FATE III

602 33 1
                                    

"Hindi lahat sila ay kakampi mo, Ada."

Hindi maalis sa isipan ko ang sinabi ni Lucian. Ayokong masyadong isipin ang bagay na iyon pero hindi ko maitatanggi na tama ang sinabi ng lalaki na 'yon. 

Pero hindi ko maintindihan, hindi ganito ang mga pangyayari noon. Dahil ba sa pagtakas ni Eris? Kung ganoon, nauubos na ang oras ko.

Bigla akong napangiti ng maramdaman ko ang presensiya niya.

"Sa lahat naman ng pwede mong paglipasan ng oras dito pa talaga. Alam mo bang pwede kang mamatay dito!"

Sabi ni Theo habang hinahabol hininga. Tumingin ako sa gawin niya at mahina akong natawa dahil sa itsura niya. Pawis na pawis at hingal na hingal. Paano ba naman masyadong mataas ang kinaroroonan namin ngayon. 

Nasa tuktok  kami ng pinakamataas na tore sa buong kaharian. Ang tawag nila dito ay ang Tower of Moirae. 

Umupo si Theo sa tabi ko. Habang nakaharap sa tatlong larawan ng babaeng nakasuot ng itim na cloak na may hawak na gintong sinulid.

"Hindi sila Bathala di ba?"

Natawa ako sa tanong ni Theo at saka umiling.

"Pero ang sinabi  sa akin noon ni Pinunong Lino, na ang Moirae ang pinakamakapangyarihan sa lahat, mas makapangyarihan pa kaysa kay Abba. Dahil maski siya ay hindi mababago ang kapalaran ibinigay ng Moirae sa bawat nilalang."

Kapalaran. Isang salita pero makapangyarihan. 

"But i think hey're unfair."

Bigla akong napatingin kay Theo dahil sa sinabi nito

"Kung si Abba nga hindi pinapakielaman ang kapalaran natin pero he just guides us. Pero bakit ang Moirae, kailangan sila ang magdesisyon sa mangyayari sa buhay natin? Pati na rin sa taong makakasama natin habang buhay sila ang  magdedesisyon. Mas gusto kong ako ang magdedesisyon kung sino ang babaeng makakasama ko habang buhay. Gusto kong paghirapan ang pagmamahal niya."

Seryoso ang bawat salitang sinasabi niya sa akin. Aaminin ko may point siya pero hindi ganoon kadali ang lahat.

"Alam nating pareho na wala pang nilalang ang nagawang labanan ang kapalaran nila, labanan ang kagustuhan ng Moirae.  At isa pa, ano ang sasabihin mo sa kanya? Basta-basta mo na lang bang babalewalain ang babaeng yun?"

Natahimik siya halatang pinag-iisipan niya ang sinabi ko. Gusto ko sanang sabihin, "Anong sasabihin mo sa akin?"

"Sasabihin ko sa kanya ang totoo. Alam kong masasaktan siya pero mas mainam na iyon kaysa mabuhay siyang kasama ako baka hindi ko siya mapasaya. Naniniwala ako na kaya kong labanan ang kagustuhan ng Moirae."

Hindi ko alam kung alam ba ni Theo ang mga sinasabi niya. Hindi niya ba alam ang pwedeng maging kapalit ang gagawin niya? 

"It's not that easy, Theo. Everything has a reason. Ginawa iyon ng Moirae ay para wala ng taong masasaktan dahil sa pagmamahal."

Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Theo sa sagot ko.

"Ada, parte na ng buhay ng tao ang masaktan. Kung hindi masasaktan ang tao, paano tatatag ito."

Kinuha niya ang kanang kamay ko at inilagay sa dibdib niya kung nasaan ang puso niya. Ramdam na ramdam ko ang pagtibok nito. Napatingin ako sa mga mata niya. Nararamdan ko na sumasabay ang pag-tibok ng puso ko.

Bigla akong napalayo sa kanya. Hindi pa niya pwedeng malaman. 

"Ikaw ba, Ada? Handa ka na bang makita ang lalaking para sayo?" 

Tanong niya. Ngumiti ako at lumapit sa edge ng tore. Ramdam ko ang paghampas ng hangin sa akin.

  "Nakita ko na siya. Hindi pa lang niya ako nakikita." 

Pagka sagot ko tumalon ako mula tuktok ng tore. Nakita ko naman na nanlaki ang mga mata ni Theo sa ginawa ko.

"Sinabi ko ng delikado dito!" 

Sumigaw siya habang nakatingin siya sa akin habang nahuhulog ako. Natawa ako sa itsura niya. 

"Nakatingin ka sa akin pero hindi mo pa rin ako makita..."

Ipinikit ko ang mga mata ko. Bago pa man ako bumagsak sa lupa ay nagawa kong lumanding ng maayos.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang nagmamadaling na si Theo. Tumayo ako ng maayos at humarap sa kanya. 

"Oy? Bakit pagod-pagod ka?" 

Natatawa kong tanong. Sinamaan lang niya ako ng tingin. Umupo ito sa damuhan at saka hinahabol ang hininga. Ilang steps na nga ba ang toreng yun? Libo ata yun.

Bigla naman dumating Lexie.

"Anong nangyari?" 

Habang pabalik-balik ang tingin sa amin ni Theo. Tinuro ako ni Theo at saka umalis. Pinagmasdan ko lang siyang naglalakad palayo sa amin.

"May sasabihin ka ba sa akin, Lexie?"

Tanong ko. Nakita ko naman sumeryoso ang mukha ni Lexie.

"Gusto kang makausap ng reyna."




FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon