Ikaapat: Katotohanan

1K 9 0
                                    

Hinatid ng driver si Karisma sa 7eleven na malapit sa kanila. Pagod na pagod ang dalaga kaya naman naisipan niyang bumili muna ng energy drink at magpalamig na rin muna. Dito na rin muna siya magpapalipas ng gabi. Tumakas lang kasi siya sa magulang niya, kunwari ay makikituloy muna sa kaibigan niyang si Tintin.

Dahil mag-aalas dos na nang madaling araw ay wala nang masyadong tao sa 7eleven kaya naman kaagad siyang nakahanap ng bakanteng upuan at la mesa.

Kinuha niya ang cellphone niya mula sa bag niya. Dali-dali naman niyang inopen ang cellular data niya at nag-online at nagbasa-basa sa Facebook.

“Ay mga putanginang madadaya!” asar nitong sabi.

“Ate, chill ka lang pwede?” nagulat naman si Karisma nang makitang may tao sa likuran niya.

“At sino ka namang epal ka?”

“Hindi ako epal, pwede ba? Ang ingay-ingay mo.”

“Edi wow.”

“Ugh, is that how you really react to people?”

“Ha? Ano? Pwe, English pa more, kuya.”

“Tsk, smart shaming.”

“Smart shaming, smart shaming, charot mo.”

Nagulat si Karisma nang umupo ang lalaki sa harapan niya. Matangkad, nakasalamin, chinito at may dala-dalang notebook at libro. Mukhang matalino. Taga-UP siguro ‘to, isip niya.

“Naks, pro-Marcos ka pala ate.”

“Paano mo nalaman?”

“’Yang baller mo...”

“Ah.. oo. Bakit? Ikaw ba?”

“I’m against Marcos.”

“Ha?! Sa dami nang ginawa ni Marcos, against ka? Dilaw ka rin pala eh!”

“Alam mo ate, ayokong makipag-argue sayo. Ayaw kitang husgahan pero sa ginagawa mo, at sa chikinini diyan sa leeg mo, pinapatunayan mo lang na tanga ka talaga.”

Kaagad namang tinakpan ng panyo ni Karisma ang leeg niya. Hindi niya napansing puno ng pula ang kanyang leeg. Ugh, Sandro kasi eh! Kaagad naman siyang namula sa pag-alala sa mga nangyari kani-kanina lang. Nakakalaglag panty ka talaga, Sandro! Pero muling nag-init ang dugo niya sa lalaking kaharap niya.

“Ay tangina neto, ako pang tanga?! Bakit niyo ba pinagpipilitang masama ang mga Marcos? ‘Yan kasi tinuro ng mga dilaw sa inyo! Mga bias na news! Mga walang alam!”

“Sige nga ate, anong mga ginawa ni Marcos? Win this argument and I’ll switch my support to BBM.”

“Unang-una, ang dami kayang nagawa ni Marcos. Mga building, yumaman ang Pilipinas. Tayo ang pinakamaunlad sa Asya. Napakatahimik ng buhay noon. Golden Age nga raw ng Pilipinas diba. Akala ko matalino ka, di mo man pala alam yun.”

“Saan mo napulot yan ate?”

“Di ka ba nagfefacebook? Buti pa mga tao sa Facebook may alam, di tulad niyong mga puro libro lang na bias ang alam.”

“You mean mga meme pages? Mga satirical websites? Tangina.”

“Saritical? Sarical? Ano? Puta, wag mo kong mainglish-english. Wala ka pa ring alam. Kita mo na, wala kang masabi!”

“Okay, let me get this to you straight. Unang-una ate, it does not mean na kapag against BBM ka ay pro-Aquino ka na. Putanginang logic yan. Both families abused their power. Both families killed Filipinos for power. Both families are corrupt. Ginawang business ang pamamalakad sa Pilipinas. Putanginang mga oligarch.”

“H-ha? Oli—ano?”

“Mga ruling class! At yang pinagmamalaki mong infrastructure ni Marcos? Lahat yan galing sa utang! Ilang bilyong dolyar ang inutang niyang si Marcos sa World Bank na hanggang ngayon binabayaran pa rin natin ng P200,000 a year, at sa interes lang yon. Hanggang 2025 ay binabayaran pa rin natin yung lecheng utang na yan. At yang sinasabi mong mayaman ang Pilipinas noon? Totoo yon. Pero tumaas lang nang tumaas ang economic rate natin dahil din sa utang. Ambisyoso rin kasi yang Marcos na ‘yan. Pabida. Patayo nang patayo ng mga gusali at kung anu-ano pero puro utang lang naman. At sinasabi mong marami siyang nagawa? Putangina, 20 years ka ba naman sa termino wala ka pang magagawa? Common sense pairalin din minsan ha? Tapos ano ‘yang sinasabi mong mapayapa buhay noon? Oo, mapayapa! Kasi noong Martial Law wala kang karapatang magsalita kung hindi patay ka! Ang dami-daming pinatay noong Martial Law, mga inosente ang gusto lang ipaglaban ang mga karapatan, pinatay at tinorture, ginahasa, binaboy. ‘Yan ba ang sinasabi mong Golden Age? ‘Yan ba ang pinagmamalaki mong pinaglalaban ng mga meme pages sa Facebook na puro kabobohan lang ang alam?”

Natahimik sa Karisma sa mga narinig. Wala siyang masagot pero ang alam lang niya ay inis na inis ito sa lalaki.

“Hoy, parang buhay ka na nun ha? Tsaka past is past! Hindi kasalanan ni Bongbong ang kasalanan ng ama niya.”

“For you information, nasa edad na si Bongbong noong Martial Law. Did he do anything to make it stop? Wala! And now he keeps denying about their ill-gotten wealth. Past is past but it should never be forgotten. Wala lang sayo ang mga nasirang buhay noong Martial Law? Wala lang sayo na maraming nag-alay ng buhay para lang mapakinggan sila at makalaya tayo sa kasakiman ng mga Marcos?”

“Edi wow. Puro negative lang kasi nakikita niyo.”

“At puro positive lang kasi ang nakikita niyo. At puro memes na walang basehan lang kasi alam niyo.”

“Hoy, ba’t ba masyado kang affected ha? Igalang mo nalang opinion ko, pwede ba?”

“I’m trying to educate you pero mukhang imposible na nga talagang maeducate ang mga taong ayaw making at buksan ang isip nila. Napaka one-sided mo. And yes, oo, affected ako. My lolo was tortured and killed by Marcos. My auntie was raped and tortured. My family was brutally ruined by Marcos. Do you have anything else to add to your intelligent argument?”

Nanginginig ang boses ng binata at nangingiyak na. Hindi na kumibo pa si Karisma. Tumayo ang lalaki at iniwan na si Karisma. Pinagmasdan siya ng dalaga habang tumatakbo patawid sa pedestrian lane, basang-basa, bigla kasing umulan.

Napaisip si Karima sa mga sinabi ng binata. Totoo nga, wala siyang alam. Tuwing AP nila, tulog siya. Umaasa nga lang talaga siya sa mga nababasa niya sa Facebook. Naging one-sided siya. Naging kuntento lang siya sa mga impormasyong nababasa niya pero kailanman ay hindi niya kwinestyon. Nabulag siya sa mga paniniwala niyang sa tingin niya ay totoo.

Yuyuko na sana siya nang mapansin niya ang notebook sa harapan niya. Naiwan nung lalaki. Kaagad naman niyang binuklat ang kwaderno at tumambad sa kanya ang mga notes sa Kasaysayan 1. Nasa wikang Filipino ang mga ito kaya kaagad niya itong naintindihan. Inilipat niya ito sa pinakaunang pahina at doon nakita niya ang pangalan ng lalaking kanina lang ay kausap niya: Alesandro Dela Cruz.

Buong gabi ay binasa niya ang mga sulat sa kwaderno at mga iilang larawan mula sa nakaraan. Kasabay ng bukang liwayway ay ang pag-usbong ng bagong pag-asa sa kanyang puso.

Dali-dali niyang kinuha ang telepono niya at nag-open ng Facebook. Sinearch niya si Alesandro Dela Cruz at nahanap ang profile nito. Kaagad niya namang pinindot ang message button at nagtype...

“Salamat.”

Sandro, Fingerin Mo Ko. Charot!Where stories live. Discover now