6: Deepened

13.9K 208 8
                                    

“Vice. Vice.” tawag ni K habang kumakatok sa unit ni Vice.

Pinagbuksan naman siya agad nito pero isinilip lang ang ulo niya sa pinto. “O, bakit wala ka man lang pasabi na pupunta ka? Kakakita lang natin kahapon namiss mo agad ako.” sabi ni Vice at nag-smirk.

“Huy asa ka naman. Wala lang akong magawa sa condo, may playstation ka dyan diba? Makikilaro lang ako.”

Vice looked at her teasingly. “Ikaw ah gusto mong makipaglaro..”

“Sira! Eh kung pinapapasok mo na kaya ako diba. Bastos nito sa bisita, aba.”

“Okay, wait lang, 5 minutes. Wag ka munang papasok maglili-”

Tinulak ng sobrang lakas ni K ang pinto kaya nauntog si Vice sa kabilang dulo nito at napaatras. Nagulat naman si Karylle sa tumambad sakanyang kaguluhan sa unit ni Vice at tsaka natawa. Nakakalat sa sahig ang mga bote ng tubig at wrappers ng junk foods. Pati mga nasuot na niyang shirts at boxer shorts ay nakatabi lang sa may pinto ng CR at hindi man lang nakafold.

“Oh my God, is this the condo’s garbage chute?!” sabi ni K habang sinisipa sa tabi ang mga kalat na nadadaanan niya.

“Thanks ah.” sagot ni Vice habang nirarub ang noo niya.

Dumiretso si Karylle sa kitchen para kumuha sana ng tubig. Pagbukas niya ng ref ni Vice, puro energy drinks, bottled water, milk, at iilang itlog lang ang laman nito.

“Bakit walang kalaman-laman itong ref mo? Eh anong kinakain mo dito? Nag-lunch ka na ba?”

Naupo na si Vice sa sofa at naglaro ulit ng PSP niya. “Oo, corned beef pa nga eh. Ang daming de lata dyan, kakagrocery  ko lang. May instant noodles din. And malapit lang yung Mcdo o. Marami naman akong nakakain.”

“Huy baliw! Gusto mo bang mamatay ng maaga? Hindi kaya healthy ang pagkain sa fastfood tsaka yang mga instant instant na yan.” pangaral ni K habang nakapamewang pa.

“Uy marunong din naman ako magluto no.”

“Ng ano?”

“Itlog. Hotdog.”

Binato ni K kay Vice ang bote ng tubig na ininom niya at tumama ito sa mukha ni Vice. Napalook up naman siya kay K saglit at nag-scowl pero binalik din ang attention sa nilalaro niya. “Ano ba yan Viceral. Ang tanda tanda mo na hindi ka parin marunong magluto. Tapos ang kalat pa ng unit mo.” sabi ni K habang nagpupulot ng mga kalat ni Vice sa sahig at nilalagay sa trash bag na nakuha niya sa kitchen.

Pinatay na ni Vice ang PSP niya at tumulong narin sa pagliligpit dahil nahiya narin siya kay K. “Utang na loob Karylle daig mo pa nanay ko pag umuuwi siya dito ah. Tsaka normal kaya ang chaos, nature of all things yan. It's called entropy. Second law of thermodynamics."

"Nerd."

"Rational."

“Geek.”

“Scientific.”

Pinitik naman ni K si Vice sa noo. “Whatever. Dali mag-gogrocery tayo. Dapat kang matuto magluto nang mabuhay ka naman.”

Inakbayan siya ni Vice at kinuha sakanya ang trash bag. “Eh kung dito ka nalang din kasi tumira? Ikaw yung magluluto, tapos ako naman yung driver. Mag-live in na tayo, edi mas madali pa buhay natin pareho diba.”

“Sira!” sinusubukan niyang tanggalin ang braso ni Vice na nakapatong sakanya pero hindi niya talaga magawa.

Natawa naman si Vice at mas lalong hinigpitan ang akbay kay Karylle at kinurot pa ang pisngi nito para mas lalong mang-asar. “Ayaw mo nung term? O di roomies nalang.”

Fix You | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon