Chapter Two

108 3 5
                                    

"Cellphone mo," sabi niya habang iniaabot sa'kin ang cellphone ko na kanina lang ay itinatakbo nung snatcher.

"How..?"

"Hinabol ko yung isnatser. Buti nalang, nahabol ko," sabi niya habang hingal na hingal parin.

"Bakit mo naman ginawa yun? At bakit naman nandun ka din sa mall?" tanong ko at kinuha ko ang cellphone ko mula sa kanya. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko.

"Sinusundan kasi kita kasi gusto ko paring ibalik yung sukli mo. At ginawa ko yun dahil binabalik ko lang yung tulong na ginawa mo sa'kin kanina," sagot niya. Napayuko siya habang nakatukod ang dalawang kamay niya sa kanyang tuhod, senyales na talagang pagod siya.

Naawa naman ako sa itsura niya kahit dugyot parin siyang tingnan. Ipinupunas pa niya ang laylayan ng damit niya sa pawis na pawis na mukha niya.

"Oh," sabi ko habang iniaabot ko sa kanya ang dalawang paper bags. T-shirts at pants lang naman ang laman ng mga yun. Regalo ko sana kay kuya Hunio, kapatid ko, ang mga yun pero bibili nalang ako ng iba bukas. Mukhang mas kailangan ni Cedric ng damit. Mas mukha pang disente yung janitor sa school.

"Ano naman yan?" tanong niya at tumayo ng tuwid habang nakatingin sa mga paper bags.

"Wag ka nang magtanong, please. Just receive these," pagpipilit ko at ipinagduldolan sa kanya ang mga paper bags. Wala naman siyang nagawa kundi tanggapin nalang ang mga yun.

"Thank you," sabi ko and I smiled as sweetly as I can. Napansin ko ang bahagyang paghiwalay ng mga labi niya habang nakatitig sa'kin. "Quits na tayo."

Hindi siya sumagot. He just stood there and stare. Anong meron?

"Hey!" I waved my hand in front of his face at para siyang natauhan.

"Ha?" he blurted out.

"Natulala ka nalang bigla diyan," sabi ko. Hindi siya ulit nakapagsalita. What's with this boy? "Baka naman pwede mo akong samahan diyan sa restaurant habang tinatawagan ko ang driver ko?"

"Anong gagawin natin dun?" tanong niya which made me let out a loud grunt. Ang bobo nung tanong niya eh! Gosh.

"Ano sa tingin mo?" balik-tanong ko. "Halika na."

Nauna na akong naglakad papasok sa mall at diretso sa kainan na malapit. Good thing is nakasunod naman siya at hindi siya nag-lag dun sa kinatatayuan niya.

Umorder ako ng makakain namin dahil mag-aalas sais na ng gabi. And while waiting for the food, tinawagan ko narin si kuya Rhanie.

When I ended up the call, napatingin ako kay Cedric na tahimik na nakaupo at sinusundan ng tingin ang bawat galaw ko. Bigla tuloy akong kinabahan dahil sa kanyang actions.

"What?" tanong ko pagkatapos mapalunok.

"Mayaman ka pala?" sabi niya and I chuckled. I just find his remarks so amusing. Usually, I hate stupid remarks from a stupid person. But this boy is not stupid. Innocent, maybe? At tsaka mukhang hindi siya taga-rito sa lungsod.

Dahil sa naisip ay napatanong ako. "From where are you, Cedric?"

"Ah eh, tagamalayong probinsya ako," he answered.

"Why are you here? I mean, why did you choose to study here?" tanong ko ulit at napakamot siya. I laughed!

"Pasensiya na, mahina kasi ako sa ingles eh," sabi niya. "Pwede bang paki-Tagalog yung sinabi mo?"

"Ang sabi ko, bakit mo naman napiling dito mag-aral?" pagta-translate ko sa sinabi ko kanina.

"Ah eh, nakuha kasi akong iskolar ni Sir Julio Sanderson nung napunta sila sa amin," tumaas ang isang kilay ko dahil sa pagsambit niya sa pangalan ng daddy ko.

STRANGEWhere stories live. Discover now