Chapter 5 - Middle of the Madhouse

3.6K 90 7
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Hi guys .. comment po kayo kung nababasa niyo po yung story. Masipag naman po ako magbasa ng mga comments and messages.

OH! by the way nagmemention din ako ng mga names hehe .

Thanks nga pala sa friend ko sa fb. Hindi ko muna memention name niya baka magalit hehe.

GODBLESS SLL

CHAPTER 5 – MIDDLE OF THE MADHOUSE

Hindi ko na maalala kung keilan ako nakaramdam ng gutom. Dahil ang gusto ko lang ngayon ay ang makainom ng kape.

Thirty minutes akong nagbabad sa cr, kung pwede lang sanang magtagal kaso naamoy ko na ang masarap ng amoy ng kape.

Ang ganda ng setting, nakalagay siya sa isang fragile bone-china cup na nakapatong naman sa isang magandang tray, na may isang redrose pa sa tabi. Wag ko na lang kaya inumin? Sayang kasi yung pagkakaayus eh.

YAWN! Inaantok na ako.

Nilingon ko ang aking higaang napakalaki, mala king sized bed.

WOAH! Mukang malambot to.

Umupo muna ako para pakiramdaman ang kama.

Malambot nga! Umakyat ako sa ibabaw ng kama at tumalon ng tumalon na parang bata. HOHO sana ganito na lang kama ko sa amin. Nang maramdaman ko masyado na akong nag-eenjoy sa ginawa ko, napag-isip isip ko din namang tumigil na at mahiga. Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ko sa kawalan tsaka ko pinatay ang lampshade sa tabi ng aking higaan.

Unti-unti ko ng nararamdaman ang aking tulog, relaxed state at sa kalagitnaan ng aking pananabik sa pagtulog ay nakarinig ako ng kaluskos mula sa pinto.

Bigla akong kinabahan at nagsimulang nagsitayuan ang aking mga balahibo, naalala ko ang mga pangyayari kanina. Yung 13, malakas na hangin, *BOOM!* malakas na kidlat at si Miss Santiago the evil witch.

Tinaas ko ang kumot ko para makapagtago. Alam ko na ! Magtutulog tulugan na lang ako para hindi na ako kailangan patulugin ng witch. Pero hindi ko ipipikit ng maigi ang mga mata ko para makita ko siya, baka kasi kung anu ang gawin niyang hindi pwedeng mangyari pa.

Dahan-dahang bumukas ang pinto, maingat na maingat sa pagpasok ang witch ah, wala man lang ingay na ginawa. Galing ah, may lahing akyat-bahay pala sila.

Pilit ko pang minulat ng bahagya ang aking mata, para makita ko ang kanyang itsura.

O.o HUH? bakit parang may mali? Lalake ang witch? Lalake si Miss Satiago? May bakla din palang witch, kung mangkukulam siya, bakit siya naka-leather jacket? Modern witch ba siya? Astig! Nakikijoin din pala sila sa uso.

Nagflash ang kidlat , sanhi ito para makita ko ang kanyang kabuuang pustura.

ERR! Bakit nakabonet? Hindi na din ba sila gumagamit ng witch hat?

Habang papalapit siya sa akin, nakita kong inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang likuran.

Patay! Sabi ko na papatulugin niya ako, gamit ang kanyang wand. Wait! Diba natusok ng karayom si Princess Aurora? Err! Itinaas na niya ang kanyang kamay, pero, hindi magic wand yun. Isang injection ang hawak niya. Lupet talaga ng witch na to hitech na din sila hehe.

Nang makalapit na siya sa akin ay hinawakan niya ang aking braso. PERO…

“Ooops! Hindi ako papayag na patulugin mo ako ng habang buhay! Binabawi ko na yung wish ko, gigising na ako pagtumunog na yung pangit kong alam clock!” Bigla akong tumayo sa ibabaw ng kama at itinalukbong ko sa kanya ang kumot ko. Mejo mabigat at makapal yung kumot kaya hirap siyang tanggalin yun. Bumaba ako at tinulak ko siya sa kama. Naghanap naman ako ng pwedeng ipukpok sa kanya.

THE MAFIA BOSS IS IN-LOVE (Guns and its Deadly Lovely Roses)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora