Mensahe Mula Sa Sumulat

640 8 6
                                    

Kung nakarating ka sa parteng ito, wow! Maraming salamat sa pagbabasa!

Mga bes, ako nga pala si Filipinazi at oo, trip ko lang ‘tong sinulat ko. Hindi ako manunulat, isa lang akong concerned citizen. Pasensya na kung napagdiskitahan ko ang Sandro niyo ha? Lately kasi ay umay na umay na ko sa mga nababasa ko sa Facebook. Puro mga memes, mga info galing sa satirical websites, at mga post na malayo naman sa katotohanan. Golden Age ang Martial Law? Weh? Nabasa niyo na naman siguro ang katotohanan tungkol sa sinasabi niyong Golden Age. Oo, maraming magagandang nangyari noon, pero mas maraming nangyari na hanggang ngayon ay pinagdudusahan natin. Huwag sana tayong makalimot. (Panuorin niyo ang episode ng History with Lourd tungkol sa Martial Law, or better yet, ask the experts. Mr. Xiao Chua from DSLU, Mr. Alvin Campomanes from UP Manila. They know better than Mocha Uson Blog. Duh.)

Sana ay ‘wag lang tayong makiuso. Alamin muna ang katotohanan bago magrepost. Tiyakin na legit ang sources niyo! Parang awa niyo na! Tigilan niyo na mga pinagkakalat sa mga meme pages! Critical thinking please! Hindi porket nakapost sa Facebook ay totoo. At tiyaking hindi satirical page ang source niyo. Maging matalinong Facebook peep sana tayo.

Iwasan natin ang pagiging smart shamers. Saludo ako sa mga iilang taong walang sawa sa pag-eeducate ng mga “mangmang” kahit na nasasabihan lang sila ng “edi wow ikaw na historian” at nalalait ng kung anu-ano. Kung wala talaga kayong alam sa mga pinaglalaban niyo o kung si Mocha Uson Blog o Pepeng Pinakamalupit lang naman ang source niyo, eh shut up nalang kayo.

Walang masamang umidolo basta dapat ay responsable tayong mga mamamayan—botante man o hindi. ‘Wag niyo ring suportahan ang kandidato dahil lang sa pogi o maganda ang anak nila. Pwede ba? Isang malaking kabobohan at katangahan ‘yon.

Tama na ang pagiging talangka. Matuto sana tayong rumispeto sa kapwa natin. Tanga, bobo, stupido, ignorante? Tigilan na natin ang pagtawag ng ganyan sa kapwa natin. Tayo-tayo rin ang makakapagpaangat sa bansa natin. Pagkakaisa ang kailangan natin.

‘Wag niyong pakinggan si Daniel Padilla. ‘Wag tayong magshut up. Sumigaw tayo para sa pagbabago ng ating bansa.

Concerned lang,
Filipinazi

[Nga pala, I would like to thank my sponsors. Charot! Kay moriese na game na game na gumawa ng cover ng story na 'to for free. Tsaka kay Maidenhair na first reader ko. I just met them online pero grabe talaga mga gurls! Check their stories. Amazeballs, pramis. And of course, ang inspirasyon ko sa pagsulat ng kwentong 'to, ang friend kong si Jai na patay na patay kay Sandro. Bati na tayo be? Basta sa akin si Luis Hontiveros. ❤]

Sandro, Fingerin Mo Ko. Charot!Where stories live. Discover now