FATE II

749 27 1
                                    

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok. Bukod sa ilang kawal, ako na lang ata ng gising sa buong kaharian. Kaya naisip ko munang maglakad-lakad at magpahangin baka sakaling dalawin na ako ng antok. Hinahayaan ko lang kung saan ako dalhin ng aking mga paa. 

Napatigil ako ng mapansin kong nasa harapan na ako ng rebulto ni Abba. Si Abba, ang maykapal sa lahat. Ang lumikha ng mundo at taga-subaybay sa lahat. Ang pinakamataas sa lahat ng bathala.

Tumitig ako sa batong mga mata nito. 

"Kung nandito ka, anong gagawin mo?"

Tanong ko sa bato. Natawa ako sa sarili ko dahil hindi naman sasagot ang isang rebulto sa akin.

 Ang kinalalagyan ng istatwa ni Abba ay  ang simula at wakas ng itim na lawa na pumapalibot sa kaharian. Gusto ko sanang ipaalis ang rebulto ni Abba pero hindi pwede kasi may pakinabang  sa akin ito. Ito ang palatandaan ko na nasa hilagang bahagi na ako ng kaharian.

Ang itim na lawa ang nagsisilbing pananggala ng buong kaharian. Mahiwaga ito dahil bago pa man mabuo ang kaharian ng Parcae ay nandito na ito.  Walang sinuman ang nakakaalam kung bakit ganito ang kulay nito.

May mga nagsasabing inihandog daw ito ng mga bathala para protektahan ang isang mahalagang bagay na nandito sa loob ng kaharian.  Tama naman sila sa bagay na iyon dahil nasa pangangalaga ng reyna ang Scepter of Fate.

Umihip ang malakas na hangin kasabay nun ang pagdaloy ng init sa akin likuran at ang pagbigat ng aking pakiramdam. 

"May hindi magandang mangyayari ngayon gabi." 

Naisipan ko ng bumalik sa palasyo nang may malakas na pagsabog akong narinig sa timog na bahagi ng kaharian. Malakas na pagsabog na halos yumanig sa buong kaharian. Kaya sa isang iglap lang ay nandoon na ako sa pinanggalingan. 

Pagkarating ko ay mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Napapalibutan ang paligid ng makapal na usok at halos wala akong makita.

Wala pang kawal ang nandito ako pa lang ang nauna pero alam kong hindi ako nag-iisa. 

"Ada."

Isang boses ng  lalaki ang umalingawngaw at kilala ko kung sino ang nag-mamay ari nito. Unti-unting nawala ang makapal na usok. And in front of me is a half-naked guy with red eyes.

"Lucian."

 Si Lucian ay isang makapangyarihang warlock at isa sa apat na tapat na alagad ni Eris.

"Ang tagal nating hindi nagkita pero hindi ka pa rin nagbabago. You're still the most beautiful woman i have ever seen."

Hindi ako kumibo sa sinabi ni Lucian. Matagal na panahon din ang nakalipas ng huli kong makita ang lalaking ito, matapos kong ikulong si Eris.

Aakmang lalapit ito sa akin pero hindi niya ito magawa dahil sa pananggala. Tumawa ito ng malakas.

"Alam nating pareho na hindi kayo habang buhay mapoprotektahan ng lawang ito. Lalung-lalo na ngayon na nakalaya na siya."

Tama ang sinabi niya pero hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa buong kaharian.

"Sabihin mo sa akin kung sino ang nagpalaya sa kanya?"

Tanong ko. Ngumisi siya sa akin.

"Hindi lahat sila ay kakampi mo, Ada."

Naramdaman ko ang pagdating ng mga kawal. 

"Ada!"

Si Theo. Maya-maya pa ay nasa tabi ko na ito.  Nakita ko ang pag-liwanag ng pulang mga mata ni Lucian habang nakatingin kay Theo.

"Hanggang ngayon pa rin pala hindi ka pa rin sumusuko. Sabihin mo sa akin, Ada. Ilang beses ka na bang nabigo?"

Saglit akong tumingin kay Theo at bakas sa mukha nito ang pagtataka. Hindi niya pwedeng malaman, hindi pa ngayon ang oras.

"Nasaan siya?"

Ngumisi siya sa akin at saka itinapat ang kamay niya sa harang na naglikha ng napakalakas na pagsabog. Halos natumba ang lahat ng kawal pero hindi ako natinag sa kinatatayuan ko.

"Nasa paligid lang siya. Naghihintay ng pagkakataon. She'll take her revenge."

Narinig ko ang tinig ni Lucian sa aking isipan. 

Hindi ko namalayan na may mga kamay na yumakap sa akin para protektahan ako mula sa mga kahoy na tumatalsik dahil sa lakas ng pagsabog. Lumikha ito ng isang makapal na usok, hinawi ng taong nakayakap sa akin ang usok kaya nakita kong wala na si Lucian.

"Ada, ayos ka lang ba?"

Hinawakan ni Theo ng marahan ang aking mga kamay. Hindi ko maiwasan pagkatitigan ang kanyang mukha.

"Theo..."

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Tinignan niya kung may sugat ako o galos. Nang wala siyang nakitang kahit ano saka lang siya kumalma.

Nag-aalala siya sa akin. Hindi ko mapigilan ang saying nararamdaman ko. Pero nawala ang saya ko ng maalala ko ang kaligtasan ng lahat.

"Maayos ba ang lahat?" 

Agad kong tanong sa kanya. Tumnago lang ito habang nakatingin sa mga kawal.

"Nakabantay ang iba sa palasyo at sa reyna." 

Tumango ako lang ako bilang sagot sa sinabi niya akin.  Biglang dumating si Lexie.

"Ada, ipinapatawag ka ng reyna." 

Tumango lang ako kay Lexie at sa isang kisap mata nasa silid na ako ni Reyna Odessa.

"Si Lucian?" 

Bungad sa akin ng reyna. Tumango lang ako at naglakad  papalapit sa bintana kung saan tanaw ko ang buong kaharian.

"Kailangan na nating kumilos dahil hindi mag-aaksaya ng panahon si Eris."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Paano na ang selebrasyon ng Moirae?" 

Tumingin ako sa kanya.

"Ikaw ang reyna, bakit ako ang tinatanong mo?"

Natawa siya sa sinabi ko.

Lumabas na ako ng silid ng reyna matapos naming mag-usap. Hindi na naman ako makakatulog nito dahil sa nangyari ngayon gabi.

Nakasalubong ko si Lexie, ang kambal at Theo.

"Ada, saan ka pupunta?" 

Tanong ni Lexie

"Maglalakad-lakad muna ako. Mukhang hindi ako makakatulog sa dami ng iisipin ko bukas."

Nakangiti kong sagot kay Lexie.

"Samahan ka na namin, Ada." 

Sabi pa ng kambal pero umiling ako. Kailangan kong mapag-isa ngayon. Nararamdaman ko ang titig ni Theo sa akin.

Napadako ang tingin ko kay Theo. Naalala ko ang nangyari kanina, sana lang ay hindi siya magtatanong sa mga pinagsasabi ni Lucian.

"Nga pala, Theo. Salamat." 

Pagkasabi ko noon ay agad ko na silang iniwan. Hindi ko namalayan na nasa harapan na naman ako ng rebulto ni Abba.

"Gagantihan na niya ako sa ginawa ko sa kanya. Sa tingin mo, sino sa amin ang matitira?"

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon