2: Snubbed

14.7K 202 9
                                    

“Hindi mo sinabing boss pala kita.” sabi ni Karylle nang makaalis na si Anne at napayuko dahil sa hiya.

Natawa naman si Vice at tinuro si Anne. “Siya ang boss natin. Basically pareho lang tayo ng trabaho dito, pero dumadaan muna lahat sa akin bago kay Curtis.”

“So.. kailangan ba kitang tawaging Sir?”

“Pogi. Yun nalang itawag mo sakin.” seryosong sagot ni Vice. Tinignan lang siya ni K ng wala man lang kahit anong expression sa mukha. Napa-mental facepalm naman si Vice. Dapat umuubra na ang pagpapa-cute niyang ganito, malala na nga ‘to kung tutuusin. Ang ibang babae, konting usap lang kinikilig na. Eh bakit itong kaharap niya, wala man lang kahit anong reaksyon?

“No you don’t have to. Just call me Vice.”

“And.. Ma’am Anne?”

“Mas gusto niya kung Ms. Anne. I’m the only exception, I can call her whatever I want.” at nag-chuckle siya.

Napataas naman ang dalawang kilay ni K. “Ah.. girlfriend mo?”

“What? No. Crush niya kasi ako kaya okay lang sakanya.”

At no reaction na naman dito si K. “Okay you’re so hard to please.” bulong ni Vice sa sarili. Nag-seryoso nalang siya at sinukuan na ang pagpapa-impress kay Karylle.

“Anyway, our company has 347 employees, including the construction crew, guards, maintenance, etc. Tayo ang in charge sa lahat ng payrolls, and of course the company tax, expenses, ins and outs, and budget. We are 24 in the team, subdivided further into four groups.”

Tinignan naman ni Vice ang papel na hawak niya. “Ohh. Sa employees’ payrolls ka, with me again. Kami ‘to nila Vhong and Billy. Yun naman si Coleen. And then there’s Ryan, that Korean guy over there.” at tinuro ang isang maputing lalake na nakabungisngis. “Yun din pala ang desk mo, beside Ryan. Reminder lang, medyo mahirap intindihin ang tagalog niya. But he’s really nice and fun.” nag-chuckle si Vice. Poker face parin naman si K. “And not a snob.. okay, yun lang naman. Just approach me if you have any questions.” nag-wink si Vice kay Karylle at pumunta na sa desk niya.

Gustong-gusto namang umirap ni Karylle pero pinigilan nalang niya ang sarili. Bago lang siya, ayaw niyang gumawa naman agad ng problema. Pero nayayabangan talaga siya sa lalaking yun. Akala mo kung sinong gwapo. Sus. Pumunta nalang siya sa mesa niya para makapag-ayos ng mga gamit, buti nalang medyo magkalayo ang desk nila kaya hindi na siya mabubwisit ni Vice.

~

Nang makaupo naman agad si Vice sa mesa niya, nagsimula na agad siyang magtrabaho. Ginulong naman ni Vhong ang upuan niya palapit kay Vice at siniko ito.

“Brad, kakilala mo pala yung bago? Ganda nun ah.”

Patuloy parin naman si Vice sa ginagawa niya at hindi man lang tumingin kay Vhong. “Nakasabay ko kasi sa jeep kanina.”

Lumapit naman lalo si Vhong hanggang nasa edge na siya ng upuan niya at bumulong. “Pinormahan mo na no? Yung sa upuan kanina? Yan ka na naman sa matitinik mong galawan, master eh.”

Napa-smirk naman si Vice. “Ang ganda sana kaso ang sungit eh. Sumabit kaya ako sa jeep para mapaupo siya. Nung nakababa na kami parang nakalimutan na niya agad yung ginawa ko. Tapos kanina bigla nalang tayong iniwan pagkatapos ng meeting. Nung briefing, NR naman.”

Pumalakpak naman si Vhong at natawa. “First time bang madedma ka ng chicks, brad? Laos ka na pala eh.”

Natawa naman si Vice at dinuro-duro si Vhong. “Hoy Navarro wag mo kong hinahamon dyan. Kung ang supervisor nga na crush na crush mo ako ang crush eh. Makukuha ko rin ang loob nyan, manood ka lang.”

Fix You | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon