Chapter Eleven

35 1 1
                                    

Bumilis ang tibok ng puso ko at parang umurong ang dila ko. Alam kong hindi na rin ako nakangiti dahil sa mga unang salitang lumabas sa bibig ni Ced na narinig ko.

"Sino ka?" kunot ang noong tanong niya. Napansin kong nagtinginan ang doktor, nurse at si nanay Lisa. Pero ako ay nanatiling nakatitig sa mga mata ni Ced na punong-puno ng katanungan.

"Anak, hindi mo ba siya kilala? Siya si Cyrus, 'yung lagi mong kinukuwento sa'kin?" singit ni nanay Lisa pero mas lalo lamang kumunot ang noo ni Cedric. "A-ako, nakikilala mo ba ako, anak?" dugtong pa niya sa tonong parang kinakabahan.

"Oo naman, 'nay. T-teka, ano bang nangyari?" mga katanungan ni Cedric sa mahinang boses. Halatang nanghihina pa siya.

"D-doc.." mahina kong tawag sa doktor na para bang gusto kong magpa-rescue. Napatingin siya sa akin at kahit hindi pa ako nagtatanong ay nagsalita na siya.

"We will have further check-ups sa kalagayan ng pasyente at aalamin po namin kung anong dahilan ng kanyang inaakto ngayon. Pero sigurado ka bang kilala ka ng pasyente?" tanong ng doktor.

"Yes, doc. We're close, how can he not know me?" patanong kong sagot.

"Well, then please wait for the result of the test. But I presume that the patient is suffering from selective amnesia--"

"What?" hindi ko na pinatapos ang doktor sa kanyang sinasabi nang marinig ko ang salitang "amnesia."

"Selective amnesia. It is a condition--"

"Yes, doc. I know what selective amnesia is," sabi ko at parang nanlupaypay ang buong katawan ko. Ito yung kondisyon kung saan ang sufferer ay mawawalan ng ala-ala sa ilang mga bagay na ayaw ipaalala ng kanyang utak. Isang dahilan nito ay kung sobra masakit para sa pasyente ang isang ala-ala. Isa itong defense mechanism ng katawan.

Parang bigla ay nakaramdam ako ng kakaibang pagod.

"Iko-confirm po namin and we will inform you kung anuman ang magiging resulta ng tests. But for now, mas maigi siguro kung hahayaan muna natin ang pasyente na magpahinga," sabi ng doktor at marami pa itong sinabi kay nanay Lisa. Nakikinig lamang ako. Tungkol iyon sa mga dapat daw kainin ni Cedric para mas mabilis bumalik ang lakas nito at mga gamot na kakailanganin niya para sa pagpapagaling ng mga sugat niya.

May fracture siya sa kanang paa kaya sementado ito. May malaking sugat din siya sa kanyang dibdib, galos sa mga braso, at hindi kalakihan ngunit malalim na sugat sa kanyang ulo.

Marami daw ang namatay sa bus na sinakyan ni Cedric, muswerte na nga raw siya't kumpleto parin siya.

Nang umalis na ang doktor ay humarap sa akin si nanay Lisa. Tulog na ulit si Cedric.

"Cyrus, anak.." simula ni nanay Lisa pagkatapos ay umupo sa aking tabi. "Huwag kang mag-alala. Kung anuman ang dahilan kung bakit di ka maalala ni Cedric, ipanalangin natin na sana ay bumalik na ang alaala niya sa'yo. Kasi sa totoo lang, kinakabahan ako. Ngayong hindi ka niya maalala, baka babalik na naman siya sa dating kalagayan niya noon. Yung pagiging tahimik at malungkutin niya," mahabang litanya ni nanay Lisa. Tumulo ang luha ko but I quickly wiped it away. Pinapatatag ko ang sarili ko.

I breathed deeply.

"'Wag po kayong mag-aalala, nanay. Hindi po ako aalis hangga't hindi ako naaalala ng anak niyo," sigurado at determinadong sabi ko. Bahagyang umawang ang bibig niya.

"Pero.. hindi ba't nag-aaral ka pa? Ibig mo bang sabihin ay titigil ka?" tanong niya.

Muli akong bumuntong-hininga. Sandali kong sinulyapan si Cedric at ang napakaamong mukha niya bago ako muling tumingin kay nanay Lisa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

STRANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon