Chapter 3 - DSLR

4K 90 8
                                    


CHAPTER 3 – DSLR

*ding-dong-dong-ding-shinga-shinga*

Gosh!!

Ang ingay ng alarm clock ko! Kung pwede ko lang talaga ihinto ang oras para matulog na lang ako ng mahabang panahon.

Tapos may kikiss na lang sa akin ng gwapong prinsipe kapag kailangan ko ng gumising, kaso madaming pipigil sa kanya. Mga malalaking ahas tska malaking lizards -----

"KKAAAATTT!!"

*BOOGGSSH!!* Bumukas yung pintuan ng kwarto ko.

"KAATT!! Hindi ka pa ba babangon dyan?"

"Mahal kong prinsipe, sinagip mo ko! " Sabi ko sa aking prinsipe.

*POINK*

"Aray naman! Bakit mo ko binatukan?" Sakit nun ah, hehe akala ko yung prince ko na, epal talaga tong kaibigan ko eh. Panira ng moment kala naman niya nakalimutan ko na yung pangjojoke sa akin kahapon.

"HAHA nababaliw ka na naman dyan. Lumilipad na naman yang utak mo. Naku Kat konti na lang talaga dadalhin na kita sa mental." Natatawang sabi naman sa akin ni Yna.

"HOY!! Yna babaita!" Yari ka sa akin ngayun.

"HOY! ka din Kat!"

"Kala ko ba uulan ng pera kahapon?."

Natulalang napatitig sa'kin si Yna. Hehe yan na! "Alam mo bang madaling madali ako sa pagre-ready kahapon? Pati si Tito at Tiata excited umulan ng pera!"

Kita kong pigil na pigil na ang tawa ni Yna. Hanggang sa ..

"HAHAHAHAHA!!! Baliw ka Kat!," Aba nagawa pa talaga niyang tumawa, may araw ka din sa akin.

"HAHAHA ok ka lang ba Kat? Kelan pa umulan ng pera?" Napaisip naman ako. Oo nga nuh?

"Ah wala pa." GGrr nakakainis talaga. Titigan ko nga ng masama.

"Maligo ka na nga mamaya maiwan pa tayo sa tour natin. Bilisan mo, wait kita sa baba. Bye!" Bigla namang naglaho yung kaibigan ko, natakot siguro sa akin. Naku kung nakakamatay lang ang pagtitig ng masama, bulagta sa siya dito sa kwarto ko. Anyway maliligo na ako.

We're on our way to the University of Vermont, it's already 6 o'clock in the morning. And I'm driving my own old red mustang na kapag nahipan ng malakas na hangin ay magkakalasan na. Yna is sitting beside me, busy crushing the candies on her tablet. And I'm so sleepy. May tour pala ang batch namin somewhere in Baguio City.

6:30 na nang makarating kami sa University. I saw Jake standing beside their Mb100 family van, dala niya ang family van nila para daw magkakasama kami sa byahe, but sorry na lang, mas gusto ko pang ako na lang ang magdrive ng sarili ko at bumyahe mag-isa kaysa naman si Jake ang magmaneho, antukin. Mahal ko pa buhay ko.

Nginitian ako ni Jake nang itigil ko ang car ko. Naku! Kung stalker tong si Jake iisipin ko ng may gusto to sa akin.

"Hi!" Ngumiti ako sa kanya habang binababa ko ang salamin ng aking sasakyan.

"Kat, Yna!!" Woah kung makasigaw tong si Maylin kala mo isang taong hindi nagkita. Biruin mo, andito na agad siya, eh sa totoo lang, siya yung laging late sa amin pumasok.

THE MAFIA BOSS IS IN-LOVE (Guns and its Deadly Lovely Roses)Where stories live. Discover now