9: Realized

13.4K 214 19
                                    

Gusto ko muna mag-thank you sa mga nakakaappreciate ng Fix You. Kahit puro daldal siya, sana hindi kayo nababagot haha yung mga usapan nina Karylle at Vice eh may meaning naman at hindi lang random. Kung anong mga paniniwala nila dito eh magagamit nila sa next chapters. And sana kahit kayo napapaisip din sa mga sinasabi nila. Thank you ulit! :) -- @mariellebouvier (biglang segue haha XD)

Sobrang focused si Vice sa paglalaro ng PSP niya nang tumunog ang phone niya. Hindi niya sana papansinin pero hindi sumusuko ang caller sa pag-dial sakanya kaya sinilip niya kung sino ito. Nataranta naman siya nang makita niyang si Karylle ang tumatawag kaya binitiwan niya agad ang PSP at sinagot ang tawag.

“He-”

“VIIIIIIICE!” sigaw ni K sa kabilang linya.

“O Karylle? Bakit? Anong problema?”

“Pumunta ka dito now na please! Oh my God!”

Kinabahan naman si Vice at napakunot ang noo. “Ano ba yon?!”

“DALIIIII!” at nag-hang up na siya.

Nagsuot naman agad ng bathrobe si Vice dahil naka-boxers at sando lang siya at tumakbo na agad sa elevator. Pinagtitinginan siya ng mga kasabay niya sa elevator pero nginitian niya lang sila awkwardly at nag-wave. Nang dumating siya sa unit ni K ay kinatok niya agad ito nang kinatok. Pinagbuksan naman agad siya ni K na sobrang stressed ang itsura at may hawak na walis tambo at pilit itong binibigay kay Vice.

“Pakipatay yung lumilipad na ipis! Dali!” sabi ni K while panicking.

Binitiwan naman ni Vice ang walis at kinuha ang suot niyang tsinelas at pinalo ang isang ipis. Hinintay naman niyang dumapo ang isa pa at pinalo rin ito. Kinuha niya ulit ang walis at naglinis. Nang natapos na siya, lumapit naman siya kay Karylle na ngayon ay kalmado nang nakaupo sa sofa at umiinom ng tubig.

“What the hell? Tinawagan mo ako para lang patayin yung lumilipad na ipis?”

“Dalawa kaya sila!”

“O edi dalawang lumilipad na ipis. Kahit pa! Papaluin mo lang eh. Ikaw ang tapang tapang ng dating mo tapos ipis lang di mo kaya. Wala 'to."

“Sira. Babae parin naman ako!"

Umupo sa tabi ni Karylle si Vice at ininspect ang tsinelas niyang ginamit niyang pamalo. Nag-make face naman si K na nandidiri sa nakikita. “Bakit, wala bang babaeng pumapatay ng ipis? May mga exterminators nga na babae eh.” sagot naman ni Vice.

Tumayo siya at kinuhanan si Vice ng new pair of slippers. Para mang-asar, pink ang kinuha niya at inabot ito kay Vice. “Accountant naman ako, hindi ako exterminator.”

Wala namang kaarte-arteng sinuot ni Vice ang slippers at inextend pa ang legs niya para tignan ito at winiggle ang mga paa niya. “Eh kahit pa. May mga babaeng studyante nga na pumapatay ng ipis eh. That’s not an excuse.”

“Whatever.” sagot ni K at umirap. “Ano ba yan, lumabas ka talaga ng nakaganyan?” sabi niya at ngumuso sa suot na bathrobe ni Vice.

Tinignan naman niya ang sarili. “Eh paano, akala ko naman kung ano nang nangyayari sayo. Kung makasigaw ka sa phone eh. Ikaw gusto mo lang ata akong makita eh. Style mo talaga Karylle ang luma.”

Sinipa naman siya ni K pero nakaiwas naman siya at natawa nalang. “Ang kapal mo. Muntik ko nang buksan yung pintuan para hintayin nalang silang lumabas eh. Bwisit na mga ipis talaga yan.”

“Sige na, aakyat na ko.”

“Dito ka nalang kumain, pa-thank you ko nalang.”

~

Fix You | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon