Fate VII - THEO

336 29 1
                                    

Ilang araw na ang nakalipas simula nang bumalik si Prinsesa Penelope at hindi maipagkakaila ang kasiyahan sa mukha ni Reyna Odessa. Ilang beses na rin kaming nagkaroon ng pagkakataon magkausap ng prinsesa.

Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi ko na masyadong nakikita si Ada. Tuwing magkakaroon ng pagpupulong ay hindi na ito pumupunta o di kaya'y sasaglit lang tapos aalis din. Kung dati ay kung saan-saan ko siya nakikita ngayon maswerte na sa isang linggo ay makita ko siya.

Kaya tuloy hindi ko mapigilang mag-isip na ang dahilan ng pagiging mailap ni Ada ay ang pagdating ni Prinsesa Penelope.

'Theo, pumunta ka sa palasyo..'

Iyon ay ang tinig ni Reyna Odessa. Napabuntong hininga ako at sa isang iglap lang ay nasa harapan na ako ng mahal na reyna. Andun ang lahat pero gaya ng dati wala si Ada.

"Paumanhin sa biglaang pagpapatawag sa inyo."

Nagsalita ang reyna. 

"May problema po ba mahal na reyna?"

Tanong ko naman. Umiling ito at saka ngumiti.

"Wala naman. Alam kong marami tayong napagdaanan nitong nakaraang araw.  Pero nais ko lang sanang magkaroon ng selebrasyon para sa pagbabalik ng aking anak."

Sabi ng reyna. Sa mga ganitong pagkakataon si Ada ang maraming ideya, pero dahil wala siya ngayon marahil ay si Lexie at Thalia ang mamamahala ng lahat.

"Pero nalalapit na rin ang araw ng Moirae, Reyna Odessa."

Sabay na sambit ng kambal.

"Hindi ba't mas dapat natin pagtuunan ng pansin iyon. Hindi dahil sa hindi namin nais na magkaroon ng selebrasyon sa pagbabalik ng prinsesa ngunit alam mong kung gaano kahalaga ang Moirae."

Seryosong sabi ni Lexie. Alam kong importante sa buong kaharian ang araw ng Moirae pero pakiramdam ko sa sinabi ni Lexie ay may iba pang dahilan. Pinagmamasdan kong mabuti ang reyna, nag-iisip itong mabuti.

"Walang masama sa isang maliit na kasiyahan."

Lahat kami ay napatingin sa itaas kung nasaan si Ada. Nakasabit ang dalawang paa nito habang nakalay-lay lang ang mga kamay. 

"Bakit ba gulat na gulat kayo? Kanina pa ako nandito wala man lang nakakapansin sa akin."

Sabi pa nito. Hindi ko maintindihan ang sarili ko tuwing nakikita ko si Ada. Gumagaan ang pakiramdam ko kahit na noong una ko palang siyang nakita. 

Isa pa lamang akong estudyante noon at naghahanda pa lang upang maging isang kawal ng kaharian. Noong araw ba nakita ko siya ay kasama siya ni Pinunong Lino, ang aking guro at ang dating pinuno ng kawal. Rinig na rinig ko ang pagtawa nito sa mga kwento ni Amir. Hindi ko pa makita ang mukha niya dahil nakasuot ito ng itim na balabal.

Hindi ko maitago ang kuryosidad na makita ang babaeng kausap ng aking guro. Pero nang magtama ang tingin naming dalawa ay natigilan ito ngunit ngumiti ng pagkatamis-tamis sa akin. Napansin iyon ng aking guro at tinawag ako upang lumapit sa kanila. 

"Heto na siya, Ada. Si Theodore Archer ang sinasanay ko upang pumalit sa akin balang araw bilang pinuno ng mga kawal. Theo, ito si Ada, ang matalik na kaibigan ni Reyna Odessa."

Ibinaba nito ang balabal at ngayon ko labis napagmasdan ang babaeng nasa harapan ko at tila huminto ang oras ng sandaling iyon. Ada..

"Ikinagagalak kong makilala ka, Ada."

Napabalik ako sa reyalidad ng biglang dumating si Penelope. Nagkatinginan sila ni Ada, pero ang unang umiwas ay si Penelope. Hindi ko alam pero parang ako lang ata ang walang alam sa nangyari sa dalawang babae.

"Odessa, pupuntahan ko lang si Keiron."

Nagulat ako sa paraan ng pagsasalita ni Ada sa reyna. Parang hindi siya ang nagsalita noong mga oras na iyon. Hindi naman kumibo ang mahal na reyna at sa isang iglap ay nawala si Ada.

At iyon na naman ang huling beses na makita ko siya. Ilang buwan na ang nakalipas pero ni-anino ni Ada ay hindi ko nakita. Kahit na noong selebrasyon sa pagdating ng prinsesa ay wala siya, pero ang sabi naman ni Lexie, ay nandoon si Ada.

"Anong ginagawa mo dito?"

Nagulat na lang ako ng makita kong nakatayo sa aking harapan si Ada. Takang-taka pa ako kung bakit nasa harapan ko siya. Napatingin ako sa paligid ko at doon ko lang nalaman na nasa itim na lawa ako.

"Hindi ko alam? Pupuntahan ko dapat ang mga kawal para tignan ang kanilang pagsasanay. Hindi ko alam kung bakit ako dito napadpad."

Sagot ko sa kanya. PInagmamasdan ako ni Ada na para bang binabasa ang laman ng utak ko. Noong ko lang napansin na suot-suot niya ang parehong itim na balabal nung una ko siyang makita noon. Bagay na bagay ito sa kanya, mukha siyang isang diyosa. Bahagya itong ngumiti at saka tumalikod sa akin at saka umupo sa damuhan.

"Alam mo ba Theo, kung anong meron sa lawang ito kung bakit kulay itim?"

Tanong niya sa akin habang pinaglalaruan ang mga damo. Umupo ako sa tabi niya at tumingin sa lawa.

"HIndi ko alam pero ang sabi ni Pinunong Lino noon, ang lawang ito ang magpoprotekta at magwawasak sa kaharian ng Moirae."

Tanda-tanda ko pa kung paano kami pinagsasabihan noon na huwag lalapit sa lawang ito. 

"Tama siya. Pero ang dahilan kung bakit itim ito ay dahil sa kalungkutan."

Napatingin ako sa kanya. Ang layo ng tingin niya.

"Alam mo naman ang history ng kaharian hindi ba? Kung paano  itinatag ng unang reyna ang Moirae?"

Tumingin ito sa akin pero umiling ako. Bahagya itong natawa.

Ang unang reyna ng Moirae. Wala masyadong nakakaalam tungkol sa unang reyna dahil wala naman ito sa mga libro.

"Shotcut ko na lang para sa yo. Itinatag ang kaharian na ito dahil sa isang pangako, Theo. Sa tagal ng paghihintay niya, lahat ng kalungkutan at sakit na nararamdaman niya at ibinuhos niya sa lawang ito."

Dahil sa isang pangako? Mukhang nabasa naman ni Ada ang pagtataka sa aking isipan.

"Pangakong sa susunod na buhay ay siya naman ang pipiliin niya."









Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon