Chapter One

249 3 0
                                    

"Sir, andito na po tayo," narinig kong sabi ng driver ko sa harapan ng kotse kahit nakasuot ako ng headphones at nakikinig ng music.

🎶 Ladies all across the world, listen up! We're looking for recruits.

If you're with me let me see your hands, stand up and salute!

Get your killer heels, sneaker pumps or lace up your boots. Representing all the women. Salute! 🎶

Tinanggal ko ang headphones ko at mabilis ko iyong inilagay sa loob ng backpack ko.

"Salamat, kuya!" masigla kong sabi saka ko binuksan ang pinto ng kotse. Pero bago ako tuluyang lumabas ay tumingin ako kay kuya Rhanie, ang driver ko, saka ko sinabing, "Dating oras po mamaya, kuya."

Lumingon siya sa'kin saka ngumiti. "Yes, sir! Ingat po kayo."

Napangiti din ako dahil sa sinabi niya. "Kayo rin po," sabi ko saka tuluyang lumabas sa kotse.

Nang makaalis ito ay pumasok na ako sa gate ng school campus. I inserted my ID at the machine then nakapasok na ako.

Yeah, my school is kinda luxurious and exclusive. Only wealthy people can get to study here though meron din namang mga scholars na yung mga medyo kinakapos sa pangtuition pero deserving mag-aral sa isang exclusive school.

Inayos ko ang Louis Vuitton backpack ko habang naglalakad ako sa hallway papuntang classroom ko.

Damn, I'm late. Napuyat ako dahil sa Korean series na pinanuod ko kagabi. Descendants of the Sun.

Dahil late narin naman na ako, naisipan ko nalang bigla na wag na munang pumasok sa first subject ko.

I immediately pivoted and went straightly to the restroom to check kung maayos ba ang itsura ko o mukha akong bangag because honestly, ang bigat ng mga talukap ng mga mata ko.

Anong oras ba ako natulog kanina? Four? Five? I don't know. Then I woke up at 7:30 to come here to school.

Kung bakit naman kasi nagsisipagsipagan pa ako eh. I could have stayed in bed and probably snoring at this moment.

Nang makapasok ako sa restroom ay agad akong humarap sa napakalaking salamin. Inilapit ko ang mukha ko and I saw my disgusting eyebags. Yuck!

Agad kong inilabas ang make up kit ko mula sa backpack ko and started applying concealer to hide my dark circles. Ugh! This is irritating. Buti nalang at maganda parin ako.

Ha!

Patapos na ako nang biglang bumukas ang main door ng restroom at may lalaking patakbong pumasok at dumiretso sa isang cubicle.

Napataas ang gilid ng pang-itaas kong labi nang marinig ko ang malakas na pagsuka ng lalaki.

Nakaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko at parang masusuka din ako habang naririnig ko ang patuloy na pagsuka ng lalaki.

Binilisan kong tapusin ang paglagay ng concealer sa gilid ng mga mata ko because the vomitting sound is so disgusting at nakakawala ng poise!

Nang matapos ay nagmamadali kong nilagay sa loob ng bag ko ang mga ginamit ko.

Pero hindi ko pa naisasara ang bag ko ay biglang bumukas ang pinto ng isang cubicle kaya gulat akong napalingon doon.

Nakatayo doon ang lalaki. Napatingin ako sa mukha niya and I noticed how pale he is! Namumuti din ang mga labi niya. Pansin kong nanginginig din ang mga kamay niyang nakahawak sa magkabilang side ng pintuan ng cubicle.

Mukha siyang hinang-hina.

Bumuka ang bibig niya na para bang may sasabihin siya pero bigla nalang siyang tumumba at nawalan ng malay na naging dahilan ng pagtili ko ng malakas.

STRANGEWhere stories live. Discover now