Chapter 8 - The Three Musketeers (Part I)

3.4K 61 5
                                    

CHAPTER 8 - The Three Musketeers (Part I)

Nagising ako sa isang kalagitnaan ng kagubatan. Nakahiga ako sa isang napakagandang ??

Ano to? Isang coffin? At napapalibutan pa ako ng maraming mapupulang rose? Tinignan ko ang aking sarili at suot ko pala ang damit ni Snow White. Ako si Snow White? Eh parang ang labo naman...

Asan naman kaya yung 7 dwarfs ko?

Ang aliwalas ng paligid, ang bango ng simoy ng hangin, maririnig mo pa ang huni ng mga ibon.

Sa di kalayuan ay may narinig akong yabag ng kabayo. WAHH yung prince na siguro yun! Dalidali akong bumalik sa pagkakahiga.

NAEEXCITE AKO!!! Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata nang maramdaman kong papalapit na siya sa kinaroroonan ko.

Ang bango niya. Hinaplos niya ang aking buhok, gusto ko sana siyang tignan kaso baka mahalata niya ako.

"Napakagandang binibini." wika niya.

Hindi ko matiis na hindi ko siya makita, kaya binuksan ko ng bahagya ang aking mata.

Ngeee! Malas naman, nakamaskara siya, pano ko siya makikita? Ang daya naman ...

Napansin kong nakatititg siya sa aking muka, hinaplos niya ng dahan dahan ang aking pisngi at unti unti niyang inilapit ang muka niya sa akin. Gustong tumalon ng puso ko sa sobrang kaba. Maglalapit na sana ang aming mga labi ng may humila sa paa ko.

"WAHH!"

"Ms. Adamson!" saway sa aking ng aming professor.

"Ma'am sorry po," nananaginip lang pala ako, hay akala ko totoo na yun. Sayang hindi ko siya nakita. Ang daya talaga, bakit ba kasi ganun?

"Anyway guys, bago ko ituloy ang klase. Let me introduce you your new classmate. At makakasama niyo pa siya sa next sem nyo. You can come here now."

WOAH! Eto na yung alien na sinasabi ni Maylin.

Pumasok ang isang lalakeng matangkad, malakas ang dating, kissable lips, pointed nose, medjo may kalakihan ang pangangatawan at kulay GRAY ang kanyang mga mata!

"YEEEEEE!!!" Nagtilian ang mga kaklase kong babae at binabae. Pati mga paminta! Grabe ngayon lang ba sila nakakita ng alien? Sabagay ako din ngayon lanhg. Pero ang isang to, wala sa mga naresearch ko na may alien na ganito ang itsura.

Gray ang mga mata niya. POSITIVE isa siyang alien. Hindi niya maitatago sa akin yun.

"Silence!" Pagpapatigil ni Ms. Sanchez ang aming professor.

Nagsitigil naman ang mga kaklase ko. Halos hindi matanggal ang paningin nila sa alien na yun. Syempre except sa mga boys. Kung ang tingin ng mga nagtilian kanina ay parang makakatunaw, sa mga boys naman, parang mananakmal ang pagtitig nila sa alien.

HHmmm. Isa lang ibig sabihin nito. Una nilang pinupuntirya ang mga babae, kasi mahihina sila. But wait, hindi niya ako kaya..

THE MAFIA BOSS IS IN-LOVE (Guns and its Deadly Lovely Roses)Where stories live. Discover now