunit minahal din ang isang taong nasa kanya na ang lahat ngunit pati ang gusto mong makuha ay napunta narin sa kanya.

Oo nga naman pala!
Wala akong karapatang magreklamo dahil wala naman akong puwang sa taong ito eh.
Wala namang namamagitan sa'min at alam kong kailanma'y wala nang mamamagitan.
Wala naman talaga ako sa kanya.
Dahil para sa kanya, isa lang akong alikabok na nakakapuwing at salot sa lipunan.

Masama bang mainggit at magselos sa iisang tao ng sabay.
Masama ba kung maiinggit ako at magseselos sa kaisa-isang taong sumira at nagwasak sa lahat ng mga pangarap ko.
Ngunit napakalabo nga naman nito.
Sino ba naman ako para magreklamo?
Isa lang naman akong simpleng tao kumpara sa perpektong ito.

Ayokong magalit at kamuhian siya ngunit hindi ko magawang pigilan.
Wala akong karapatan dahil wala naman siyang ginagawang masama sa akin upang sa kanya ko ibunton ang lahat ng sisi ngunit siya lang kasi ang tanging dahilan...
Siya lang ang natatanging dahilan sa lahat ng ito.

Kung bakit...bakit ako...
NAIINGGIT, at NAGSESELOS.
Sa iisang tao.

Masama ba talaga?
Ang mainggit at magselos ng sabay sa iisang tao lamang.
Maaari ba?

☆JanSan 13

MONOLOGOWhere stories live. Discover now