PINAGKAITAN

843 3 0
                                    

Siguro noong umulan ng ka-swertehan dito sa mundong ibabaw ay mahimbing ang pagkakatulog ko.
Siguro iyon ang dahilan kung bakit ang malas malas ko.
Siguro noong nag-sale ang mga malls ng nag-uumapaw na kaligayahan sa mundo ay nasa ibang planeta ako.
Siguro ganoon nga.

Ganoon nga ba talaga?
O sadyang pinagkaitan lang ako ng diyos?

Ayokong manisi at mas lalong ayokong isipin na ang diyos ang may kasalanan ng lahat ng nangyayari sa buhay ko.
Sa lahat ng ito.
Alam ko.
Sana.
Sana talaga totoo ang alam ko dahil hindi ko na alam ang gagawin kung talagang sinadya itong gawin.

Siguro'y pagsubok lang ito para sa akin.
Pagsubok lang ang lahat ng ito.
Tama! Dahil alam ko.
Ang ipinakait na ka-swertehan at kaligayahan sa akin ay pagsubok lamang.

Pagsubok na susubok ng aking katatagan at paniniwalang malalampasan ko ang lahat ng problemang ito sa buhay.

Ang pang-iiwan ng mga taong minamal at patuloy kong minamahal ay pagsubok lamang na nagiging simbolo upang mas lalo akong maniwala sa kanya.
Alam ko. Oo!
Kapag may nawala ay mas magandang darating.
Ganoon nga.
Ganoon nga ba talaga?
Sana nga.

Ang hindi pagsusukli ng kabutihan sa'yo ng mga taong pinakitaan mo ng kabutihan ay isa ring simbolo ng panibagong pag-asa.
May mas karapat-dapat pa palang tao para sa'kin.
Sana nga.
Sana talaga.

Pero hindi ko kaya kung kakayanin ko pa ba.
Hindi ko alam kung kaya ko pa ba.
Dahil sa totoo lang.
Hirap na hirap na ako sa ganitong set-up.
Hirap na hirap nakong umasa na sana mayroon talagang magandang bukas para sa'kin.
Na sana bukas, pagkadilat ng aking mga mata.
Pagkagising ko.
May magsasabi sa'king "Magandang Umaga. Kumain ka na. Alam kong gutom ka na. Nag-aalala na'ko sa'yo ah!"

'Yung pakiramdam na may mag-aalaga sa'yo.
'Yung pakiramdam na sa unang pagkakataon naramdaman mong mahalaga ka sa ibang tao.
Naging mahalaga ka pala sa piling ng ibang tao.
Naging espesyal ka pala sa kanila na kapag nawala ka ay hahanap hanapin ka nila.

Kailan kaya mangyayari 'yun?
Alam kong posible parin.
Patuloy parin akong aasa na may pag-asang...
Sana.
Sana talaga dumating ang panahon na ako naman ang mahalaga.
Ako naman ang espesyal.
Ako naman ang aalagaan.

Na sana dumating ang oras na ako naman ang...
Masuwerte at Maligaya.
Masaya at Masagana.
Ako naman.

Sana mangyari ang araw na pinakahinihintay ko.
Ang malaman ng diyos na narito pa ako.
Naghihintay sa ano mang bagay na kanyang maibibigay sa akin.
Hindi na pagkakaitan ng kaligayahan.
Hindi na pagdadamutan ng ka-swertehan.

Sana.
Ako naman.
Ako na PINAGKAITAN.

☆JanSan 13

MONOLOGOWhere stories live. Discover now