BALIW

4.1K 12 2
                                    

Doktor.
Galit ako sa mga 'yan!
Haha...
Paano ba naman kasi!?
Pinipilit akong ipasok sa ospital eh wala naman akong sakit!
Loko loko talaga ang mga 'yun!
Nako! Nakakainis talaga sila!

Kumukulo talaga ang dugo ko sa tuwing nakakakita ako ng mga taong nakasuot ng kulay puting kasuotan.
Iniisip ko kasi kaagad na doktor sila.
Eh! Ayoko nga sa kanila, diba!?
Lagi kasi akong pinagmumukhang baliw!
Tatanungin pa'ko...
"Ayos ka lang ba? Anong pakiramdam mo ngayon? Alam naming masama ang pinagdaraanan mo ngayon ngunit malalampasan mo parin 'yan?"
Sino ba namang hindi maiinis kung sasabihin ka ng mga ganyang salita?
Eh, pinagmumukha akong tanga ng mga 'to eh!

I graduated magna cumlaude in our campus pagkatapos ay sasabihin lang ako ng mga ganoong salita!?
It's unjustfiable! It's impossible to happen!
Ako na fluent kung mag-english ay tatawagin nilang baliw?
Ha! Nagkakamali sila ng inakusahan.
I'm not asking them to believe me, anyway!

Teka! Bakit parang may tao dun?
Hindi! Nandiyan lang siya kanina! Tignan mo!
Nakita mo na?
Hala! Ano 'yun!?
Ahh...baka namamalikmata lang ako.

Hahaha...
Ako!?
Tatawagin mong baliw?
Sasabihan mong nababaliw!? HA!
Bakit close ba tayo?
Kilala mo ba ako?
I didn't even know you!

Ako nga pala si...
Andres Bonifacio.
Mga kabababayan!
'Wag tayong matatakot sa mga kastilang iyan!
Hindi dapat tayo magpasindak sa mga dala nilang armas...
Lalaban tayo!
Punitin ang mga sedula!

Aray!
Bakit mo ginawa 'yun!?
Hindi nga sabi ako baliw!
Ako nga si Andres Bonifacio!
Oh? Sinabi ko ba 'yun?
Kelan ko sinabing summa cumlaude ako?
Ay! Magna ba?
Nako! Guni-guni mo lang 'yon.

Ikaw talaga!
Naka-drugs ka 'no?
Kung anu-ano nalang ang pumapasok diyan sa isipan mo.
Kung anu-ano nalang ang sinasabi mo sa akin.
Ano ulit 'yung narinig mo?
Bingi pa! Hahaha...
Ano bang laman niyang kokote mo!?

Nako!
Magpa-doktor ka na nga!
Magpa-doktor ka na kaya?
Ha! Ha! Ha!
Teka! Ikaw!?
Doktor!?
Weh? 'Yung totoo?
Sure?
Sure na sure?
Sure na sure na sure?
Hindi!
Ano nanaman 'yang sinasabi mo!?
Sinabi na ngang hindi ako...
BALIW!
Baka ikaw 'yun.
Magpatingin ka na nga.
Hoy! Baliw!

☆JanSan 13

MONOLOGOWhere stories live. Discover now