7: Filled

13.9K 214 17
                                    

Hi Cath! Hihihi sweet ko talaga. :))

“Hindi mo na kailangang sabihing late na naman ako o ang tagal ko, araw-araw nalang eh.” sabi ni Vice pagkakita niya kay Karylle na mukhang naiinip na sa paghihintay sa parking lot. Naglakad narin sila papunta sa kotse ni Vice.

“Nasasanay na nga ako eh. Nag-breakfast ka na ba? Ito oh.” sabi ni Karylle nang makasakay na sila at inabot ang sandwich kay Vice na galing sa bag niya.

Napangiti naman si Vice at kinuha ito kay K. Bubuksan niya sana ito para tignan kung anong laman nang unahan na siya ni Karylle.

“Wag kang maarte, chicken sandwich lang yan, walang gulay. Alam kong ayaw mo ng gulay.”

“Ayon. Thanks baby.” at nag-wink siya kay K.

“Yuck Vice.”

“Nagdadrive ako o. Pakisubuan ako please. Please.” nilapag niya sa lap ni K ang sandwich at ngumanga lang habang nagdadrive at nakatingin parin sa kalsada. Inunwrap naman ni Karylle ito at sinubo ng buo kay Vice ang sandwich.

“Yan. Ang arte mo talaga. Kainin mo  yan ha.” sabi niya habang tumatawa.

~

“Are you two dating? Nililigawan ka na ba niya? I swear girl, magkakapalitan na kayo ng mukha. Hindi na kayo mapaghiwalay ha. Kung hindi lang kita friend, natawag na kitang malandi. Hahaha kidding!” pangungulit ni Coleen kay K pagkadating palang niya sa office.

Hindi naman siya tiningnan ni Karylle at nagsalita habang hinuhubad ang suot niyang high heels at nagpapalit ng slippers. “Seriously? We’re close, oo. Pero yun lang naman yun.”

“Ang showbiz ng answer.”

“Baliw. Hindi kami artista kaya hindi ko naman kailangang magsinungaling sayo.”

“But you do like him?”

Umayos ng upo si Karylle at tumingin kay Coleen. “I like him as a human being. I like him platonically, but romantically? No. Never.”

“How can you not like Vice? Seryoso ka ba?” asked Coleen with a tone of disbelief.

“You talk about him like he’s a sex god or something. Like an Aphrodite male counterpart.”

“He’s close to that!” sigaw ni Coleen na nagpalingon sa iilan nilang kasama sa office. Ngumiti lang ito sakanila apologetically at kinurot si K sa kamay.

Nag-make face naman si K. “Oh my God, stop.”

“But really, almost perfect na kaya siya.”

“Then you clearly don’t know him. I admit, he has the looks. But he is so immature and mayabang. Baka pag naging girlfriend ka nun maging babysitter ka. And ayoko ng romantic attachment no. He’s a great friend though.”

Coleen leaned in closer  and whispered. “What do you mean by no romantic attachments? Fubu lang, ganon? Friends with benefits?”

Binato naman siya ng tissue ni Karylle. “Sira ka Coleen!”

“Hey I’m serious! Uso kaya yon.”

“No romantic and sexual attachments, ayan ha malinaw na. Actually no emotional attachments at all.”

“Yung totoo Karylle, anong problema mo?! Hahaha but okay, kung ayaw mo sakanya, ilakad mo nalang ako! Tight naman kayo diba.”

“Girl, I’m no cupid nor a matchmaker. That’s not my thing.”

“Ang daya nito. Gusto mo talaga siyang solohin eh. Admit it, girl. Everyone has a thing for the guy, I understand you being all selfish and possessive. Swerte mo talaga!”

Fix You | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon