EXTRA: Delivered

13.1K 325 75
                                    

Because it's Fix You's anniversary today!! :) thank you for somehow making this story a part of your life as a vicerylle baby. Naks hahaha. Basta thank you! This would probably be the last extra chapter, for real na this time, or ewan ko bahala na kung may maisip pa pero seryoso di ko na alam ano pang pwede. :)) thank you for loving the alternate universe vicerylle nerds in FU. ;)

“Lewis acid-base reactions in which a metal cation combines—”

“Utang na loob Vice sumasakit na ulo ko pati nung bata.” reklamo ni Karylle at mahinang tinulak ang mukha ni Vice para patigilin na ito. “Ibang libro naman basahin mo sa amin, sige na. Yung pambata naman.”

“Ano Little Red Riding Hood? Na kakainin nung fox—”

“—wolf. Big Bad Wolf.” Karylle said, cutting him off.

“Fox, wolf, kahit ano pa yan nangangain parin ng lola. Aba bakit ko ikekwento yan sa bata. Buti pa dito may natututunan siya.” tila galit na galit na sinabi ni Vice. Sinara niya ang nakabuklat na Chemistry book na nasa lap niya at ipinatong ito sa mesa. “May naisip ako…” panimula na naman niya at umakbay sa katabi.

“Ano?” tanong ni Karylle habang unconsciously na hinahaplos ang 3 months niyang tiyan.

“Bakit ang unfair ng pagbubuntis? Kapag gumagawa ng bata, parehong nag-eenjoy yung nanay at tatay sa intercourse, pero kapag pinagbubuntis na at ipapanganak yung baby, nanay nalang ang naghihirap. Sana pwedeng shifting yan no, kunwari sa umaga nanay yung buntis tapos sa gabi lilipat yung anak sa tiyan nung tatay para siya naman magdadala. Yung ganun, basta ba hati silang mag-asawa sa process. Wala lang… pero diba?” seryosong sinabi ni Vice.

Natawa naman sakanya si K at kinurot siya sa braso. “Ikaw puro ka talaga kalokohan.”

“Seryoso nga ako. Ayoko lang na nahihirapan ka ng ganyan. Kung pwede ko lang sana akuin kahit minsan man lang eh.”

Napangiti si K nang maramdaman niya ang sincerity ng asawa. Ang sweet talaga nito, naisip niya. Nabasa niya noon na kapag tumigil na ang kilig, doon narin nagsisimula ang seryosong relasyon, pero iba yata talaga sila ni Vice. Kahit seryoso, may kilig. At kahit pampakilig, alam mong seryoso. “Edi samahan mo ko sa delivery room. Sasabunutan kita habang umiire ako nang mahirapan ka rin.” biro niya at isinandal ang ulo sa balikat ni Vice.

Naexcite naman si Vice sa narinig. “Pasasamahin mo ko sa loob? Talaga?”

“Kung papayagan ng doktor edi sige.” sagot ni Karylle at isinubsob ang mukha niya sa leeg ng asawa.

“Babe, may naisip ka na bang pangalan kapag babae si baby?” tanong ni Vice habang natatawa-tawa dahil sa pagkakiliti sa nararamdaman niyang mainit na paghinga ni K sa leeg niya habang pinaglalaruan ang kulot na buhok nito.

Napanguso naman si Karylle at kumunot ang noo. “Gusto ko talaga Alexandria, hindi parin nagbabago. Ikaw ano bang gusto mo?”

Matagal na silang namimili ng pangalan para sa anak nila pero lagi silang hindi nagkakasundo kesyo sa combination ng pangalan, o masyado daw mahirap bigkasin, o kung ano ano pang problema. “Volta.” sabi ni Vice proudly.

“Anong Volta? Lakas naman maka-superhero.” sabi ni K at tinusok ang tagiliran ni Vice nang maramdaman niyang nagloloko na naman ito.

“Buti nga hindi Darna diba? O Super Inday at ang Golden Bibe. Pero kasi para terno pag nagkaroon naman tayo ng lalake, ang pangalan naman John.”

Inalis ni K ang ulo niya sa pagkakasandal kay Vice para makaharap at matignan ito ng mabuti. “Paanong terno e ang layo layo naman ng Volta sa John?”

Fix You | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon