Ikalima: Kalokohan

726 10 0
                                    

Sa umaga’t sa gabi’t sa bawat minutong lumilipas.. Hinahanap-hanap kita...

Nagising si Karisma mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa malakas na pagpapatugtog ng bunso niyang kapatid na si Clarisse. Alas diyes na nang umaga kaya naman sikat na sikat na ang araw.

“Hay nako, buti naman gising na ang prinsesa,” biro ni Clarisse.

“P-paano ako nakauwi?”

Takang-taka si Karisma. Sa pagkakaalam niya ay nasa 7eleven siya. Kagabi palang ay kasama niya si Sandro diba? Kaagad naman siyang tumayo at humarap sa salamin. Tinignan ang leeg niya... teka, ba’t walang chikinini?

“Clarisse!” napasigaw si Karisma kaya naman dali-daling lumapit sa kanya ang kapatid.

“Oh, napano ka?”

“Diba sinundo ako ni Sandro kagabi?”

“Ha?! Hoy ate, okay ka lang?! Buong araw ka lang nagbabad sa internet diyan eh. Tapos natulog ka kaagad. ‘Di ka pa nga nag-dinner eh. Hala ka kay mama.”

"Ano?! Kasama ko nga si Sandro kagabi eh!"

Binato ng tuwalya ni Clarisse si Karisma. "Hoy ate, magtatanghali na nananaginip ka pa rin."

Nanlaki ang mga mata ni Karisma. Panaginip lang pala ang lahat.

Panaginip lang lahat!

Halos mapatalon si Karisma. Ibig sabihin... virgin pa ko! Waaaaaah!

Bigla namang nakarinig ng pagkatok sa pintuan ang magkapatid kaya naman kaagad na binuksan ni Karisma ang pinto.

Tumambad sa kanya ang kuya niyang si Kyle kasama ang mga kaklase niya sa kolehiyo. Halos hindi makapaniwala si Karisma sa nakikita.

“Kars, dito muna kami ha? Tsaka pagtimpla mo na rin kaming juice oh? May tinatapos kaming project."

Magrereklamo na sana si Karisma nang may dumating sa isang babae at lalaki sa tabi ng kanyang kuya. Halos himatayin siya sa kanyang nakita. Shet, paano?

"...Nga pala, classmates ko, sina Diana at Sandro.”

Sandro.

Si Sandro!

Hindi si Sandro Marcos na kinahuhumalingan niya, kundi si Sandro. Si Alesandro dela Cruz na kagabi ay kausap niya. Si Alesandro dela Cruz na nagpamulat ng katotohanan sa kanya.

“S-Sandro..”

“Hi. Karisma pala pangalan mo. Nice meeting you.”

Ngumiti ang binata.

Buti nalang talaga at panaginip lang ang lahat.

May bagong Sandro na sa buhay ni Karisma.

Sandro, Fingerin Mo Ko. Charot!Where stories live. Discover now