Chapter 4 - Minuteman Inn

3.8K 82 5
                                    

CHAPTER 4 - MINUTEMAN INN

Hala! Asan naba ako? Wala na akong nakikitang mga bahay dito, halos malalaking puno na ang mga nasa paligid ko

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

Hala! Asan naba ako? Wala na akong nakikitang mga bahay dito, halos malalaking puno na ang mga nasa paligid ko. Tapos ang dilim-dilim pa, tanging liwanag lang na nanggagaling sa aking sasakyan ang nagsisislbi kong ilaw sa daan. Its 9:30 pm at kanina ko pa kinocontact sila Yna, pero mga can't be reach, tapos ngayon ako naman ang walang signal.

Ang tahimik ng paligid, kahit kuliglig o kaya huni ng ibon wala akong naririnig. Buti na lang talaga okay pa yung stereo ng kotse ko na to atleast my sounds ako dito, kung hindi. Wah!! Mamatay ako sa kaba dito.

Hay kapag ako yumaman bibili ako ng kotse tapos papalagyan ko ng sound system, hoho para masaya.

Kaso, kailangan ko pa pala ng limang milyon para sa villa, huhu san ako hahanap nun.

"WHAT A LIFE?!"

Halos pumailanglang sa kotse ko ang aking boses. Hinawakan ko ng mahigpit yung steering wheel as I tried not to consider kung ano ang maaring mangyari sa aking pagtahak sa daan na parang walang hangganan. If ever na kumidlat o kaya humangin ng malakas at matamaan ang isa sa mga puno dito, at matumba sa harapan ko, atleast ready agad ako. TAMA dapat laging alert ang mind. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang pinagpatuloy ko ang aking pagmamaneho baka sakaling may makita akong bahay dito.

CRAP! Pano pala kung ang lugar na ito ay wala sa mapa ng ng Pilipinas? O kaya hindi nakaregister sa mapa ng Baguio City? OH HINDI, pano kung totoo yung mga movies tungkol sa chainsaw massacre? Kung hindi naman, pano kung ang bahay na mapuntahan ko dito ay pumapatay ng tao tapos ginagawang wax? Kung hindi naman, pano kung masiraan ako dito tapos may mga lalapit sa akin na mukang tao pero kumakain naman pala ng tao? *BLAAAAGG!!!*

"AHHHHHHHH!!!!" sigaw ko habang nakapikit.

Heto na! Ito na yun!

Alin sa mga nabanggit ko ang mangyayari sa akin? Wait, wala akong pinuntahang bahay dito, so wala na sa pagpipilian yung magiging wax ako. Baguio Chainsaw Massacre o Carnivals?

Sinampalsampal ko ang aking muka at mahigit limang minuto akong nanatili sa loob ng kotse tsaka ko napagdesisyunang lumabas para malaman kung ano ang nabangga ko. Kinuha ko ang flashlight sa bag ko pati na din yung malaking wrech para may mahimpas ako kung sakali lang naman.

Lumabas ako at in-on ko ang flashlight, inilawan ko ang daang pinanggalingan ko.

WAHH! Nakakatakot.

Umupo ako para masilip ang ilalim ng kotse. Inilawan ko ang harap, kaliwa, kanan pero wala naman. Nagsimula ng lumakas ang tibok ng puso ko dahil lumalakas na ang ihip ng hangin at nagsimula na akong kabahan. Sinubukan ko ulit ilawan ang ilalim baka hindi ko lang napansin. Sa harap, wala talaga, sa kaliwa, wala din at kanan?

WAH!

Bigla akong napaatras dahil may lumawit na kamay mula sa gulong. Feeling ko lahat ng dugo ko ay napunta na sa mukha ko, nakasagasa lang pala ako ng kokak.

THE MAFIA BOSS IS IN-LOVE (Guns and its Deadly Lovely Roses)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz