FATE IV - THEO

535 21 0
                                    

Nag-iikot ako sa paligid ng palasyo ng biglang lumindol ng malakas. Muntik na akong mabagsakan ng puno buti na lang ay nakaiwas ako. Dali-dali akong bumalik sa palasyo at hindi maganda ang naabutan ko.

Halos masira ang ang buong paligid, maski ang matataas na tore ng palasyo ay nagbagsakan. Ang mga tao ay halos nag-tipon sa labas ng kani-kanilang mga tahanan. 

'Ano bang nangyari?'

Nakita ko ang na papalapit sa kinaroroonan ko ang kambal. 

"Anong nangyari?"

Tanong ko agad sa kanila. Nagtinginan ang dalawa saka nag-kibit balikat. 

"Siguraduhin ang kaligtasan ng lahat. Tipunan lahat ng kawal at siguraduhing walang kalaban sa paligid."

Tumango ang dalawa saka umalis. Tumingin ako sa pintuan ng palasyo, nakita kong papalabas doon si Thalia Grace. Halatang balisa ito at parang may hinahanap. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit.

"What happened?"

Tanong ko pero imbis na sagutin ako ay bigla na lang niya akong hinatak papasok sa loob ng palasyo. Kung malala ang sitwasyon sa labas mas malala ang sa loob ng palasyo. Para bang may nangyaring giyera.

Nang makarating kami sa throne room ay natigilan ako sa nakita ko. Si Lexie at Reyna Odessa ay kinakalaban si Ada. 

"Ano ito?"

Seryoso kong tanong kay Thalia. 

"I don't know. Just make them stop. Kailangan ko ang kambal dito just in case."

Tapos ay nawala na naman si Thalia. Ako lang ay nakatitig sa tatlong babaeng nag-lalaban. Hindi ko maiwasang mamangha dahil ito ang unang beses na nakita kong nakikipaglaban ang reyna lalo na si Ada.

Natauhan lang ako ng may matulis na bagay ang tumama sa pisngi ko. Napatingin sa akin ang tatlo. 

"Theo!"

Nagulat ako ng makitang sa isang iglap lang ay nasa harapan ko na si Ada. Pinagmasdan niya ako na para bang ngayon niya ako nakita. Ang mga mata niya ay itim na itim.

"Papatayin kita."

Hindi ko alam pero parang nasaktan ako sa sinabi ni Ada. Ano bang nangyari?

Akmang sasaksakin ako niya ako  pero biglang dumating ang kambal at mabilis na inilayo si Ada sa akin.

"I need Keiron here. Nasaan na ba ang matandang iyon?"

Rinig kong sabi ng reyna. Keiron? Ang tinutukoy ba niya ay ang pinakamatandang nilalang dito sa kaharian?

Mabilis na nakawala si Ada sa kambal at sila naman ang nag-laban. Those two are unbeatable kapag magkatulong sila pero parang wala lang sila kay Ada. She's like something else.

Bumagsak si Adonis dahil sa lakas ng sipa ni Ada sa kanya. Sumugod si Alessandro pero parang papel lang siyang itinulak ni Ada. Nabaling ang tingin niya sa reyna.

"Ada, calm down!"

Sigaw ni Lexie. Pero parang walang narinig si Ada at unti-unting lumapit kay Reyna Odessa. Nagulat ako ng may boses na nagsalita sa tabi ko.

"She's always destroy things."

Napatingin ako sa nilalang na may silver na hanggang balikat na buhok at mga matang kulay asul. Ang nilalang na ito ay si Keiron.

"You should stop her. You're the only one who can."

Nag-liwanag ang asul na mga mata nito at sa isang iglap ay nasa likuran ko na ito habang may nakatutok sa maliit na punyal sa leeg ko. Ramdam ko ang hiwang ginawa ni Keiron sa leeg ko at kitang-kita ko kung paano din natigilan si Ada at biglang lumingon sa amin. Sa isang iglap lang ay ilang hakbang lang ang layo niya sa amin.

"HIndi ko gustong magkita tayo ulit sa ganitong sitwasyon, Ada."

Ang kulay ng mga mata niya ay papalit-palit na para bang nalilito siya sa nangyayari at sinamantala iyon ng reyna. May ipinainom ang reyna kay Ada habang si Lexie at ang kambal naman ay hawak ito.

Lumayo na sa akin si Keiron at lumapit kay Ada. Napasandal ito sa kanya dahil biglang nawalan ng malay si Ada suguro dahil sa pinainom nila.

Nakita ko ang paghaplos ni Keiron sa mukha ni Ada. Hindi ko maintindihan pero may pagseselos akong nararamdaman. Pero bakit naman ako magseselos? 

Narinig namin ang isang hikbing nanggaling kay Ada. Napabuntong hininga si Keiron at saka lumapit sa akin habang buhat si Ada.

"You better take care of her, Theodore."

Inabot sa akin ni Keiron si Ada. Habang buhat ko siya at kitang-kita ko ang  mga luhang tumutulo sa mga mata niya. May kirot sa puso ko na hindi ko maintindihan.

"Ilayo mo muna siya, Theo.  Dalhin mo muna siya sa Bacchus, sasamahan ka ni Lexie doon. Kami ng bahala dito."

Sabi ng reyna. Ang Bacchus ay ang tirahan ni Keiron, maraming kwento ang bumabalot sa lugar na iyon.

"Anong ipinainom niyo sa kanya at saka  ano bang nangyari at nag-wala siya ng ganyan?"

Nagkatinginan si Keiron at Reyna Odessa.

"Just a potion to calm her down and she'll be asleep for a few days. So wala kang gagawin sa kanya kundi bantayan lang siya. Ada, tends to be like that once in a while."

Sagot naman ni Keiron. Naramdaman kong biglang sumiksik sa dibdib ko si Ada. Hindi ko mapigilang mapangiti. Dahil sa pagkakakilala ko kay Ada, mailap siya sa mga tao maliban na lang sa reyna.

"Umalis na kayo."

Tumango lang ako at saka naunang lumabas. Saglit akong lumingon sa kanila at nakita ko ang na seryoso ang pag-uusap ng reyna at Lexie. Marahil ay marami pa itong bilin sa kanila. Pero hindi ko maiwasang isipin na may itinatago sila.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon