Prologue

4.5K 99 23
                                    


Inikot-ikot ko ang mga puting rosas na hawak ko. Matagal na akong naghihintay dito pero hindi pa rin siya dumadating. Ilang minuto na lang ang natitira.

Tumingin ako sa malayo kung saan natatanaw ko ang palasyo. Mula sa kinalalagyan ko kitang – kita ko liwanag na nanggagaling dito.

Ipinikit ko ang mga mata ko at kasabay noon ang pagbibigay ng kulay at ingay ng mga paputok.

"Tapos na."

Naramdaman ko ang pag iba ng tibok ng puso ko. Hindi ako ang pinili niya, nalabanan niya ang kapalaran naming dalawa kagaya ng ginawa niya noon.

"Nabigo na naman ako."

Iminulat ko ang aking mga mata ng maramdaman ang presensya ng Reyna.

"Dahil hindi mo sinabi sa kanya ang katotohanan kung ano ang magiging kapalit ng pag-laban niya sa kapalaran ninyong dalawa."

Nararamdaman ko ang init na nagmumula sa marka ko sa aking likuran at kasabay nun ang panghihina ng katawan ko.

"Hindi naman na importante ang bagay na iyon. Isa pa, siguro nga masyado ng matagal ang nailagi ko sa mundong ito."

Umupo sa tabi ko ang Reyna at hinahawakan ang aking nanlalamig na kamay.

"Ang haba ng panahon hinintay mo para lang makasama siya. Ang dami na ng pinagdaanan mo, ngayon ka pa ba susuko?"

May punto naman ang reyna pero iba ang mangyayari ngayon. Iba ang nakikita ko sa mga mangyayari.

"Pwede mo naman gawin ang ginawa mo noon. Pwede mo pang baguhin ang mga pangyayari."

Tumayo ako at inilapag ang hawak ang kaninang puting rosas na ngayon ay wala nang buhay. Gaya ng nararamdaman ko ngayon.

"Tama ka, pero.."

Malungkot akong tumingin sa palasyo. Naririnig ko ang kasiyahan na nagaganap doon. 

"Magiging makasarili na naman ba ako?"


FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon